The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 36)
Zarniah's POV:
"Zarniah anak? Pwede bang pumasok si Mommy?"
Hindi ako sumagot. Tanging hikbi lang yung ginawa ko.
"Baby papasok si Mommy ha?"
Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan pero hindi ako nag atubiling tumingin.
"Anak tahan na. Hind kapa naka pag dinner at kanina kapa umiiyak. Si Blake gusto kang kausapin pero gabi narin kasi at may pasok pa kayo bukas kaya pina uwi kona siya."
Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko.
"Anak tama na yan. Kung ano man yung nakita mo, siguro nakikipag usap lang si Clint kay Venus para tigilan na kayo. Ayaw moba non? Magiging ok na ulit kayo."
"H-hindi naman p-po kasi sila basta bastang nag u-uusap lang M-Mommy. P-Pinagtanggol pa nga siya ni C-Clint eh. P-Pano kung nagkaka mabutihan na sila ulit? T-Tapos ma realize ni Clint na si V-Venus pala talaga yung k-kailangan niya." I said while still sobbing.
"Baby ano ba yang mga iniisip mo? Lalo kalang masasaktan niyan kung ganyan yung mga iniisip mo eh. Alam mo naman na mahal ka ni Clint diba?"
"H-Hindi ko na alam M-Mommy."
"Oh sige. Para makampanti ka, kausapin mo siya bukas. Tanungin mo siya kung ano yung namamagitan sa kanila ni Venus. Sa ngayon, kumain kana muna at ipahinga mo naman yang mga mata mo. Kanina kapa umiiyak eh."
"Wala akong ganang kumain Mommy."
"Zarniah naman." Alam kung seryoso na si Mommy dahil tinawag niya na ako sa pangalan ko.
"Mom I want to be alone. Gusto ko munang mapag isa ngayon."
Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni Mommy.
"Don't over think too much baby."
She kiss me in my forehead bago siya tumayo at lumabas ng room ko.
Nang makalabas si Mommy, wala akong ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak hanggang sa maka tulog ako.
Kinabukasan ang sakit sakit ng mga mata ko. Kaya bago pa ako bumaba at sumabay sa kanilang makipag breakfast, nag ayos muna ako at naglagay ako ng konting make up para mabawasan naman ang pagka halata na umiyak ako.
"Ohh ayan! Bumaba din siya sa wakas! Tingnan niyo yung mukha oh, pumanget na sa sobrang iyak."
Napanguso nalang ako sa sinabi ni Ate Zebby. Umupo ako sa mesa at nag breakfast na.
Tahimik lang ako buong biyahe papuntang school. Hindi din naman ako kinukulit ni Sam at Ate Zebby. Kahit nga si Mommy hindi na nagtanong sakin kanina. Alam kasi nilang hindi ko gustong makipag daldalan sa ganitong sitwasyon ko ngayon.
"Gusto mo ihatid kana namin Niah?" Naka ngiting tanong sakin ni Samantha ng maka baba na kami sa kotse.
"Hindi na. Nakaka lakad naman ako eh. Bakit kailangan niyo pa akong ihatid?" Pagbibiro ko dahil masiyado nga silang seryoso sa nangyayari sakin.
"Makapag biro akala mo hindi iniyakan kagabi." Bulong ni Ate Zebby na hindi naman nakaligtas sa tenga ko.
"Panira ka talaga Ate."
"Totoo na---"
Hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ko yung bibig niya.
"Niah ang baho ng kamay mo!" Reklamo niya ng maalis niya yung kamay ko sa bibig niya.
YOU ARE READING
The New Hot Professor Is My Future Husband
RomanceZarniah is a sweet best friend and a loving partner to his boyfriend. She didn't know that her best friend and his boyfriend is just using her. One day, she found out that her best friend and his boyfriend cheated on her. Her heart was so broken on...