Chapter 37

369 8 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 37)

Zarniah's POV:

"Mom, Dad pupunta po pala sina Blake at Ace dito." Pagpapa alam ko habang nagluluto sila ng dinner. Kompleto kaming lahat dito. Nandito si Mommy, Daddy, Ate Zebby at Samantha.

"Who's Ace?" Sabay na tanong ni Samantha at Ate Zebby.

"Eh ex ko."

"OMG ka sis! Rufok yarn?" Pang aasar ni Ate.

"Tumahimik ka nga ate! Anong marupok? Kaibigan ko lang siya at walang malisya yun. Tsaka alam niyo namang si Clint yung mahal ko."

"Ehh baby, sigurado ka bang pure na yung attention niyang si Ace sayo? The last time I checked, ginamit ka lang nila."

"Hala totoo ba yan? Nako kapatid wag kang makipag kaibigan pa jan! Gagamitin kalang niyan ulit."

"Ehh ate nag sorry naman po siya sakin. Tsaka sabi niya nagsisi na siya sa mga ginawa niya sakin. Nililigtas na nga niya ako sa room kapag inaaway ako nina Venus at Aika."

"Baka pakitang tao lang?" Komento naman ni Sam.

"C'mon guys. Pwedi namang mag bago yung isang tao diba? Hindi naman siguro masamang bigyan ko siya ng 2nd chance para ma ipakita niya sakin na deserve niya yung pagiging mag kaibigan namin ulit."

"Zarniah is correct. Hindi naman masamang bigyan niya ng isang pagkakataon yung tao."

Tumango tango nalang din sila sa sinabi ni Daddy.

"Aakyat na muna ako sa taas. Maglilinis lang ako ng room ko at mag hahalf bath narin ako."

"Sige baby. Take your time. We will call you nalang kapag nandito na yung mga visitors mo."

"Thanks Mom!"

Umakyat na ako sa kwarto ko. Total 6 PM pa lang din naman kaya lilinisin ko na muna itong kwarto ko at mag hahalf bath narin ako. Nakakahiya naman kung haharap ako sa mga bisita ko na amoy pawis.

Natapos na akong maglinis ng kwarto ko at nag half bath narin ako.

Napagod ako sa paglilinis kaya humiga muna ako sa kama ko. Tiningnan ko yung time sa phone ko at 7:30 na. Matagal din pala yung ginawa kung paglinis sa kwarto ko?

Nag scroll scroll pa muna ako sa phone ko ng may kumatok sa pintuan ko.

"Anak andiyan na si Blake sa baba."

"Sige Mommy susunod po ako."

Bumangon na ako at sumunod na kay Mommy sa baba.

Nakita kong nanonood ng tv sina Ate Zebby, Samantha, Mommy at Daddy. Si Blake naman nasa couch nagmumuni muni.

Nilapitan ko naman ito. Ng maka upo ako sa tabi niya, nakangiti ito sakin.

"Nginingiti ngiti mo diyan?" Taas kilay kung tanong sa kanya.

Lumapit pa ang mokóng sakin at may binulong.

"Nagugutom na ako. Hindi pa ba tayo mag didinner?"

Agad kung kinurot yung tagiliran niya.

"A-Aray Princess! Ang sadista mo talaga!"

"Puro ka kasi pagkain! May inaantay pa tayo ok?"

Kumunot naman yung noo niya.

"Sino naman?"

"Si Ace."

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now