Kanoa smiled when Ara started eating. Nagpunta sila sa isang steakhouse dahil gusto raw nitong kumain ng steak, pero dumaan muna sila sa isang bakery para bumili ng soft pretzel.
Nakapatong ang baba niya sa sariling palad na nakapatong sa lamesa habang pinanonood si Ara. Naka-messy bun ang buhok nito at mukhang inaantok na rin, pero mas pinili pa ring kumain. Heavy meal pa nga.
"Gusto mo ng milkshake?" tanong ni Kanoa na kinuha ang menu. "Meron silang popcorn milkshake. Favorite mo."
Ara nodded without even thinking about it. Isinawsaw nito ang pretzel sa nutella with almond dip na nakuha nila. Nagkukuwento ito tungkol sa bagong restaurant na kailangang puntahan para sa bagong project. Tungkol daw iyon sa mga wedding cakes kaya excited ito.
"Medyo nag-vomit ako last time sa seafoods. I mean the food naman was great kaso I don't like the location. Medyo fishy kasi 'yong amoy niya and I can't even concentrait."
"Nag-off ka ba?"
Tumango si Ara at uminom muna ng tubig bago sumagot. "Yup. I told them na sa house muna ako mag-work kasi I'm not feeling well lately and they agreed naman but I have to go to the office next week. Ikaw, may pasok ka sa office?"
Ara blinked multiple times while waiting for his response. Hindi alam ni Kanoa kung maiinis na naman ba si Ara sa isasagot niya dahil ang totoo, marami silang trabaho sa mga susunod at kailangan pa niyang magpunta sa isang state para sa isang project.
Nakikita niya kung paano itong kasalukuyang nag-e-enjoy sa kinakain at ayaw niyang masira ang mood nito.
"Medyo marami kaming work sa susunod, but I'll always make time," paniniguro niya. "Breakfast and dinner pa rin naman ako sa bahay natin."
Ara looked down and nodded. Kanoa breathed. Hindi siya puwedeng magsinungaling kay Ara at hindi niya iyon gagawin. Ayaw naman niyang makita na hindi nito nagugustuhan ang sinabi niya.
"Uuwi kaagad ako after work," paniniguro ni Kanoa. "If you're free, puwede kang magpunta sa office tayo sabay tayong kumain. What do you think?"
Sa sinabi niyang iyon, muling ngumiti si Ara at tumango. "Puwede kang mag-lunch with me just in case? Kasi if yes, I'll go talaga sa office mo."
Kanoa nodded. "Oo nga. Para at least sabay pa rin tayong mag-lunch kahit nasa office ako."
"Okay," Ara smiled warmly. "After nating kumain, can we stay out and walk around the area muna? I'm not sleepy yet and I wanna walk muna."
Tumango si Kanoa kahit na antok na antok na siya. Sinabi na lang niya kay Ara na maghanap sila ng coffee shop para makabili siya ng kape. Busog siya dahil kakakain lang naman nila ng dinner, pero wala siyang magawa sa tuwing pinapakain siya ni Ara ng steak na hiniwa nito.
"Busog na 'ko, Love," sabi ni Kanoa nang ipilit ni Ara ang isang slice ng steak. "Ikaw na lang kumain. Baka maubos ko pa 'yan. Kawawa ka naman."
"I like watching you eat," sabi ni Ara na nag-beautiful eyes pa nga. "One more na lang."
Lumunok muna si Kanoa habang nakatingin sa steak dahil umay na umay na siya at nasusuya, pero hindi siya makatanggi.
"Tastes good, 'di ba?" Ara giggled.
Kanoa nodded. "Oo," he responded in agony.
"Okay, one na lang."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com