Kahit na nagtatrabaho si Ara, nag-decide silang manood ng movie. Sinabihan naman niya si Kanoa na puwede na itong matulog dahil pagod na rin sa maghapon, pero hindi pumayag. Nasanay na rin kasi silang natutulog nang sabay. Madalas kasing nagkukuwentuhan muna sila bago tuluyang magpahinga.
"Love, I'm worried about Antoinette," ani Ara na isinara ang laptop. "I'm worried na 'pag umuwi ka sa Pilipinas, she'll give me a hard time kasi she's too used to you now. Daddy's girl."
Hininaan ni Kanoa ang volume ng TV at patagilid na tumingin sa kaniya. Seryoso ang mukha nito, ni wala man lang sagot a sinabi niya.
"I can't ask you because I don't wanna know, but now that I can see how close you both were, I don't know what to do," pagpapatuloy ni Ara. "When ka uuwi sa Philippines para makapag-ready ako? I wanna make sure Antoinette's settled na rin before ka umalis."
Umiling si Kanoa at huminga nang malalim. "Sa totoo lang, wala pa akong plano, pero dahil na-open mo naman na . . . mas maganda rin sigurong pag-usapan na natin. Wala ka bang balak umuwi sandali sa Pilipinas?"
"I have plans, actually. Remember when I told you na baka uuwi kami ni Antoinette sa birthday namin ni Belle?" ngumiti si Ara. "But I'm not sure yet kasi our birthday's in almost two months and you're still here. Baka next year na lang."
"Kung gusto mo, umuwi ka, sabay na lang tayong umuwi," sabi ni Kanoa.
Yumuko si Ara at hindi sumagot. Nanatili itong nakatingin sa kamay na nilalaro ang sariling kuko. Alam ni Kanoa na kapag ganoon, nag-iisip ito nang malalim. Lumapit siya at maingat na hinawakan ang kamay nito.
"'Lika rito," pag-aya niya kay Ara na sumandal sa kaniya. "Ano'ng meron? Ano'ng nagpapagulo?"
Tumingin si Ara sa kaniya. "Nothing. I am just . . . worried about Antoinette. She might cry and you, too! What if pag-uwi natin sa Philippines, she'll stay with you muna? I can't take her away from you! Ayaw ko rin na sad si Antoinette because you're not here . . . tapos . . ."
Kanoa was staring at Ara who cleared her throat.
"Then sabay na lang kayong magpunta here," pinilit ni Ara ang ngumiti. "I'll be okay and I'll wait na lang siguro sa inyong dalawa. Mas sanay kasi si Antoinette sa 'yo now and . . ."
Ara stopped talking when Kanoa held hand and asked her to lean onto him. He wrapped both his arms around her. It was comforting that Ara automatically closed her eyes, held onto Kanoa's arms, and breathed deeply.
Nang maramdaman ni Kanoa na kumalma na si Ara. Hinalikan niya ang pisngi nito mula sa likuran. Pinagsaklop niya ang kamay nila at hinayaan lang itong sumandal sa kaniya. Medyo malamig kaya inabot niya ang blanket at binalot iyon sa kanilang dalawa.
"Kaya mo bang malayo sa 'yo si Antoinette?" tanong ni Kanoa. "Kung ano man ang maging plano sa mga susunod, okay lang sa 'kin, pero parang hindi ako kumportableng magkalayo kayong dalawa," dagdag niya.
"But she'll look for you," Ara sniffed. "Baka she'll cry every night kasi she's used to you. Baka I'll cry rin at night kasi I'll miss you. Mabilis lang naman, right? Babalikan mo kami kaagad here?"
Mahinang natawa si Kanoa. "Oo naman, 'no. Siyempre hindi na rin ako sanay. Aayusin ko kaagad 'yung flight ko. Ano sa tingin mo? Sabay tayong umuwi sa Pilipinas in two months?"
"I'll try to ask the company if they'll allow me. I think, oo naman. Hindi naman ako umuwi last year, but let's see," Ara said in a low voice.
Nanatili siyang nakatitig sa TV kahit na hindi naman na niya naiintindihan ang pinanonood nila dahil iba na ang tumatakbo sa isip niya. Wala pa mang planong umalis si Kanoa, para na siyang naho-homesick. Parang sa mga susunod na araw, magbibilang na siya ng araw dahil aalis na naman ito.
Ara rested her back onto Kanoa's. She could feel his thumb caressing the back of her hand. She closed her eyes. Not to sleep, but to rest. Maghapon siyang nasa harapan ng laptop at sumasakit na iyon. Maybe she needed a new glasses.
She felt Kanoa kissing the side of her forehead, calming her.
"Ara?"
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakapikit.
"Tulog ka na yata, eh," bulong ni Kanoa at muling hinalikan ang likurang bahagi ng ulo niya. "Ang daya mo talaga kahit kelan," pagpapatuloy nito.
Nanatiling tahimik si Ara. Pinakikinggan lang niya ang movie na pinanonood nila. Ramdam niya pa rin ang paghaplos ni Kanoa sa kamay niya at ilang minuto na ang lumipas, nanatili siyang nakapikit. Ramdam niyang inaantok na rin siya, pero hihintayin na lang niyang gisingin siya ni Kanoa.
"Pakakasalan mo kaya ako?" narinig niyang bulong ni Kanoa na ikinagulat niya. "Practice ako nang practice, kaso hindi ko alam paano ko itatanong sa 'yo."
Ara's heart pounded but remained unmoving. Naramdaman niyang hinaplos ni Kanoa ang kamay niya bago ito bahagyang gumalaw na para bang sinisilip kung gising na siya o ano. Naramdaman pa niya ang hangin na nanggagaling sa ilong nito sa may gilid ng kanang mata niya. Naramdaman din niya ang paglapat ng labi nito sa gilid ng noo niya pababa sa pisngi bago isinubsob ang mukha sa balikat niya."Bukas na nga kita tatanungin," bulong nito.
Gustong matawa ni Ara, pero pinigilan niya.
"Tatanungin dapat kita, eh, kaso tulog ka? Langya. Sweet dreams siguro, Barbara."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com