CMWY 99

1.6K 129 14
                                    

Nakahiga ang ulo ni Ara sa lamesa nang pumasok sa loob ng office niya ang katrabaho niya para sabihing nasa labas na ng office si Kanoa. Nagmadali siyang ayusin ang mga gamit niya. Nagpaalam na rin siya sa supervisor niya at sinabing magpagaling siya. 

Pagkatapos ng conversation nila nina Belle at Sayaka, tinawagan kaagad niya si Kanoa para sabihin ang nararamdaman niya. Nag-early out ito para masamahan siya dahil hindi na rin talaga maayos ang pakiramdam niya. 

Ara immediately ran towards Kanoa who was leaning by the wall, waiting for her. 

"Hi," she greeted her husband who took her bag and wrapped his arms around her shoulders. "I missed you." 

"Na-miss din kita," Kanoa kissed the side of her forehead. "Tara na? Ano'ng masakit sa 'yo?" 

Bago pa man makasagot si Ara, bumukas ang elevator. Pagpasok sa loob, yumakap si Ara sa baywang ni Kanoa habang nakasandal ito. Ramdam niya ang paghaplos sa likuran niya. Napapikit siya dahil bigla siyang nahilo nang maramdaman ang pagbaba ng elevator. 

"I'm dizzy," Ara groaned. "My back hurts like a lot. Gusto ko lang talaga mag-sleep at humiga sa bed. Can I just do that?" She looked at Kanoa. 

Kanoa nodded. "Try natin mag-leave ka muna sa work o work from home ka muna kahit sa meeting kasi ganito. Mabuti rin nga na magpupunta na tayo sa clinic para ma-check ka na rin. Mag-leave na rin muna ako sa trabaho bukas." 

"Thank you," Ara shut her eyes and breathed. 



The clinic was twenty minutes away from Ara's office. They took a cab and they were on the waitlist. Inihiga ni Ara ang ulo sa balikat ni Kanoa habang maghawak ang kamay nila. Nilalaro ni Kanoa ang wedding ring ni Ara. 

Naramdaman ni Kanoa ang bigat ng paghinga ni Ara at mukhang nakatulog na ito. Inayos niya ang posisyon nito para hindi mahirapan at sumakit ang leeg, pero kailangan na ring gisingin dahil susunod na sila sa pagpasok sa kwarto ng doctor. 

"Barbara Dinamarca?" pagtawag ng babae kay Ara. 

Itinaas ni Kanoa ang kamay at sumenyas sa babaeng sandali lang para gisingin ang asawa niya na kaagad namang nagising at inayos ang buhok. Sabay silang naglakad papasok sa loob ng kwarto ng doctor na naghihintay sa kanila. 

"Good afternoon, Barbara." The female doctor greeted. 

Ara and Kanoa greeted the doctor and asked them to sit. Nakikinig lang si Kanoa sa pinag-uusapan ng dalawa. Isa-isang tinanong ng doctor ang symptoms na nararamdaman ni Ara. Panay naman ang tango ng doktorang babae bago pinahiga si Ara sa kama dahil base raw sa symptoms at sa date ng huling menstruation ni Ara, posibleng buntis ito. 

Nakatayo si Kanoa sa gilid ng kama. May kaba sa dibdib niya habang nakatingin kay Ara na nakikipag-usap sa doctor. 

"Are you guys trying?" tanong ng doctor kay Ara habang naglalagay ng gel sa puson nito. 

"We recently got married. Almost four months ago," sagot ni Ara. "We're not pressured, but we . . . were active." 

Ngumiti ang doctor at nag-congratulations pa sa kanila. Inilapat nito ang ultrasound device sa puson ni Ara at nagkatinginan silang mag-asawa nang marinig ang mabilis na tunog mula sa makina. 

"Based on your last menstruation, you're more than two months delayed and now . . ." Tinuro nito ang screen. "Yup. Based on the size of the fetus, you're eight weeks pregnant. Here's your baby." 

"Wait. Baby?" 

The doctor nodded. "See? Here's your baby. The heartbeat's normal." 

Ara breathed. "Just one?" 

"Yeah. Are you trying for a twin?" The doctor asked. 

"No. We have a twin," Ara sniffed and looked at Kanoa. "Love..." 

Kanoa smiled and kissed the back of Ara's hand. He was trying to calm his heart. It was beating so fast. He couldn't even hear what the doctor was saying. He was focused on the monitor, listening to their new baby's heartbeat. 

. . . something he didn't experience years ago. 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon