The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 20)
Zarniah's POV
"Let's go." Malamig na pag aya sakin ni Clint.
Nauna na siyang lumabas ng pintuan kaya dali dali akong sumunod sa kanya.
Sobrang laki ng mga hakbang niya kaya takbo lakad yung ginagawa ko para lang maabutan siya.
"KYAHHH! ANDIYAN NA SILAAAA!" Hiyawan ng mga fans namin kuno.
Tumingin naman ako sa kanila at nginitian sila pero si Clint tuloy tuloy lang sa pag lalakad na animoy walang tao sa paligid niya. Galit ba talaga siya sakin?
Ng makalapit kami sa kotse niya ay nalungkot ako. Hindi niya ako pinag buksan ng pintuan.
Napa nguso naman ako.
"Ayy? Sa tingin ko may LQ sila." Bulong bulongan nila.
Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung glass window ng kotse.
"What's your plan Niah? Pasok na!"
Malamig na saad niya.
Niah. Niah nalang yung tawag niya sakin. Hindi na Wifey. Galit nga talaga siya sakin.
"Hindi kapa ba talaga papasok?" Naiiritang saad niya.
Natataranta naman akong pumasok sa kotse niya.
Pagka pasok na pagka pasok ko ay agad niya itong pinaharurot.
Hindi niya ako kinikibo.
Mapapanis na ata yung laway ko. Hindi ako sanay na ganito siya. Sorry Clint ha? Hindi pa talaga kasi ako ready na sabihin sayo yung nararamdaman ko.
Tumingin ako sa kanya. Seryoso siyang nag mamaneho. Unlike before na palagi niya akong ngini ngitian.
Hanggang sa makarating kami sa bahay namin hindi niya ako kinakausap.
Pag pasok namin sa bahay umakyat agad siya sa kwarto niya.
Napa buntong hininga naman ako.
Naupo muna ako sa sofa. Ipag luluto ko nalang siya ng pag kain.
Tumingin ako sa orasan ko at nakitang 5:00 pm palang naman kaya pwede pa akong bumili ng ingredients para sa lulutuin ko.
Pero ano yung sasakyan ko? Mag tataxi nalang siguro ako.
Umakyat ako papuntang kwarto ni Clint para mag paalam sa kanya. Kakatok na sana ako ng ma realize ko na galit pala siya sakin.
Bumaba nalang ulit ako at agad na lumabas ng bahay. Hindi na ako nakapag bihis dahil kung mag bibihis pa ako ay baka gabihin ako.
Nag lakad lakad na muna ako ng may tumigil na taxi sa gilid ko.
"San kayo ma'am?" Tanong ni Kuya.
"Sa market po sana kuya."
"Sige po ma'am. Hahatid ko na kayo."
Nginitian ko naman si kuya at agad na pumasok sa loob ng taxi.
Clint's POV
Narinig ko kanina yung mga yabag ni Niah. Hindi ko nalang yun pinansin. Baka pumasok siya sa kwarto niya.
I think she don't like me. Tsaka nanliligaw pala si Blake sa kanya. Balita ko matagal na silang magka kilala kaya malamang may gusto din yun kay Blake.
Hindi nalang ako aasa na mag kaka gusto si Niah sakin. Wala ata talaga siyang may nararamdaman para sakin dahil arrange marriage lang naman yung about samin. Pero hindi ako susuko. Aantayin ko nalang na umamin siya sakin.
YOU ARE READING
The New Hot Professor Is My Future Husband
RomansaZarniah is a sweet best friend and a loving partner to his boyfriend. She didn't know that her best friend and his boyfriend is just using her. One day, she found out that her best friend and his boyfriend cheated on her. Her heart was so broken on...