The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 39)
Zarniah's POV:
Kina umagahan maaga akong gumising. Hiningi ko yung divorce paper kay Mommy at Daddy. Nag aalinlangan pa silang ibigay sakin yun at ilang ulit pa nilang tinanong sakin kung sigurado naba talaga ako. Sa huli wala na silang nagawa at binigay na nila sakin yung hinihingi ko.
Inaya ko sila ni Ate na agahan namin ang pagpunta ng school dahil kakausapin ko si Blake. Pumayag naman sila kaya maaga nga kaming pumunta ng school. Hindi na kami nag breakfast. Sabi nila sa canteen nalang daw kami kumain.
Sinamahan na nga ako nila Ate at Samantha sa room nila since kaklasi nga nila si Blake. Sakto at nandon nga siya. Si Ate at Sam naman ay nag paalam na sakin na pupunta na sila ng canteen dahil gutom na daw sila.
"Blake!" Tawag ko dito. Napatingin pa yung ibang kaklasi niya sakin.
Lumapit naman siya.
"Uyy Princess. Bakit ang aga mo namang puntahan ako? Na miss mona agad ako? Ikaw ha! Kahapon lang tayong magkasama eh."
Inismiran ko nalang ito.
Kinuha ko yung envelope na naglalaman ng divorce paper sa bag ko at inabot yun sa kanya.
Binuksan niya yun at nagugulohan naman siyang tumingin sakin.
"Pakibigay kay Clint please? Hindi ko kasi kayang ibigay yan sa kanya."
"What?! Are you sure about this?"
Tinanguan ko nalang siya.
"Kung sure ka sa plano mo edi ikaw yung mag bigay?"
"Tsk! Hindi ko nga kayang ibigay sa kanya!"
"Isa lang ang ibig sabihin niyan. Hindi ka talaga sure!"
Inabot niya pabalik sakin yung envelope pero hindi ko na kinuha yun at tinalikuran ko nalang siya.
"Woy Princess!"
Tawag pa nito pero hindi ko na siya pinansin pa.
Pagkapasok ko sa room ang ingay ng mga kaklasi ko.
Naglakad nalang ako patungo sa upoan ko.
"Good morning!" Nakangiting bati sakin ni Ace.
I smile a bit.
"Good morning din." Bati ko rin sa kanya.
"Okay ka lang?"
Tinguan ko lang siya.
"Kumain kana ba? Tara sa canteen." Masiglang pag aya niya.
"Busog pa ako eh. Ikaw nalang muna siguro."
"Ang arte! Gustong gusto na pinipilit." Parinig ni Aika.
Papatulan na sana siya ni Ace pero pinigilan ko nalang ito.
"Wag mo ng patulan." I mouthed.
Napabuntong hininga nalang siya.
"Sige. Balik na ako sa upoan ko. Kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako."
Nakangiting tumango ako sa kanya.
"Wala na naman daw si Prof. Wala rin siyang may ibinilin na activity." Announce ulit ni Cashi.
Yung ibang kaklasi ko naghiyawan dahil free nanaman sila sa subject nato. Yung iba naman malungkot dahil dalawang araw ng wala si Clint. Matamlay naman akong tumayo. Gusto kung mapag isa. Pumunta nalang ako ng library.
YOU ARE READING
The New Hot Professor Is My Future Husband
RomanceZarniah is a sweet best friend and a loving partner to his boyfriend. She didn't know that her best friend and his boyfriend is just using her. One day, she found out that her best friend and his boyfriend cheated on her. Her heart was so broken on...