Chapter 23

385 10 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 23)

Zarniah's POV

Sunday ngayon at nandito kami ni Clint sa bahay kasama sina Ate,Mommy,Daddy, Samantha,Tito Clifford and Tita Ciara. Gaya ng napag usapan kasi namin nong Friday eh mag fafamily picnic kami and ayun nga, kasama narin yung family ni Clint.

Nandito kami ngayon sa isang park at nag lalatag ng kumot sa damuhan. Yung mga pagkain naman ay naka ready na.

Umupo na kaming lahat. Magka harap harap kami.

"Let's eat?" Naka ngiting saad ni Mommy.

Nag umpisa naman kaming kumain. Puro tawa lang kami dahil nag kukuwento si Tito Clifford about nong baby pa si Clint. Kesyo natatakot daw si Clint sa ipis nong bata pa kasi akala niya sa ipis dragon daw na maliit HAHAHA.

Si Mommy at Daddy naman naka ngiti talaga sila. Siguro happy sila dahil sa wakas ay buo na kami. Nag kwento din sina Ate at Samantha about sa nangyari sa kanila and sa umampon sa kanila.

Naging emosyonal nga si Mommy dahil noong nasa bahay ampunan daw sila ni Samantha, tinuturing daw silang alipin dun. Minsan daw hindi pa sila binibigyan ng pagkain para sa hapunan. Maging ako nga napa iyak eh.

Pag ka tapos naming kumain, inaya ako ni Clint na mamasyal sa park.

Kaya andito kami ngayon at nag lalakad habang mag ka hawak kamay.

May nakita akong nag bebenta ng ice cream kaya inaya ko si Clint na bumili nun. Pumayag naman siya. Pupunta na sana kami ni Clint sa vendor ng may mga grupo ng babae ang lumapit samin.

Parang mga bulati eh. Nag titilian pa talaga sila at nag uunahan na lumapit kay Clint kaya nabitawan ni Clint yung pagkaka hawak sa kamay ko. Nainis naman ako.

"Pwede ba?! Magsi tahimik nga kayo!" Naiinis na sigaw ko sa kanila.

Tinaasan naman nila ako ng kilay.

"Sino ka ba?" Mataray na tanong nong isa.

"Girl friend lang naman ako ng pinagkaka gulohan niyo." Matapang na pagmamayabang ko.

Nag tawanan naman silang lahat.

"Girl friend mo?" Baling na tanong ng babae kay Clint.

Nakita kung umiling si Clint kaya nagulat ako sa ginawa niya.

Bakit siya umiling?

Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga babae.

"Eh hindi ka naman pala Girl Friend eh! Assumera!"

Tiningnan ko ng masama yung babae at si Clint.

"Ede hindi! Mag sama kayo!"

Naiinis na wika ko at padabog na tinalikuran sila. Tànginang yan. Lalandi na nga lang sa harap ko pa.

"Assumera naman non kuya. Inangkin kapa. HAHAHA." Halakhak ng bruha.

"Girl friend mo daw? Hahaha."

Nyenyenye.

"She's not my girlfriend..." Inulit pa talaga Clint? Tàngina hindi naman masakit.

"She's not my girlfriend 'cause she's my wife." Natigil naman ako sa pag lakad papalayo sa kanila ng marinig ko yun.

Agad ko namang naramdaman ang presensiya ni Clint sa likuran ko. Back hug shît!

"Bat moko iniwan dun sa kanila baby? Sana pinatapos mo muna ako." Nag tatampong bulong niya sa tenga ko.

"Hindi yan totoo!" Sigaw nong isang babae kaya sabay kaming napa harap sa kanila.

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now