CMWY 103

1.8K 127 10
                                    

Sinabi na rin ni Kanoa sa pamilya niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Ara, ganoon din kina Jairold at Gia. Tuwang-tuwa ang mga ito at pinagsabihan pa nga siyang magpakatino. Iyon naman talaga ang gagawin. Pagkatapos ng lahat, hinding-hindi na mauulit ang nakaraan. 

Malapit na ring magpunta si Jairold sa New York. Naipasok niya ito sa trabaho at mabuti na lang din, hindi naging mahirap ang proseso sa Visa. Bigla niyang naalala ang sarili. It took him multiple denial before he was approved. Ang tagal niyang naghintay at halos frustrated na siya, pero hindi siya sumuko.

Kanoa remembered how he would work non-stop to get the money. Sapat naman ang savings niya noon, pero hindi niya alam ano ang dahilan kung bakit siya palaging nade-deny. Ni hindi rin niya alam kung ano ang step na ginawa niya para naman ma-approve. 

Wala na iyon sa kaniya. Ang mahalaga, kasama na niya ang mag-ina niya. Maganda rin ang trabaho niya sa New York. Hindi nga lang tulad noon na gagawa lang siya kapag gusto niya, pero masaya pa rin siya sa trabaho niya dahil valued ang suggestion niya. 

Habang nakatingin kay Antointte na nakikipaglaro sa mga kaklase nito, naalala ni Kanoa ang pag-iyak ni Ara noong nakaraang araw tungkol sa ginawa niya noong umpisa. 

Sa kasalukuyan, iniisip naman ni Kanoa na sana, walang tumarantado sa anak niya tulad ng ginawa niya noon kay Ara. Sana walang makilala si Antoinette na tulad niya at sana hindi maranasan ng anak nila ang sakit na naibigay niya kay Ara. 

Bigla niyang naalala ang sinabi ng isang babaeng dumaan din sa buhay niya. Nasaktan niya ito, sobra. Iniyakan siya, hinabol, at halos luhuran para lang huwag niyang balewalain, pero sa huli, mas pinili niya itong hayaan. Ang rason niya? Babae lang iyan, marami pang iba riyan. 

Kanoa remembered how the woman begged for him to stay, but he still left. He remembered who she tried and tried and tried until she stopped. Nang muli niya itong nakita, maayos na ito at sinabihan siya na sana ay huwag maging babae ang anak niya para hindi niya maranasan ang sakit ng isang magulang na ginagago ang anak.

He remembered how people would say na anak niya ang magiging karma, anak niya ang sasalo sa lahat ng ginawa niya sa mga babaeng lumuha para sa kaniya, at anak niya ang magiging kabayaran sa mga kagaguhan niya. 

He looked down realizing Antoinette might meet someone like him. 

"Daddy!" 

Tiningnan niya si Antoinette na malapad ang ngiting tumatakbo papunta sa kaniya. Hawak nito ang bag na mayroong lamang dalawang maliit na libro at papel na mukhang drawing. 

"Daddy!" Antoinette chuckled when Kanoa carried her and kissed her cheek. "I missed you, Daddy. Can we get an ice cream? I want, please?" 

Naningkit ang mga mata ni Kanoa at umiling. "Sasakit ang throat mo 'tapos magagalit ang mommy mo." 

Hindi na nagulat si Kanoa nang mag-puppy eyes ang anak niya. "How about cookie dough na lang 'tapos I'll drink lots of water. I promise." 

"Nako. Ayan na naman tayo sa promise na 'yan, eh," umiling si Kanoa. "Remember last time na hindi ka nag-water 'tapos sumakit ang throat mo 'tapos nagalit sa 'tin si mommy?" 

"One lang, Daddy?" Antoinette pouted. "And I'll clean my toys mamaya, I promise." 

Alam ni Kanoa na kapag binilhan niya ng ice cream o cookie dough ang anak niya, tutuparin naman nito ang ikalawa. Naisip niyang minsan lang naman bata ang anak niya kaya ibibigay niya ang gusto nito. Dumeretso sila sa isang store na nagbebenta ng cookie dough. Dalawa ang binili niya para sa kanilang mag-ama, binilhan din niya ng take out si Ara. 

Habang naglalakad, hawak ni Antoinette ang kamay niya. 

Antoinette smiled widely at him, scrunched her nose like Ara, and chuckled afterward. May cookie dough pa ang harapang ngipin nito na ikinatawa niya. 

"I love you!" Antoinette said without even looking at him. "I love you, Daddy." 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com


Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon