Chapter 34

366 8 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 34)

Zarniah's POV:

"Zarniah anak! Nasa baba si Blake."

Napa balikwas naman ako ng bangon dahil sa sinabi ni Mommy. Andito si Blake? Ng ganito ka aga?

"Susunod nalang ako sa baba Mom!"

"Sige baby. Bilisan mo na diyan."

"Opo."

Agad akong pumunta ng bathroom at nag hilamos. Nag suklay narin ako at bumaba na.

"Hi princess!"

Tiningnan ko naman siya at bihis na bihis siya.

"Bakit bihis na bihis ka? Saan ang lakad mo? Tsaka ang aga mo naman!" Reklamo ko dito ng tuloyan ng maka baba at umupo sa tabi niya.

"Gusto sana kitang yayain lumabas. Total Saturday naman ngayon at mukhang stress na yang mukha mo oh! Tsaka anong maaga? 10 am na no."

"Ano?!" Napatayo ako sa sinabi niya. 10 AM na?

"Bakit gulat na gulat ka?" Takang tanong ni Blake.

"May lakad kasi kami ni Ace eh. 11 AM yun. Magpapa tulong kasi siya sa pagpipili ng gitara. Nag aaral na kasi siyang tumugtog." Bulong ko dito. Hindi pa kasi alam ni Mommy at Daddy na ayus na kami ni Ace.

"At bakit naman sayo pa siya magpapa tulong ha? At anong alam mo sa gitara? Wala ka namang alam dun ah."

"Tsk! Syempre kaibigan ko yun! Tsaka gustong magpasama ng tao eh. Nakakahiya naman kung humindi ako sa kanya."

"Nako Princess ha nagseselos na ako. Andito nga kasi ako oh? Andito ako para yayain kang lumabas. Ipagpapalit mo ba yung kapogian ko sa ex mo?"

Agad ko namang tinakpan yung bibig niya.

"Shhh! Ano ka ba? Hinaan mo nga yung boses mo. Baka marinig tayo nila Mommy at Daddy."

"Ehh ano naman?!"

"Aishhh wag ka ng makulit. Promise bukas lalabas tayo."

"Ayoko! Gusto ko ngay---"

"Libre ko bukas! Ano deal?"

"Deal! Hindi mo naman kasi agad sinabi na libre mo eh." Tsk! Buraot! Akalain niyo yun? Akala mo kung sinong mag aya na lumabas tapos hindi naman pala mang lilibre.

"Whatever! Ohh siya mag aayos na ako. Balik ka nalang dito bukas."

"Ano ka ba? Ako na mag hahatid sayo ngayon. Saan ba kayo mag kikita?"

"Sa restaurant. Mag lulunch daw muna kasi kami."

"Suss. Nag dadamoves ata sayo yan eh!"

"Ang dami mong satsat! Parang kakain lang naman! Buti nga libre niya yung lunch namin eh! Hindi kagaya ng isa diyan! Buraot kaya walang girlfriend!"

"Abat grabeng bibig yan Princess ahh!"

Akmang lalapit na siya sakin para batokan ako kaya tumakbo ako paakyat ng kwarto ko.

"Bleh!" Asar ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako ng masama. BWAHAHAHA totoo naman kasi! Ang buraot! Tumatawang pumasok ako ng room ko at nag hanap na ng masusuot.

Nag shower na din ako ng mabilisan dahil kulang na ako sa oras. Nag lagay lang din ako ng light make up. Napatitig ako sa mukha ko sa harap ng salamin.

Wala naman sigurong masama kung sasamahan ko si Ace. Mag kaibigan nadin naman kami ulit.

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now