Chapter 31

357 10 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 31)

Zarniah's POV:

"Anak gising na. Inaantay ka ng Ate mo at ni Sam sa baba. May pasok kapa. Sumabay ka nalang daw sa kanila."

"Hmmm. Mom ayokong pumasok." Naka pikit na reklamo ko.

"Aba hindi pwedi yan Baby. Kailangan mong pumasok."

Kahit labag sa loob ko, bumangon parin ako at nag lakad papuntang bathroom.

Habang nag sho-shower, iniisip ko kung ano yung pwedi kung gawin para maiwasan si Clint. Tsk! Simple lang yan Niah. Wag mo siyang pansinin! Wag na wag kang titingin sa kanya!

Arghhh! Sinabunutan ko yung sarili ko. Mababaliw na ata ako eh!

Binilisan ko nalang yung pag shower at nag ayos na ng sarili. Pagkatapos bumaba na agad ako. Nadatnan ko naman sila na kumakain.

"Ohh andiyan na pala yung babaeng hindi nag bayad sa taxi driver kagabi dahil na sobrahan sa iyak." Pang aasar agad ni Ate Zebby.

Inirapan ko naman siya kaya natawa nalang din sina Mommy, Daddy at Samantha.

Tsk! Ang aga aga nang aasar!

Kumuha naman ako ng Sandwich at nag lakad na palabas ng bahay.

"Woy teka! San ka pupunta?" Sigaw ni Ate sakin.

"Papasok na!"

"Baby hindi kapa kumakain!"

"Busog ako Mom!"

"Teka naman Niah hintayin mo kami!"

Narinig ko naman silang nagpa alam na kay Mommy at Daddy.

"Excited kang pumasok?" Tanong ni Samantha sakin ng mahabol na nila ako ni Ate.

Hindi ako sumagot at pumasok nalang ako sa back seat ng sasakyan.

Agad namang pumasok sa driver seat si Ate Zebby at sa front seat si Sam.

"Hindi yan excited pumasok. Excited yang makita si Clint!" Tukso ni Ate Zebby sakin.

Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Manahimik ka nga Ate. Wala ako sa mood." Supladang sabi ko sa kanya.

Nag umpisa na siyang mag maneho.

"Tsk. Ano ba kasing nangyari? Spill the tea sis."

"Oo nga! Wag kang madamot Niah." Gatong naman nitong si Sam. Aishhh! Ayoko na ngang balikan yung nangyari kagabi eh! Nag tanong pa sila!

"May nag send sakin ng message at pictures! Unknown person. Tapos yung laman ng pictures, si Clint at Venus na parehong naka hubad sa isang kama."

Agad namang napa prino si Ate kaya na untog ako! Ano ba naman yan!

"Wtf?! Haliparöt talaga yang Venus na yan! Sarap niyang kalbuhin!"

"Oo nga! Dapat sa kanya eh sako at itapon sa Pacific Ocean para pag fiestahan siya ng mga pating!"

"Tsaka wag ka ng mag taka kung sino yung unknown person na yan! Si Venus yan! Makikita niya talaga mamaya! Humanda talaga siya sakin kapag hindi siya nagpakita!Kapag nakita ko siya kakalbuhin ko talaga siya! Siguraduhin niya lang na wag siyang magpapakita sakin!" Inis na sabi ni Ate Zebby with matching pa hampas pa sa manibela.

Nag tinginan naman kami ni Sam at tinanguan ko siya. Nagka intindihan kami ni Sam dahil binatokan niya si Ate Zebby.

"Ouch! Para saan yun?!"

"Ano ba talaga? Magpapakita ba talaga si Venus sayo o hindi? Ang gulo mo din eh!"

"Tsk! Basta makikita talaga ng Venus na yan. Kapag inapi api ka niya Niah, lumaban ka!"

Inirapan ko naman si Ate.

"Ang dami mong alam Ate. Bakit hindi ka nalang mag drive ulit? Baka ma late pa tayo eh."

Mabuti talaga siyang kapatid dahil sinunod niya ako at nag maneho na nga ulit siya.

Tahimik lang kami buong biyahe. Nakita ko naman na tinitingnan ako ni Ate at Sam sa rearview mirror.

Kinalkal ko nalang yung laman ng cellphone ko at may nakita akong record. Ito yung record ng makipag hiwalay si Ace sakin. Agad ko namang dinelete yun.

Napa buntong hininga nalang ako. Palagi nalang akong naloloko ah. Psh!

"Andito na tayo."

Agad na bumilis yung tibok ng puso ko dahil andito na kami sa school. Kaya ko ba? Kaya ko bang makita siya? Siya pa naman yung teacher sa 1st period ko.

"Ano? Ihahatid kaba namin?" Tanong ni Sam sakin ng maka baba na kami habang si Ate Zebby nag paparking.

"Hindi na siguro. Kaya ko naman."

"Sigurado ka?"

Tinanguan ko lang si Samantha at nag paalam na.

Habang papalapit ako ng papalapit sa room namin, mas lalo akong kinakabahan. Napatigil ako ng nasa entrance na ako ng room. Nilibot ko yung paningin ko at nakita ko si Aika at kasama nito si Venus. Sa sobrang dami ng nangyari sa buhay ko, nakalimutan ko na may isang Aika pa palang nag eexist sa mundo.

Nang muli kung inilibot yung mga mata ko, nakita ko si Ace. Nagulat ako ng makitang nakatingin din siya sakin kaya agad kung iniwas yung tingin ko sa kanya.

Napatingin ako sa teachers table at napa hinga ako ng makitang wala pa si Clint.

Pumasok nalang ako sa loob at na upo na sa upoan ko.

"Ang ganda naman ng ring mo Venus!" Malakas na sabi ni Aika.

"Of course! Galing to sa special someone ko eh. Sabi ko naman kasi sa isa jan, babawiin ko kung ano yung akin."

"Tsk! Nag sama pa talaga ang dalawang plastic!" Bulong ko.

"May sinasabi ka ba Niah?" Taas kilay na tanong ni Aika.

"Bakit? May narinig ka ba?" Tinarayan ko rin siya. Ang lakas ng loob mag hamon ng away. Porket may kasama eh. Akala mo naman hindi umiyak sakin dati ng sabihan ko siyang papaalisin ko siya sa school.

"Don't waste your time sa kagaya niyang bitter Aika. Inggit lang yan." Pag paparinig din ni Venus.

"Bakit naman ako ma iinggit  kung ninakaw mo lang yan."

"What did you say?!" Sigaw ni Venus na naka kuha ng attention ng buong kaklase namin.

"Wala! Ang bingi mo."

"Ano?!"

"Oo!" Sigaw ko sa sobrang inis. Ang bingi bingi naman eh!

"Naiinggit kalang eh! Dahil binigyan siya ni Clint ng sing sing tapos ikaw hindi! At ang ibig sabihin lang non, mahal pa siya ni Clint."

"Pake ko? Ede isaksak niya sa lalamunan niya ang ring na yan! Isama niya na si Clint. At magsama kayong dalawa! Plastic na nga màlandi pa!"

"How dare you!"

Galit na sumugod sakin si Aika at akmang sasampalin ako.

Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at nag hihintay na dumapo yung kamay niya sa mukha ko pero walang may dumapo.

Dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko at nakita kung hawak ni Ace ang kamay ni Aika na sasampal sana sa mukha ko.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

Marahas din namang binitawan ni Ace ang kamay ni Aika at walang pasabing hinila ako palabas ng room.

Narinig ko pang napasinghal si Aika at Venus.

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now