Ngumiti si Kanoa nang bigla na lang tumakbo si Ara dahil nakita nito si Sam at Belle na naghihintay sa kanila. Buhat niya si Antoinette at mayroong tumutulong sa kanilang airport personell para magtulak ng cart dahil halos sampung maleta ang dala nila.
Nasa New York pa lang, na-realize na ni Kanoa na hindi light packer si Ara dahil napakarami nitong bitbit.
"Kuya!" Ara clung to Sam who wrapped his arms around Ara's small frame. "I missed you so much, Kuya!"
"Sali ako!" sigaw ni Belle na sumali sa yakapan.
Nagkatinginan sila nina Sayaka at Aaron na parehong nakangiti habang nakatingin sa magkakapatid. Halos paglambitinan na kasi nina Ara at Belle si Sam na natatawa na rin dahil nabibigatan sa kambal.
"Andra!" natutuwang lumapit si Aaron sa kaniya at tinanong kung puwede bang buhatin ang anak niya.
"Aawon!" nagmamadaling sumama si Antoinette. "Aawon, I'm a big baby!" pagmamalaki nito.
Natawa si Kanoa sa sinabi ng anak niya. Ipinakita pa nito ang bagong braid na buhok at sinabing siya ang gumawa niyon. Pinakita rin ni Antoinette kay Aaron ang bago nitong charm sa bracelet na kabibili lang nila ni Ara noong isang linggo.
It was an airplane charm.
Dahil busy naman si Ara at ang anak niya, hinarap niya ang airport personell na tumulong sa kanila at inabutan ito ng cash at nagpasalamat sa pagtulong sa kanila. Inayos niya ang cart at sinigurong sakto lahat ng maleta nila.
Muli niyang hinarap ang mga kasama at saktong naghiwalay si Sam sa kambal. Kausap na ngayon ni Ara sina Belle at Sayaka.
Lumapit sa kaniya si Sam at nakipagkamay. Tinapik nito ang balikat niya at tinulungan siyang itulak ang isa pang cart habang nakasunod sila sa tatlong babaeng excited na magkuwentuhan at buhay naman ni Aaron si Antoinette na nagkukuwentuhan.
"Ang laki na ni Andra," sabi ni Sam habang nakatingin sa anak niya. "Grabe. Naalala pa kaya ako?"
"Siguradong oo. Si Aaron nga, nakilala kaagad, ikaw pa kaya," ngumiti si Kanoa. "Ikaw ang unang daddy niya, eh. Minsan nga binabanggit ka niya. Sinasabi niyang nilulutuan mo siya ng waffles."
Nakita ni Kanoa ang ngiti sa labi ni Sam. Kung puwede lang siguro nitong kunin kaagad si Antoinette kay Aaron, ginawa na ngunit nagpatuloy lang sa patulak sa cart at nakikipag-usap sa kaniya. Kinamusta nito ang flight nila at tinanong kung kumusta si Antoinette.
Huminto sila sa isang malaking van na mayroong naghihintay na dalawang lalaking nakasandal. Kaagad na kinuha ng dalawa ang cart mula sa kanila ni Sam at isa-isang inayos ang mga maleta sa likurang bahagi ng sasakyan.
"Kami na po ang bahala rito, Sir," sabi ng isang lalaki nang mag-attempt siyang tumulong.
Tumango si Kanoa at nagpasalamat sa dalawa. Pagpasok ni Kanoa sa sasakyan, nasa gitnang bahagi sina Ara, Sayaka, at Belle na pinag-uusapan ang tungkol sa venue ng kasal. Likurang bahagi na lang ang bakante kaya roon siya pumuwesto.
Nasa likod ng driver naman si Aaron na kalong si Antoinette. Hindi naman siya hinahanap ng anak niya kaya hinayaan na niya ito.
Naiwan sa labas si Sam habang kinakausap ang mga driver ng van ngunit tumigil sa pagsasalita nang marinig nila ang boses ni Antoinette. Kahit sina Ara ay tumigil sa pag-uusap.
"Sam!" sigaw ni Antoinette. "Sam, sit down. Sam!"
Tumingin si Ara kay Kanoa at ngumiti, ganoon din siya.
"Sam, look!" pagkuha ni Antoinette sa atensyon ng Tito nito na nasa labas pa rin at nakatingin sa pamangkin. "My T-shirt is dolphin. They're noisy."
Natawa si Kanoa.
Kaagad namang lumapit si Sam kay Antoinette at kinandong ito. Kahit na nasa likuran siya, nakikita niyang panay ang halik nito sa gilid ng noo ni Antoinette. Tinatanong nito ang tungkol sa eroplano, sa dolphin, at pati na rin sa pinanonood nilang Jurassic Park nitong mga nakaraan.
"Dinosaurs ang bet niya now, Kuya," sabi ni Ara.
"Wow! What's your favorite dinosaur?" kaagad namang tanong ni Sam kay Antoinette.
"Raptors! Rawr!" umarte pang nakatatakot kunwari ito. "Big teeth and claws and scales. Scary!"
Mula sa likuran ng sasakyan, nakatingin lang si Kanoa sa mag-ina niya. Busy si Ara na nakikipag-usap kina Belle at Sayaka, busy naman ang anak niya na nakikipag-usap kina Aaron at Sam.
Kanoa was happy that his girls were happy to be home after more than a year. Siya naman, kaagad siyang nag-message kay Jairold na nakarating na sila ng Pilipinas, ganoon din sa Mama niya. Sinabi nitong malinis na ang condo nila at anytime, puwede na nilang tirhan.
Sa condo ni Sam muna sila tutuloy. Iyon ang napag-usapan nila ni Ara.
Kanoa was busy chatting with Jairold when Ara sat beside him.
"Oh, bakit?" tanong ni Kanoa.
Umiling si Ara at inihiga ang ulo sa balikat niya. "Are you tired? Hindi ka naka-sleep kanina."
"Ayos lang." Tinago ni Kanoa ang phone at hinawakan ang kamay ni Ara. Nilaro niya ang suot nitong singsing. "Babawi ako ng tulog mamaya o bukas. Marami namang titingin kay Antoinette," pagbibiro niya.
Tumango si Ara at lumapit sa kaniya. "Punta us sa condo mo?"
Tumaas ang kilay ni Kanoa at mahinang natawa. "Ito naman, excited sa honeymoon," bulong niya.
"Hoy!" natawa si Ara. "Parang ikaw, hindi, ha!"
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com