Ara wanted Kanoa to stay from wedding preparation. Kahit na ilang beses niyang sinabing tutulong siya, palagi siyang pinagbabawalan ni Ara. Nakiusap pa siya para hindi na ito mahirapan, pero matigas ang ulo. Kaya naman sa araw ng kasal nila, siya mismo, nasurpresa sa kung ano ang itsura ng kasal.
Hindi naman kokontra si Kanoa sa kahit na anong desisyon ni Ara para sa kasal nila dahil kahit na anong kulay, theme, o designs, ayos lang sa kaniya. Wala lang talaga siyang nagawa.
Ipinalibot niya ang tingin sa lugar. Malayo ito sa inasahan niyang makulay tulad ni Ara. Inaasahan niyang pastel ang magiging theme, pero hindi. The entire place was rustic and has a moody vibe. The dramatic contrast of black, white, and muted colors was unexpected.
Hindi ito vibe ni Barbara kung hindi vibe ni Kanoa. Nakita na niya ang invitation. Akala niya iyon lang ang kulay itim, pero hindi. The entire place was moody and cinematic.
Kung siya lang ang photographer, mag-e-enjoy siya. Marami siyang shots na gustong makuha at alam niya sa sarili niyang kaya niyang gawing pelikula ang itsura ng kasal nila, pero hindi niya magagawa dahil siya ang groom.
Itim ang mga kandila. Tuyot ang mga dahong nasa center table kasama ang kulay puting bulaklak, baby's breath na pumapalibot dito, at itim na rosas pa nga. Mayroong lumang piano sa gilid ng event's place. Napapalibutan ito ng tuyong dahon.
Nasa loob sila ng isang event's place. Nalaman niya mula kay Ara na dapat ay outdoor wedding sila sa isang tagong lugar, pero hindi natuloy dahil dalawang araw na ring umuulan at mayroong nagbabadyang bagyo.
. . . and Kanoa wasn't shocked that Ara had this backup plan. Hindi ito basta lang dahil umuulan at minadaling ayusin. Ara knew there was a possibility, and she was ready.
Kanoa shook his head and subtly smiled.
Kakaunti lang ang guests nila. Pamilya lang at malalapit na kaibigan. Halos hindi umabot sa thirty guests at mas gusto nila iyon. Nalungkot lang si Kanoa na wala ang daddy ni Ara. Sinubukan niya itong kausapin, pero tumanggi. Ni hindi sila nagharap dahil mismong mommy ni Ara na ang nagsabing imposible.
Ngumiti si Kanoa nang makita na normal na nag-uusap ang mga magulang niya. Inayos pa ng mama niya ang tie ng papa niya dahilan para maningkit ang mga mata niya. Nahuli siya ng mga ito na parehong umiling.
Hindi pa nakikita ni Kanoa si Ara at Antoinette simula kahapon. Nag-message naman siya noong umaga, pero wala siyang natanggap na reply.
Nakapamulsang nakasandal si Kanoa sa gilid habang ino-obserbahan pa rin ang lugar. The entire event's place was made of bricks giving the autumn and rustic mood. Ang Rectangular ang lamesa at doon na mismo mauupo ang mga guest. Diretso na rin para kumain mamaya.
Nilingon niya ang cake at natawa. Iyon lang ang kulay Ara.
Two-tier cake with pastel colors. Yellow, pink, blue, purple, and green. Kakulay ito ng bridal shower cake na ipinakita sa kaniya ni Ara.
It was a lover-inspired wedding cake, and it was the only color inside the wedding.
Lumapit sa kaniya si Jai. "Ready na. Nasa labas na siya."
Tumango si Kanoa at dumiretso ng tayo. Lumapit sa kaniya ang mama niya. Inayos nito ang necktie na suot niya. It was between brown and maroon, too.
"Ready na? Nagtataka talaga ko ba't hindi pa nauuntog si Barbara," sabi ng mama niya. "Masaya ako para sa 'yo. Pakiusap ko lang. Mahalin mong mabuti, Kanoa. Ayusin mo. Nakikiusap ako."
"Si Mama. Bakit ka nakikiusap diyan? Musta kayo ni Papa? Kayo ba ulit?" pang-aasar niya dahil ayaw niyang umiyak. "Bagay kayo."
"Siraulo." Umirap ang mama niya. "Magpakatino ka, ha? Itatakwil talaga kita kapag sinaktan mo ulit si Ara. Ngayon pa lang, hindi ka na niya deserve kaya dapat magpasalamat ka."