Chapter 8

437 6 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 8)

Clint's POV

Sa sobrang traffic nakatulog si Zarniah. I look at her face. Ang cute niya tingnan pag natutulog. Pero kapag gising ang tapang. Parang hindi babae eh. Ang tigas pa ng utak.

Napa iling nalang ako.

Yung daan papunta sa bahay nila ay sobrang traffic talaga. So I decided na sa condo nalang ako dumeretso.

Nang maka uwi na ako sa condo, hindi na umuulan.

"Zarniah." Tinapik tapik ko yung mukha niya pero hindi parin siya gumigising.

"Zarniah." Walang effect.

Binuhat ko nalang siya papunta sa unit ko. Sumakay na kami sa elevator. Lahat ng tao sa loob ng elevator samin naka tingin. Hindi ko nalang sila pinansin.

Nang makarating kami sa unit ko ay siya namang pag buhos ulit ng malakas na ulan.

Pumasok na ako sa Unit ko at dahan dahang nilapag si Zarniah sa sofa. Medyo tuyo narin naman yung damit niya pero kailangan talaga siyang bihisan. Baka kasi mag ka sakit siya. Pero pano ko gagawin yun?

Yung cellphone ni Zarniah.

Kinuha ko naman agad yung bag niya at kinalkal yun. Buti naman at hindi nabasa yung laman ng bag niya. Agad ko namang kinuha yung phone niya.

Kailangan ng finger print para mabuksan.

Lumapit naman ako kay Zarniah at kinuha yung kamay niya para sa finger print.

Yun! Bumukas.

Hinanap ko yung number ng Mommy niya. Kinuha ko din yung phone ko at sinave yung number ni Tita Zainah.

Nang ma save ko na yung number ni tita Zainah tinawagan ko agad siya.

Naka tatlong ring palang ng sinagot niya agad yun.

"Baby where are you? Bakit hindi kapa naka uwi? Ok kalang ba? Sino kasama mo?" Sunod sunod na tanong ni Tita Zainah.

"Ahmm Tita, si Clint po ito."

"Clint? Ikaw pala yan HAHAHA. Bat ka napatawag? Asan si Zarniah?"

"Ahh Tita Zainah sorry po pero dinala ko si Zarniah dito sa condo ko. Ihahatid ko sana siya pauwi kaya lang ang haba ng traffic papunta sa inyo kaya napag isipan ko na sa condo ko nalang tumuloy." Pag papaliwanag ko.

"Ayy ano kaba Clint. Ok na ok lang na kasama mo si Zarniah. Sa susunod mag sasama din naman kayo sa iisang bahay kaya ok lang yan. Besides nag papasalamat ako dahil ikaw yung kasama niya ngayon." Kahit nag uusap lang kami ni Tita Zainah ramdam kung naka ngiti siya sa kabilang line.

"Yun na nga po Tita eh. Nabasa po kami kanina ng ulan kaya kailagang mabihisan si Zarniah. Kaso Tita hindi ko alam kung pano."

"Don't worry Clint. Mag papadala nalang ako ng yaya diyan at siya na ang mag bibihis kay Zarniah. Send mo nalang sakin yung address ng condo mo."

"Opo Tita. Salamat po. Pag dating ng yaya niya, pa sasabayin ko nalang siya sa pag uwi diyan."

"No. Pwede bang diyan mo nalang siya patulugin Clint? Hehe."

Ehh? Seryoso?

"Kung pede lang naman." Pag papatuloy ni Tita Zainah.

"Pero Tita may pasok pa kasi siya buka---"

"Don't worry. Ipapa dala ko nalang sa yaya niya yung school uniform niya."

"Ahh sige po Tita Zainah."

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now