CMWY 79

2.3K 149 14
                                    

Ara shook her head when Antoinette immediately hugged Sam. Kukunin kasi sana niya ito para linisan dahil nalagyan ng icing ang buhok, pero ayaw sumama sa kaniya. Sinabi pa ng si Sayaka na ang maglilinis na ikinatawa nilang lahat.

Kaagad namang tumayo si Sayaka at sumunod kina Sam at Antoinette papasok sa comfort room ng café. Wala silang magawa sa condo kaya naisipan nila ni Belle na magpunta sa café para guluhin ang kuya nila.

"Asan si Noa?" Ibinaba ni Belle ang French Vanilla Frappe na iniinom nito.

"He's with Jai. He asked if he could spend time with his bestfriend, naman. I think he'll stay there for the night, I'm not sure," Ara chuckled. "I know that he misses his bestfriend na rin. Baka nagsasawa na siya sa face ko."

Belle snorted and rolled her eyes. "As if. Baka kung puwede lang na hindi ka mawala sa paningin ni Kanoa, he'll do that. Ano pala ang plan n'yo? Sasabay ba siya sa inyo ni Antoinette to New York?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Ara. "He's currently fixing his papers daw, eh. I'm not asking kasi ayoko munang malungkot. I'll ask na lang after the wedding. I don't wanna look so haggard sa wedding ko."

Malakas na natawa si Belle at sumang-ayon kay Ara. Kinuha nito ang notebook na mayroong checklist para sa kasal. Marami pa silang gagawin, pero mostly naman ay para sa pansarili na lang.

Nakalagay sa listahan na kailangan nilang magpunta sa salon. Magpapa-trim na rin siyang hair, magpapa-wax, at magpapa-facial. Gusto rin ni Belle na sabay silang magpa-massage. Magpapayos na rin siya ng nails niya at kung ano-ano pa.

Habang nasa New York, marami na ring pinagawa si Belle sa kaniya tulad ng asikasuhin ang skin care, magpunta sa dentist for teeth whitening, at kung ano-ano pa. Mas gusto rin niyang natural na kulay na buhok niya lang niya kaya hindi siya nagpa-kulay kahit na nasa listhaan naman iyon.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa venue nang dumating si Sayaka. Naupo ito sa tabi niya at sinabing nasa office ni Sam si Antoinette dahil gustong manood ng movie.

"How are you and kuya naman?" tanong ni Ara kay Sayaka. "Thank you for taking care of our kuya, ha?"

Mahinang natawa si Sayaka at umiling. "Grabe. Parang halos wala nga akong ginagawa, eh. Your kuya loves to do everything. Medyo nahihiya na nga ako na parang wala akong ambag sa relationship naming dalawa," pagbibiro nito.

Alam nina Ara at Belle na nagbibiro lang si Sayaka, pero alam din nilang may pag-aalala sa boses nito. Matagal na silang magkakakilala kaya hindi puwedeng magsinungaling ang boses ni Sayaka.

"What's bothering you ba?" tanong ni Belle. "Do you need some sort of assurance from him?"

"Not like that," mabilis na sagot ni Sayaka. "It's just that I was so used to bad relationship na naninibago ako ngayon. He even gave me the passcode of his phone. He lets me reply to messages kapag nagluluto siya. I don't even have to ask for updates kasi he'll update me. I don't have to worry that he's with other girls . . ." tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa kanila. "Natatakot ako kasi hindi ako sanay."

Hindi alam nina Ara at Belle kung malulungkot ba sila na ganito ang nararamdaman ni Sayaka pagkatapos ng ilang failed relationship o matutuwa dahil sa wakas, natatatrato na ito nang tama.

. . . at kuya pa nila.

"Anyway, let's change the topic," Sayaka said uncomfortably.

Ara nodded and smiled. She started talking about Antoinette until Belle asked something. Expected na niya iyon dahil isang linggo na lang, ikakasal na sila ni Kanoa, pero hindi pa rin siya nagpupunta sa parents niya.

"May plano ka ba to visit them? If ever man, let us know. Sasamahan ka naman namin ni Kuya Sam," ani Belle. "Kung hindi ka pa rin comfortable, then don't."

"I actually thought about that last night, and I decided to finally visit them. I'll ask them kung pupunta ba sila," mahinang sambit ni Ara. "I decided na kung hindi pa rin nila matatanggap si Kanoa, then they're not welcome. But for Antoinette."

Tumango si Belle. "How about Kanoa? Isasama mo ba siya bukas?"

"Nope. Not yet. I'll see muna kung ano ang reactions nila tomorrow. I want to know muna kung ano ang ano sasabihin nila. Kanoa wanted to meet them, but I didn't want him to. I don't want him to hear more insults from dad," Ara shook her head. "Not this time. Ako na muna ang sasalo ng insults."

Nalungkot sina Belle at Sayaka sa sinabi ni Ara. Belle was aware that their dad was against the marriage. Isang rason din iyon kung bakit hindi siya nagbubukas ng topic kay Ara tungkol sa posibleng maging kasal nila ni Aaron.

Their dad was excited for her and Aaron. Arranged, eh. It was different.

"Tomorrow, samahan n'yo ako sa house?" Ara asked Belle. "Please?"



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com


Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon