Nilingon ni Ara si Kanoa habang naglalakad sila pauwi. Buhat nito si Antoinette na nakahiga ang ulo sa balikat ng ama dahil nakatulog pagkatapos ng school session. Bago dumiretso sa bahay, nag-aya na rin muna kasi si Kanoa na bumili ng pizza malapit sa kanila.
Seryoso lang ang mukha ni Kanoa. Kaninang umaga pa nga niya ito naghihintay na magsabi sa kaniya tungkol sa narinig kinagabihan.
A part of Ara wanted to forget about what she heard. It ruined the surprise, but it was also her fault. Kung hindi siguro siya umarteng natutulog o kung kinausap na lang kaagad niya si Kanoa, hindi sana siya mapapaisip. She was in between excited and worried, and she didn't even know why.
Nang makarating sa bahay, dumiretso si Kanoa sa kwarto para ihiga si Antoinette habang naiwan naman si Ara sa kusina para ayusin ang ilang pinamili nila bago sumunod sa kwarto. Sumandal siya sa hamba ng pinto para panoorin ang ginagawa nito.
Naabutan niyang tinatanggal ni Kanoa ang sapatos ng anak. Sumunod nitong tinanggal ang pagkakaipit ng buhok at maingat na sinuklay bago inayos ang unan sa gilid at kinumutan. Inayos din ni Kanoa ang blinds ng kwarto para dumilim bago naglagay ng white noise para hindi kaagad magising ang anak nila.
Tumingin sa kaniya si Kanoa at ngumiti ngunit kaagad na nagsalubong ang kilay. Lumapit ito sa kaniya, ipinalibot ang kanang braso sa baywang niya, at hinalikan siya sa gilid ng noo.
"Kanina ka pa tahimik," bulong ni Kanoa. "Ano'ng nangyayari?"
Umiling si Ara. "I was just sleepy," ngumiti siya. "Let's eat your pizza na? Do you wanna watch a movie?"
Tumango si Kanoa at naunang lumabas. Nagpalit na rin muna si Ara ng damit pabahay bago sumunod sa living area kung saan nakaayos na ang pizza sa coffee table at juice para sa kanilang dalawa. Wala si Shara dahil nasa ibang trabaho ito.
Nagsimula silang manood ng movie at nanatiling tahimik si Ara. Naka-indian sit siya at katabi ni Kanoa na minsang hinahaplos ang likuran niya bago aayos ng upo. Muli siyang naghintay, pero wala.
. . . and she couldn't take it anymore.
Ara faced Kanoa who immediately paused the movie while staring at her, too. Frowning and waiting but didn't say a word.
Ayaw sana niyang siya ang magbukas ng topic, pero malala na ang overthinking niya. Halos hindi na nga siya nakatulog kakaisip tungkol doon. Ni hindi niya malunok ang pizza na nasa kamay niya.
"Kanoa?"
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Kanoa. "Ano'ng nangyayari? Ayos ka lang ba?"
Umiling si Ara at yumuko. "I wanna be honest with you kasi. I can't take it anymore and I hate keeping things from you."
"Ano'ng meron?" nagsalubong ang kilay ni Kanoa. "Kinakabahan ako, Ara."
Ara bit her lower lip, sighed, and faced Kanoa. "I heard what you said last night. I wasn't sleeping at all. I was just resting my eyes and I didn't expect you'll say that. I was so nervous that I pretended to sleep and . . ."
Kanoa laughed lowly making Ara stop talking.
"Why are you laughing?" she frowned and sounded annoyed.
"Wala," Kanoa shook his head.
"Kanoa."
Kanoa smiled at her. "Alam kong gising ka. Para namang hindi ko alam kung ano itsura mo kapag tulog," he shook his head. "Hinihintay nga kitang mag-open ng topic, eh."
"I was waiting for you, too!" she exclaimed. "It's a yes! I wanna marry you!"
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com