CMWY 129

979 88 3
                                    

Habang tulak ni Ara ang stroller ni Annabeth, nakatingin siya kina Kanoa at Antoinette na magkahawak pa ang kamay habang naglalakad. Both even swayed their hands together. 

It had been a month since she gave birth and it was easier than expected. Isa sa ikinatakot ni Ara na baka mahirapan sila ni Kanoa pagdating ni Annabeth, pero kabaliktahan ang lahat. 

Annabeth was a calm and easy baby. 

Antoinette was the best big sister anyone could have. Matulungin ito at kahit hindi sila nanghihingi ng tulong sa anak, palagi itong nakaabang kung mayroon silang kailangan.

Sa simpleng pagkuha ng diaper o pag-abot ng kumot ni Annabeth, gusto ni Antoinette na maging involve at hinahayaan nila ito ni Kanoa. Nakita rin nila kung gaano kaalaga si Antoinette sa nakababatang kapatid lalo nang minsan nila itong naabutang inuugoy ang crib para makatulog ang umiiyak na kapatid. 

One more thing was she wasn't tired at all. Nakukuha niya nang buo ang tulog niya sa magdamag dahil si Kanoa ang umaasikaso kay Annabeth. Sa maghapon, naka-latch ito sa kaniya, pero sa magdamag, bottle feeding para naman makatulog siya. 

Ara smiled and took her phone to take a photo of Kanoa and Antoinette running. It was six in the morning and both were active. Araw-araw nila itong ginagawa. They would sacrifice their sleep to bond with Antoinette who loved the sunrise and the park. Nakuha na rin nilang pagkakataon iyon para maglakad-lakad sa umaga. 

She needed some exercise, too. Annabeth needed the morning light, so it was a win-win. 

 "Mommy!" Tumakbo si Antoinette papalapit sa kaniya at iniabot ang pinitas nitong isang pirasong bulaklak. "It's so pretty!" 

Lumhod si Ara at sinalubong ang tingin ni Antoinette. "Yes, like you!" Inilagay niya ang bulaklak sa tainga ng anak. "There. So pretty!" 

Tumabi naman si Kanoa sa kaniya at ito na ang nagtulak ng stroller habang hawak niya si Antoinette na panay ang kwento tungkol sa ducks na pinakakain. Itinuro din nito bench na madalas nilang upuan at tumakbo roon. 

"Ano'ng sandwich ang dala mo now?" Humawak si Ara sa braso ni Kanoa na itinutulak ang stroller. 

"Chicken sandwich na may cucumber sa 'yo. Tuna sandwich naman sa 'kin. Nutella with banana kay Antoinette," sagot ni Kanoa. "Nagdala rin ako ng milk mo and yogurt drink ni Antoinette. Ang kulit niya kanina noong nag-aayos kami, eh. Gusto raw niya ng yakult, eh ubos na nga." 

Mahinang natawa si Ara. "And what did you do?" 

"Sabi ko bibili kami mamaya kaya ihahatid lang muna namin kayo ni Annabeth 'tapos aalis kami ulit. Pupunta kami sa supermarket. Meron ka bang gustong ipabili? Alam mo parang gusto kong magluto ng adobong baboy na may sitaw," ngumiti si Kanoa. "Oo, alam ko pagtatawanan mo na naman!" 

Naupo si Ara sa bench. "Eh kasi 'di ba pork is supposed to be the sahog? But you're making the sitaw as sahog." 

"Mas masarap kaya 'yon," dipensa naman ni Kanoa. "Hiningi ko nga kay Mama 'yong recipe niya sa mga gulay. Namimihasa tayo sa karne nitong mga nakaraan at saka sa fast food." 

It was true. Hindi sila nakakapagluto, pero napag-usapan din nilang babaguhin iyon para masanay ang mga anak nila sa gulay lalo na si Antoinette na palaging nakahiling ng steak. Bukod sa magastos, hindi puwedeng madalas. 

At almost seven, they were in the park. It was cold, but the sunlight kept them warm. They were eating their sandwiches when Annabeth woke up and cried. Kinuha kaagad ni Kanoa ang breasfeeding cover niya at inayos iyon sa katawan niya para mapadede rin niya ang bunso nila. 

Naupo ito sa tabi niya habang inaasikaso ang pagkain ni Antoinette. 

Ara observed. Kanoa and Antoinette were bickering while she was breastfeeding Annabeth. It was the life she never expected. Years ago, she longed for this to happen. She was happy, but still . . . the hole inside her heart couldn't fill the gap. Kahit na mayroong Kanoa, Antoinette, at Annabeth, hinding-hindi niya kayang tuluyang maging masaya. 

Malalim siyang huminga at tinitigan ang bracelet na palagi niyang suot. It was a gift from Kanoa. Engraved was Antheia's heartbeat. 

She remembered a lyric from Ronan.

'What if the miracle was even getting one moment with you? I love you to the moon and back.' 



T H E X W H H Y S

www.thexwhys.com

Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon