Simula nang mapag-usapan nilang magpakasal, never nag-open ng topic si Ara tungkol sa mga magulang nito. Alam ni Kanoa na lantaran ang pagkadisgusto ng mga ito sa kaniya at nahihiya siya kay Ara dahil doon. Gustuhin man niyang magtanong, ayaw niya itong mawala sa mood.
Nagpasalamat si Kanoa dahil nakatulog na rin si Antoinette. Inabot pa ng anim na oras bago ito natulog at lumipat kay Ara. Pasimple niyang sinilip ang dalawa na mahimbing na natutulog.
Inayos niya ang kumot at saka bumalik sa upuan. Inilabas niya ang laptop para isalin ang ilang pictures na nakuhanan niya.
Nitong mga nakaraan, sina Ara at Antoinette lang ang naging subject niya at paborito niya iyon. Araw-araw niyang kinukuhanan ng picture ang mag-ina niya at inilalagay sa hard drive na para lamang sa kanila.
Araw-araw rin niyang kinukuhanan ng video ang anak niya. Kanoa was documenting Antoinette every single day at habang pinanonood niya iyon, nakikita niya ang paghaba ng buhok ng anak niya, ang pagbabago ng ngiti, ang pagtangkad, pati na rin ang kakulitan nito.
. . . at sa tuwing ginagawa niya iyon sa araw-araw, nalulungkot pa rin siya dahil kulang ng isa. Dalawa sana ang ginagawan niya ng documentary, pero isa lang ang kasama niya.
Kanoa sighed and shook his head. He closed his laptop and tried to rest his eyes. Sasabayan na niyang matulog ang mag-ina niya dahil malamang na kapag naalimpungatan na naman si Antoinette ay sa kaniya ito pupunta.
Awtomatikong ngumiti si Kanoa nang maalala kung paanong dumikit sa kaniya ang anak niya. Dalawang linggo na lang, ikakasal na sila ni Ara at sa tuwing maaalala niya ang nakaraan nila, may mga pagkakataong naluluha siya.
Hindi siya iyaking tao, pero kapag si Ara ang dahilan . . . nagiging mababaw ang lahat.
Noong isang araw, nakita niya ang profile ni Cocoy. Nakita niyang masaya na ito kasama ang kasintahan. Wala naman siyang alam tungkol kay Luis dahil mas minabuti niyang walang maging koneksyon sa kahit sino mula sa nakaraan. Si Jai at Gia lang ang pinagkatiwalaan niya, walang iba.
Kung puwede lang niyang ibalik ang nakaraan, itatama kaagad niya ang mali para hindi nasaktan si Ara, pero hindi na puwede. Wala na siyang magagawa kung hindi tanggapin na minsan niya itong nasaktan.
Dahil na rin sa mga nangyari, nawalan siya ng pagkakataong makilala si Antheia. Nawalan siya ng pagkakataong makasama si Ara sa pagbubuntis nito noon sa kambal at nawalan siya ng pagkakataong makitang lumaki ang anak niya.
Oo, kasama niya si Antoinette, pero paulit-ulit ding tumatakbo sa isip niya na paano kaya ito noong maliit? Paano kaya sila ni Ara kung magkasama sila noon? Ano kaya ang buhay nila ngayon?
Masaya sila, pero kulang. Iyon ang reyalidad.
Naramdaman ni Kanoa na pahimbing na ang tulog niya nang marinig ang boses ni Antoinette. Bigla itong umiyak na nagpabangon sa kaniya at naabutang gising si Ara na tinatapik ang likuran ng anak nila.
"Ako na," ani Kanoa na kaagad kinuha si Antoinette para ihele. "Tulog ka na ulit," sabi niya kay Ara.
Imbes na mahiga, bumangon si Ara at sinuklay ang buhok gamit ang sariling mga daliri habang nakatingin kay Kanoa. Hinahalikan nito ang pisngi ng anak nilang nag-iinarte pa dahil buhat na ng ama. Kanina pa naman ito gising, pero nang makitang hindi siya si Kanoa, kaagad na umiyak.
Umirap si Ara at mahinang natawa habang nakatingin sa mag-ama niya.
"Bakit?" Kanoa asked. "Nagugutom ka? Gusto mo bang manghingi ako ng pagkain sa cabin crew?"
Ara pouted and nodded. "Yes, please."
Kanoa asked Antoinette, too, who wanted some chips and chocolates and ice cream and a steak that made them laugh.
"Tingin ko kailangan kong i-enjoy si Antoinette ngayon dito sa eroplano," natawa si Kanoa. "Feeling ko pagdating sa Pilipinas, hindi natin mahahawakan 'tong anak natin, eh. Sa mga kapatid mo pa lang, si Mama pa."
"That means," Ara squinted. "You'll have more time sa 'kin. Buti naman."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
![](https://img.wattpad.com/cover/346639657-288-k934087.jpg)