"Ano, hindi ka pa rin ba makatulog?" tanong ni Jai paglabas nito ng kwarto. "Kakatulog lang ni Jaja. Akala ko naman nakatulog ka na."
Tinungga ni Kanoa ang beer na hawak niya at umiling.
"Hindi ka na sanay na wala sila? Ganiyan ako kay Gia at Jaja, eh. Noon, si Gia lang. At least naisasama ko siya noon," ani Jai na naupo sa kabilang dulo ng sofa. "Pero noong dumating si Jaja, ni hindi ko na magawang tumanggap ng projects kapag hindi ko sila puwedeng isama."
Natawa si Kanoa. "Kaya nga. Dalawang araw ko pa nga lang na hindi nakikita, nahihirapan na 'ko, eh. Na-imagine mo noong isang taon ko silang hindi kasama? Halos bugbugin ko na 'yung trabaho ko noon kasi ang lungkot."
Hindi sumagot si Jai at nagpatuloy lang sa pakikinig kay Kanoa na nagkukuwento tungkol sa New York. Kita niya ang saya sa mukha ng bestfriend niya at ibang-iba ito sa Kanoa na nakilala niya. Sa loob ng ilang taong magkasama sila, ngayon lang niya nakita na kuntento ang bestfriend niya.
Kanoa used to want to do a lot of things to please himself. Kanoa liked to challenged himself, too. Kahit na alam nitong hindi kaya, susubukan hanggang sa matutuwa na lang dahil naging okay ang lahat. Mahilig din itong tumanggap ng projects kahit na hindi pa tapos ang iba ngunit sisiguruhing magiging maayos naman ang kalalabasan at matatapos sa oras.
Hindi sanay si Kanoa na walang trabaho na related sa hobby nito kaya si Jai mismo ang nagugulat sa kwento nitong nasa bahay lang, inaasikaso ang mag-ina, at halos hindi na humahawak ng camera o humaharap sa computer.
Mahaba ang listahan ng toxic trait ni Kanoa. Kaya madalas ito sa fling o fuck buddy relationship ay dahil walang time si Kanoa sa girlfriends. Noon. Palagi itong nakaharap sa computer, naglilinis ng photography and videography gears, at kahit kasama ang kasintahan, sa lugar naka-focus si Kanoa.
... not until Ara.
"Kinakabahan ako," biglang sabi ni Kanoa na ikinagulat ni Jai. "Kinakabahan ako kung magiging mabuting asawa at tatay ba ako. Nakasama ko naman sila, naalagaan ko sila, pero may takot sa parte ko."
Sumandal si Jai at pinanood na mag-struggle ang bestfriend niya. It was a sight to see. Ang sarap panoorin ni Kanoa na malalim mag-isip, mamroblema, at matakot.
Sa sobrang yabang nito noong kabataan nila, sobrang sayang makita itong nahihirapan.
"Normal naman kasi ang matakot. Araw-araw mong mararamdaman 'yan. Sa dami ba naman ng kagaguhang ginawa mo sa buhay, Kanoa, kahit ako matatakot!" natawa si Jairold. "Nakakatakot, tangina mo. Babae pa naman anak mo."
Umiling si Kanoa. "Gago ka. Seryoso. Natatakot ako. Ganda pa naman ng anak ko."
"Buti na lang sa magandang nanay ka napunta," malakas na natawa si Jai. "Pero real talk. Kaya mo 'yan. 'Wag kang mag-overthink at saka alam ko naman na mahal mo si Ara. Tanga ka na kapag ginago mo pa ulit 'yon."
Yumuko si Kanoa at mabagal na umiling. Wala itong sinabing kahit na ano, pero malalim na huminga. Iniba na lang ni Jai ang usapan.
"Pagkatapos ng kasal, sasabay ka na ba sa kanila?" tanong ni Jai. "Ayos na ba 'yung papeles mo?"
Tumango si Kanoa. "Malapit nang maayos. Tatawagan na lang daw ako para kunin 'yung mga papeles ko, pero okay na. Wala pa ring alam si Ara."
"Hoy, hindi mo pa sinasabi sa kaniya?" Nagulat si Jai. "Paano ka nakapag-apply sa nang hindi ka nagsasabi kay Ara?"
Natawa si Kanoa. "Kapag sinasabi ko sa kanyang bibili lang ako ng pagkain, may interviews ako. Maganda lahat ng napuntahan ko. Maganda rin offers, tanggap naman ako sa lahat... nag-standout lang 'tong nakuha kong company kasi aligned sa gusto ko. May freedom ako."
"Angas!"
"Gusto mong ipasok kita?" tanong ni Kanoa. "Kapag naging okay trabaho ko 'tapos nakita kong maganda ang company, ire-refer kita."
Ngumiti si Jai at umiling. "Kung sakali man, pag-uusapan na muna namin ni Gia. Kelan mo balak sabihin kay Ara?"
"Pagkatapos ng kasal," ngumiti si Kanoa. "Magugulat 'yon. Alam kong nalulungkot 'yon kasi baka maiwan ako. 'Di niya alam doon na talaga kami, kasama na 'ko."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com