Nagising si Kanoa na wala si Ara sa tabi niya. Nakabukas naman ang bathroom kaya sigurado siyang wala ito roon. Paglabas niya, naabutan niya si Ara na natutulog sa sofa. Yakap nito ang bagong unan na binili nila kahapon.
It was a long pillow because Ara wanted something to hug while sleeping. Sinabi ni Kanoa na puwede naman siya, pero umayaw ito. Hindi niya alam kung bakit.
Kung noong una, clingy si Ara sa kaniya... simula naman nitong linggo ay halos hindi ito dumidikit sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit, pero gusto niyang matawa na minsan, umiiwas pa nga. Napapailing na lang siya, pero ayaw niya itong piliting kausapin siya.
Bumalik si Kanoa sa loob ng kwarto para kunin ang isang camera niya. Simula rin kasi nang malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis ni Ara, halos araw-araw niya itong palihim na kinukuhanan ng picture para lang maging remembrance. Kanoa also planned to compile all the photos he took.
Hindi pa naman halata ang tiyan ni Ara kapag nakadamit, pero minsan niya iyong nakita nang sabay silang maligo. The bump was visible and he felt it. Finally, he was able to.
He loved taking photos of Ara and Antoinette. He liked making every memories documented para kapag may pagkakataon sa hinaharap, mapapanood nila iyon. Sa tuwing papasok si Antoinette sa school, hindi puwedeng walang picture kahit ayaw ng anak niya.
Minsang natawa si Kanoa dahil ang shot na nakuha niya, umiiyak. Sa compilation ng video, magkakaiba ang mood ni Antoinette sa araw-araw at wala siyang pakialam. Ang mahalaga, mayroon.
Nang gumalaw si Ara, daling pumasok si Kanoa sa kwarto para itago ang camera niya. Walang alam si Ara tungkol doon dahil gusto niyang maging surprise iyon kapag nanganak na ito.
Paglabas niya, salubong ang kilay ni Ara habang nakatingin sa kaniya. "What time is it?" tanong nito.
"It's two. Bakit dito ka natutulog?" Naupo si Kanoa sa gilid ng sofa at hinaplos ang buhok ni Ara. "Ayaw mo sa kwarto?"
Umiling si Ara habang nakatingin sa kaniya.
"Bakit?" tanong niya.
"I don't wanna hurt your feelings," bulong ni Ara habang nakatakip ng kumot ang bibig nito. "Sleep ka na there. I'm okay here."
Umiling si Kanoa. "Ano'ng problema, Ara?"
Nakita ni Kanoa kung paanong kinagat ni Ara ang ibabang labi habang nakatingin sa kaniya na para bang ayaw sabihin kung ano ang mayroon. Matagal nakatitig si Ara, hindi naman niya ito inalisan ng tingin. Ito na naman sila sa hindi niya alam kung may nagawa ba siya. Alam niyang wala, pero ito na naman sila.
"You smell so bad," Ara said in a low voice. "I don't wanna hurt your feelings, but I don't wanna sleep beside you kasi navo-vomit ako sa amoy mo. It's the same perfume, I know. It's the pregnancy, not you."
Tahimik na nakatingin si Kanoa.
"Don't mind me. I'll be okay," pagpapatuloy ni Ara. "I . . . just don't want anything about you."
Kanoa knew he should fight with a pregnant woman. Tanging paghinga lang ang nagawa niya dahil hindi naman niya puwedeng kuwestyunin si Ara. Tipid na lang siyang ngumiti at tumayo.
"Sa kwarto ka na lang matulog, ako na lang dito. Manonood na lang ako ng movie. Sa kwarto ka na para mas kumportable," sabi ni Kanoa. Kinuha niya ang unan. "Alisin ko na 'tong kumot mo, ha? Dalhin ko na sa kwarto."
Tumango si Ara at maingat na bumangon. Dumeretso ito sa kusina para uminom ng tubig. Sinilip din muna si Antoinette sa sarili nitong kwarto bago kinuha ang laptop ang cellphone na nasa lamesa. Nakatayo si Kanoa sa tabi ng sofa, nakatingin sa asawa niyang hindi man lang nagpaalam sa kaniya at basta na lang pumasok sa kwarto.
Isa pa, narinig niya ang pagtunog ng lock. Nag-lock talaga si Ara para hindi siya makapasok. Pasimple niyang inamoy ang sarili. Hindi naman siya mabaho.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com