Pagkahatid nina Kanoa at Ara kay Antoinette sa day care, naisipan nilang maglakad. Wala namang direksyon, gusto lang nilang umikot sa lugar. Hawak ni Kanoa ang kamay niya habang nakapasok ang isang kamay nito sa bulsa ng hoodie.
"Naisipan mo na bang bumili ng sasakyan rito? Parang hindi practical," sabi ni Kanoa habang nakatingin sa kaniya. "Hindi ka naman umaalis ng bahay masyado."
"Actually, that's true and you know how much I hated driving," aniya na natawa.
Ngumiti si Kanoa dahil totoo naman iyon. Maganda rin naman kasi ang nakuhang apartment ni Ara dahil malapit sa lahat. Halos sampung minuto lang ang layo nito sa opisinang pinagtatrabahuhan at sa paligid naman ng apartment, maraming establishments tulad ng kainan, groceries, at kung ano-ano pa.
"I was talking to Belle kanina and she's planning to visit here after her semester. Parang she's planning to take a rest, but not sure pa rin. Parang hindi ako naniniwala," pagkuwento ni Ara. "She's having problems recently."
"Bakit daw?" tanong ni Kanoa.
Malalim na huminga si Ara at diretsong nakatingin sa dinadaanan nila. "Parang there's pressure on her part, love. Aaron's family were pressuring them to get married sooner and have babies daw. His parents were a little old na rin kasi and they're looking forward sa apo kay Aaron. He's bunso kasi."
Nakikinig lang si Kanoa. Mabagal ang lakad nila ni Ara at maliliit ang bawat hakbang.
"There's pressure because they didn't want to. Noong bata pa kami, nag-usap kami noon ni Belle na sabay kaming magkakaroon ng baby para bestfriends sila paglaki, but then mas nauna ako," ngumiti si Ara. "But things are different now."
May nakita silang park malapit sa kung nasaan sila at dumiretso roon. May ilang mga batang naglalaro. May mga kumpulan ng mga nanay o babysitter nagkukuwentuhan habang naghihintay. Naupo sila sa bakanteng bench. Nagtanong si Kanoa kung gusto ba ni Ara ng kape dahil mayroong malapit na coffee shop, pero tumanggi ito.
"Back to Belle and Aaron. They both didn't want a child, love," Ara faced Kanoa. "And it is a problem because everyone's expecting them to have children sooner, if not later."
"Sa magiging trabaho nila, naiintindihan ko sila," sagot ni Kanoa. "Mahihirapan nga naman silang dalawa at saka nasa pag-uusap nga naman nila 'yon. Kung ayaw nila, 'wag na lang kamo."
Umiling si Ara. "It's . . . it's really not that easy, Kanoa. There are expectations na kasi sa kanilang dalawa, eh. Parang sa 'kin noon. There's a lot of expectations but I became a major disappointment to my parents."
Nilingon ni Kanoa si Ara at hinawakan ang kamay nito. Inihilig nito ang ulo sa balikat niya kaya nakakuha siya ng pagkakataong halikan ang tuktok ng ulo ng girlfriend niya. Sandaling namayani ang katahimikan.
"Hindi ako nag-law school, nabuntis ako nang maaga, out of wedlock pa, and then . . ." Ara paused.
Alam na ni Kanoa ang dahilan. Aware naman siya roon na malaking disappointment din sa mga magulang ni Ara na nagkabalikan silang dalawa kahit na vocal ang mga ito sa pagkadisgusto sa kaniya.
"Now, I just want all of us to be happy. Kuya Sam's very happy now!" Ara chuckled. "Belle and Aaron, I hope they'll get what they want this time and us, too," she gazed at Kanoa. "Love, I want us to be happy after everything and I . . . don't wanna be in pain again."
Kanoa smiled and nodded lowly. "Oo naman. Gusto ko pala magtanong. Alam kong nagbibiruan tayo tungkol dito. Ikaw, ano'ng balak mo sa mga susunod? Gusto mo pa bang magkaanak o tama na si Antoinette?"
Ara squinted. "To be honest, I want one pa. But you? Do you want another baby ba or no na? I'm fine with anything since we're gonna have to decide just in case. I'm so okay with Antoinette na."
Umakbay si Kanoa kay Ara at tiningnan ang mga batang nagtatakbuhan sa parke. May mga bata pang parang nagsisimula pa lang matutong maglakad dahil bumabagsak pa habang nakaalalay ang guardian.
"Kung okay lang sa 'yo, gusto ko pa ng isa," aniya nang hindi inaalis ang tingin sa mga bata. "Gusto kong masubukan 'yung simula. Hindi kasi natin naranasan, eh. Wala ako noon, eh. This time, kung puwede pa . . . magkasama na tayo."
Nilingon niya si Ara na nakatingin sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok nito at malalim na huminga.
"Gusto kong maranasan lahat na kasama ka, Ara. Na magkasama na tayo sa pagkakataong 'to."
Naramdaman ni Ara ang pagbagsak ng luha. "Pahihirapan talaga kita. You have to cook everything I ask; you have to bring me to the clinic during check ups, and . . ." Suminghot siya. "You're gonna have to bear with my mood swings. Vomits, everything."
Kanoa kissed the side of Ara's forehead and smiled.
"Let's talk about that next time. For now, let's enjoy Antoinette's little achievements lately. Teacher said last time na she's makulit."
"Oo. Mana sa 'yo," pang-aasar ni Kanoa.
"Hoy! I'm not makulit!" protesta ni Ara. "And she's tamad raw magsulat. Oh my gosh. When teacher said that, I remembered you. Tamad ka sa school!"
Malakas na natawa si Kanoa. "Lagot ka."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com