CMWY 73

2.3K 170 7
                                    

Bumangon si Kanoa nang marinig ang boses ni Antoinette. Naalimpungatan siya nang ma-realize na wala siya sa kwarto nila ni Ara sa New York at biglang naalala na nasa Pilipinas nga pala sila. Sa sobrang pagod at antok, nagulat pa siya at pinagtawanan ang sarili niya dahil para siyang sabog.

Wala siyang katabi sa kama. Malamang na nasa living area ng condo ni Sam ang mag-ina niya. Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya at alas tres pa lang pala ng umaga.

Naisipan niyang maligo kahit na maaga pa bago lumabas ng kwarto at naabutan si Sam na isinasayaw si Antoinette na mukhang kagigising lang din. Kaagad na tumingin ang dalawa sa kaniya.

"Daddy," inaantok na sabi ni Antoinette nang makita siya. "Daddy."

Lumapit siya kay Sam at kinuha ang anak niyang kaagad na inihiga ang ulo sa balikat niya. Tinanguan siya ni Sam at inalok kung gusto ba niyang magkape. Hindi na rin siya tumanggi dahil kailangan din talaga niya.

"Kanina pa siya gising?" tanong ni Kanoa habang inaalo si Antoinette na humihikbi pa. "Sorry, hindi ko alam na hindi siya nakatulog sa kwarto."

"Ayos lang," mahinang natawa si Sam. "Kagigising lang din niya, pero nahirapang matulog, eh. Hindi ko na rin kayo ginulo ni Barbara. Tulog na tulog rin kasi si Ara sa kabilang kwarto at saka ayos lang naman. Na-miss ko naman 'yang bulinggit na 'yan."

Mahinang natawa si Kanoa at nagpatuloy sa paghele kay Antoinette na nakatulog na rin. Aware naman siyang sa kaniya lang din nakakatulog ang anak niya kaya hindi niya alam kung ano ang nging struggle ni Sam sa magdamag.

Naupo na muna si Kanoa sa sofa at kumportableng sumandal. May kabigatan na rin kasi si Antoinette kaya kahit siya mismo ay nahihirapan nang buhatin ito nang matagal. Ibinaba naman ni Sam ang kape sa coffee table na nasa harapan nila bago naupo sa dulo ng sofa at hininaan ang TV.

"Thank you," bulong ni Kanoa. "Okay na, Kuya. Ako na ang bahala rito. Ipapasok ko na lang din siya sa kwarto mamaya. Pahinga ka na rin."

"Ayos lang. Nakatulog naman ako," ani Sam bago sumimsim ng kape. "Kumusta pala ang byahe n'yo? Hindi naman naging fussy si Antoinette?"

"Medyo," natawa si Kanoa. "Sa 'kin lang din naman siya nagpupunta kaya mabuti rin kasi nakatulog si Ara. Nagtrabaho kasi 'yon bago kami bumyahe."

Ngumiti si Sam. "Thank you sa pag-alaga mo sa kanila, pero paano pala sa susunod? Sabay ba kayong babalik sa New York?"

"Aayusin ko pa lang 'yung papel ko. Baka sa susunod na araw, simulan ko na para makasabay ako sa kanila. Mahihirapan kasi si Ara kung sakali," aniya at hinalikan ang gilid ng noo ni Antoinette. "Sinabi naman ni Ara na kung sakali man, iwanan muna niya si Antoinette rito sa Pilipinas para kasama muna ako kasi baka hanapin ako, pero ayoko naman na paglayuin sila kaya aayusin ko na kaagad."

Nag-agree si Sam at nagsabi sa kaniya na kung kailangan niya ng tulong, susubukan din para mapabilis ang proseso.

"Thank you pala sa pagtulong sa mga papeles namin, Kuya," nilingon niya si Sam na tumingin sa kaniya. "May gusto sana akong itanong. Ayoko muna kasing magtanong kay Ara."

Tumango si Sam. "Ano 'yon?"

"M-May balak bang pumunta sa kasal ang parents n'yo? Hindi kasi siya nagbubukas ng topic, eh. Kung hindi ko puwedeng malaman, okay lang din naman," paglilinaw ni Kanoa.

"Ayos lang. Expected naman na rin kasing hindi magsasalita si Ara tungkol diyan. Sa totoo lang, ayaw imbitahan ni Ara ang parents namin, pero nakiusap si mommy kung puwede ba siyang magpunta," sabi ni Sam sa mababang boses. "Si Daddy, hindi talaga siya invited. Barbara made it clear that she didn't want him to be on your wedding."

Nalungkot si Kanoa at yumuko. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Sam.

"To be honest, kahit naman kami ni Belle, ayaw naming pumunta siya. We don't want to stress you and Barbara. We know what our father can do and will do whatever he wants. Ayaw naming masira ang kasal," natawa si Sam at umiling. "Ayaw naming magalit lalo si Barbara sa kaniya."

Alam ni Kanoa na simula nang mangyari ang pagkakasabi sa kaniya tungkol kay Antheia, hindi na kinausap ni Ara ang daddy nito at pare-pareho nilang ayaw ipilit. Alam nilang lahat kung gaano kabait si Ara kaya alam nila na ang galit nito sa ama ay hindi basta-basta.

"Basta i-enjoy n'yo na lang ang bakasyon n'yo. Mag-enjoy tayong lahat dito, 'wag na nating isipin ang hindi naman dapat iniisip," ngumiti si Sam. "May bachelor's party ka ba?"

Umiling si Kanoa. "Wala," natawa siya.

"Anong wala? Hindi puwedeng wala!" umiling si Sam. "Kahit isang gabing inuman lang! Tayo-tayo lang naman. Tawagan natin mga kaibigan mo."

"Wala akong ibang kaibigan, si Jai lang," mababa ang boses niya dahil iyon naman ang totoo.

Samuel looked at him and shook his head. "Eh 'di apat na tayo. Ako, si Aaron, ikaw, si Jai. Sino pa ba? Nakilala mo na rin naman sina Reid, Mile, at Brett noong party. Tayo na lang!"

Ngumiti si Kanoa at hindi nagsalita.

"Minsan lang naman 'to," dagdag ni Sam. "Kaming bahala."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com 

Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon