Chapter 11

398 9 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 11)

Zarniah's POV

Last subject na namin. Si Clint hindi tumitingin sakin kahit nung 1st subject kaninang umaga. Ganun ba talaga siya naapektuhan? Parang nasa suplado mode siya ngayun. Tsaka hindi kami mag lalaro ngayon dahil nag didiscuss si Clint about sa sports.

Seryoso akong nakikinig sa lecture ni Clint ng mag vibrate yung phone ko.

Tiningnan ko naman yun.

Unknown number? Sino naman kaya 'to?

Tiningnan ko yung phone ko para malaman kung sino yung nag message sakin.

From Unknown number:

Princess! Susunduin kita diyan pagkatapos ng ko dito. Ako mag hahatid sayo mamaya.

Ehh? Sino 'to? Napa isip naman ako.

Princess? Isa lang naman yung tumatawag sakin nito eh. Si Blake! Tama si Blake.

Nag reply naman ako sa message niya.

To Blake:

Blake? Ikaw ba 'to? Pano mo nakuha yung number ko?

Pag ka send ko ng message ko, nag vibrate ulit yung phone ko.

Bilis mag reply ah?

From Blake:

Yes Princess! Ako 'to. Ang nag iisang poging Blake Ferrell. At nakuha ko yung number mo sa Mommy mo.

Kay Mommy? So, Alam na pala nina Mom and Dad na umuwi na si Blake? Pshh! Andaya naman! Hindi nila pina alam sakin.

To Blake:

Ganun ba? HAHAHA Oo na ikaw na yung pogi.

Natatawang pag type ko sa message na eh sesend ko kay Blake.

"Tuwang tuwa Ms. Fortalejo ah."

Biglang nagsalita si Clint. I look at him and I saw him smirking.

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko. Lahat ng tingin nasa akin. Nakakahiya.

"And who told you that using cellphone is allowed during class hours?" Seryosong tanong niya.

"Ahh ehhh---"

"Wag ka ng mag salita. Just please listen to my discussion dahil wala kang alam sa sports." Pag puputol niya sakin.

Pshh! Oo na! Ako na yung walang alam sa sports! Ansunget! Parang may regla.

Tapos na yung lecture ni Clint. Nag si tayuan narin yung mga kaklase ko. Tumayo narin ako para lumabas ng room ng tawagin ako ni Clint.

"Zarniah, wait lang."

Takang lumingon naman ako sa kanya.

"Ano yun?" Naaasar pako sa kanya dahil pinagalitan niya ako.

Yung mga kaklase naming hindi pa naka alis ay nag sipag tinginan samin.

Hindi na muna nag salita si Clint. Ayaw niya atang malaman ng mga kaklase ko na mag kakakilala talaga kami. Takot Naman palang masibak sa school eh. May pasabi pa siya kanina na 'Hindi ako takot mawalan ng trabaho Niah.'

Napa irap nalang ako sa kawalan dahil sa iniisip ko.

Ng ma realize naman ng mga kaklase ko na private yung pag uusapan namin ni Clint, nag si pag paalam narin sila.

"Bye prof."

Sabay nilang pagpapa alam. Tinanguan naman sila ni Clint.

"So, ano yun? Bakit moko tinawag?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ihahatid na kita sa inyo."

Napa ngiti naman ako ng palihim dahil sa pag aya niya sakin pero na realize ko na si Blake pala ang mag hahatid sakin.

"Thank you Clint pero may mag hahatid na sakin eh."

"Sino naman?" Taas kilay niyang tanong sakin.

He's so dàmn hot when his doing that. Shít!

"Ako."

Sagot ng kakarating lang na si Blake.

Nakita ko namang napa ismid si Clint.

"Ikaw? Wala akong tiwala sayo kaya sakin ka nalang sumama Niah." Usal ni Clint.

"Mas lalong wala akong tiwala sayo. At isa pa, ako ang naunang nag aya kay Princess kaya wag kang mang agaw. May inagaw ka na nga sakin dati tapos pati si Princess ko aagawin mo din."

Dahil sa sinabi ni Blake napag tanto kung magka kilala na sila.

"Don't call her 'Princess mo' 'cause she's not yours. And pwede ba Blake? Matagal na yun. Pwede bang kalimutan mona yung nakaraan? At isa pa, hindi ko alam yung fellings mo about her kaya nangyari yun."

Nabuo na ang tension sa pagitan nilang dalawa.

"What ever you say, ako parin ang mag hahatid kay Princess."

Hinawakan ni Blake yung kamay ko at ready na sanang hilahin ng hawakan din ni Clint ang kabilang kamay ko at hinila ako pabalik.

Hinila ulit ako ni Blake at ganun din ang ginawa ni Clint. Hinila niya ako pabalik sa kanya. Para akong tanga dito promise!

"Remove your filthy hands off of her!" Madiin na sabi ni Blake.

"No! Your the one who will do that!" Matigas din na bulyaw ni Clint.

Nag tinginan naman silang dalawa. Grabe na talaga yung tension kaya sinubukan kung makisali.

"Ano ba kayung dalawa! Ang ganda ko naman para pag agawan niyo."

Nagulat ako ng sabay nilang bitawan yung kamay ko.

"I have a meeting with the principal. Ikaw na mag hatid sa kanya." Sabi ni Clint.

"May pupuntahan din akong importante kaya ikaw nalang ang mag hatid sa kanya." Pag dahilan din ni Blake.

"Ikaw na."

"Hindi ikaw na."

The héck? Anong masamang hangin ang pumasok sa ulo nilang dalawa at ayaw na nila akong ihatid?! Kanina parang mag patayin na silang dalawa para ihatid lang ako tas ngayon mag tuturuan na sila kung sino ang mag hahatid sakin?! Mga gag*.

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now