The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 21)
Zarniah's POV
Uwian na namin ngayon. Si Clint hindi ako pinansin buong araw. Tapos kanina bigla nalang siyang nawala. Iniwan niya ako.
"Antayin mo nalang ako dito Niah. May kukunin lang ako sa Principals Office." Hindi siya tumitingin sakin habang sinasabi niya yun. Feeling ko tuloy iniiwasan niya ako.
"Ah O-Oo."
Tiningnan niya naman ako at agad din namang umiwas.
"Wag kang aalis dito."
"Sige."
Nilagpasan na niya ako.
Haistt. Ano bang problema mo Clint?
Napa upo ako sa upuan ko.
May narinig akong tunog ng cellphone. Napa tingin ako sa table ni Clint. Sa kanya yun.
Agad akong pumunta dun.
*Mommy Calling*
Si Tita Ciara? Agad ko naman 'tong sinagot.
"Hi Son! Dito na kayo mag dinner ni Niah sa bahay. Andito narin ang parents niya and nakapag handa na kami." Masayang saad ni Tita.
"Ahh sige po Mom."
"Niah? O My Gosh nasayo ang cp ni Clint? Ang sweet niyo naman nag papalitan kayo ng phone." Nakikilig na saad ni Tita.
"Ha? Hind---"
"Yieeee! Kinikilig ako sa inyo. Oh sige na ha? Punta nalang kayong dalawa dito. Bye!"
Hindi na ako pinatapos ni Tita dahil agad niyang binaba ang Call.
Napa nguso naman ako. Mali nanaman siya ng iniisip.
Tiningnan ko yung phone ni Clint at agad na nag init ang mukha ko ng makitang lock screen niya yung picture namin dun sa both sa Palawan kung san naka kiss siya sakin sa cheeks at ako naman ay gulat ang reaction.
G-Ginawa niyang wallpaper 'to?
Nilapag ko na yung phone niya at bumalik sa upuan ko ng makita ko si Blake na dadaan sa room namin kaya dali dali akong tumakbo papunta sa kanya.
"Blake!" Tawag ko dito.
Agad naman siyang napatigil sa pag lalakad at tiningnan ako sa bored na mukha.
"P-Pwede ba tayong mag usap?"
"Para saan pa?"
"Mag papaliwanag ako Blake."
"No need Niah."
"Please?" Pagmamaka awa ko.
Sa huli sumuko din siya dahil sa pamimilit ko kaya pumasok kami sa room namin.
Pareho kaming naka tayo at nag titigan.
I miss his Face. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ni hindi na siya nag tetext sakin. I hurt him.
"Blake yung about samin ni Clint, arrange marriage lang ng parents namin yun dahil sa company. Na bankrupt yung company ng parents ni Clint kaya humingi sila ng tulong kay Mom and Dad. And bilang kapalit ay ang pakasalan ako ni Clint dahil gusto nilang may mag aalaga sakin." Mahabang pag papaliwanag ko.
"Bakit kapa pumayag na manligaw ako sayo Niah? For what? Para saktan yung feelings ko?"
"Blake hindi."
YOU ARE READING
The New Hot Professor Is My Future Husband
RomansaZarniah is a sweet best friend and a loving partner to his boyfriend. She didn't know that her best friend and his boyfriend is just using her. One day, she found out that her best friend and his boyfriend cheated on her. Her heart was so broken on...