CMWY 117

1K 93 8
                                    

Ara didn't know why, but Kanoa's breathing annoyed her. It was just four in the morning, and she was supposed to be sleeping peacefully, but couldn't. Naririnig niya ang bawat paghinga ni Kanoa at umiinit ang ulo niya. Hindi naman humihilik, pero nakakairita para sa kaniya. 

Maingat siyang bumangon para hindi ito magising lalo na si Antoinette na nakahiga sa kabilang gilid ni Kanoa. Naisipan niyang magluto ng soup dahil nagugutom din siya. 

Habang hinihintay na maluto ang soup, hinaplos ni Ara ang tiyan niya at lihim na napangiti. Malaki na at sa checkup nila sa isang araw, malalaman na nila kung ano ang gender. Wala naman silang preference ni Kanoa. Kung babae, okay lang. Kapag lalaki, okay lang din. 

All Ara wanted was for the baby to be okay. She was scared but was trying so hard to keep it from Kanoa. 

Kahit na sinabi naman ng doctor na base sa nakaraan ultrasound nila, normal ang ipinagbubuntis niya. They did an special ultrasound to check any anomalies and they were happy that everything came back normal. Kung tutuusin, puwede na sana nilang malaman ang gender, pero mas pinili nilang alamin iyon sa susunod na. They were still processing the results of the previous tests. 

Ara caressed her tummy and whispered, "Thank you for being okay. Thank you because this pregnancy is smooth. I'm feeling loved, by the way. I love that your dad's with me. I love the feeling of being babied. I love that he's taking care of us. Thank you for letting me experience a smooth sailing pregnancy, my love." 

Unknown to Ara, Kanoa was behind and immediately hugged her from behind. 

"Akala ko galit ka na naman sa 'kin kaya ka umalis," sabi ni Kanoa na hinalikan ang balikat ni Ara habang hinahaplos din ang tiyan nito. "Nagutom ka? Bakit hindi mo 'ko ginising." 

Humarap si Ara at ngumuso. "I'm naaawa na sa 'yo. You look really sleepy and I'm always waking you up. I'm being a brat." 

"Okay lang naman sa 'kin," natawa si Kanoa. "Next time, gisingin mo na lang ako." 

Nagulat si Kanoa nang bigla na lang yumakap sa kaniya si Ara at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Kasunod niyon ang mahinang paghagulhol. Sunod-sunod at wala siyang nagawa kung hindi ang haplusin ang likuran ng asawa. 

"I'm just so happy you're here," tuloy-tuloy paghikbi ni Ara. "I remembered wanting to tell you about the pregnancy. I wanna see you. Three in the morning, I cried 'cos I wanna be with you. It was so hard, Kanoa." 

Nakagat ni Kanoa ang ibabang labi habang naririnig ang mga sinasabi ni Ara. 

"I was so mad at you." Tumingala ito at kitang-kita niya ang luhang nagmamalabis sa magkabilang pisngi. "I was so mad at you, but I was also longing for you!" 

Kaagad na sinapo ni Kanoa ang magkabilang pisngi ni Ara at hinalikan ito sa tungki ng ilong. Hindi pa rin tumitigil sa paghagulhol. Siya mismo, nararamdaman niya ang pag-init ng mga mata habang naririnig ang bawat paghikbi ng asawa niya. 

"I want garlic bread," Ara sniffed. "And melon juice and the kimchi." 

Kanoa smiled and kissed Ara's lips, who immediately kissed back. In between kisses, Kanoa assured them that he wouldn't leave. He would always stay by Ara's side no matter what. He kept whispering those three words before kneeling to talk to their baby. 

Palagi siyang nagpapasalamat na kahit na naiirita si Ara sa tuwing humihinga siya, sa tuwing umuubo siya at sumisinghot, hindi pa rin ito umaalis sa tabi niya. Mas sumisiksik pa nga. Kahit na amoy babae siya dahil sa body wash at lotion na request nito, kahit na madalas itong nasa labas ng office niya nitong mga nakaraan, kahit na napapadalas ang midnight walks nila, at kahit na minsan trip lang nitong mairita sa kaniya . . . okay lang. 




T H E X W H H Y S

www.thexwhys.com

Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon