The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 30)
Blake's POV:
Ang weird naman ng lalaking yun.
Pinagpatuloy ko nalang ang pag akyat papuntang rooftop ng makasalubong ko si Clint na hindi maipinta ang mukha.
"Clint? What are you doing here?" Takang tanong ko sa kanya.
"B-Blake. Kanina kapa ba diyan?"
Natata rantang tanong niya.
"Actually, no. Paakyat palang ako. May naka salubong nga ako at pinigilan pa ako. Sabi niya wag daw akong umakyat dito kasi may nag aaway."
Agad naman siyang nagulat.
"S-Sino?"
"Hindi ko alam eh. Random guy lang."
"Ganun ba? Sige Blake. Mauuna na ako."
Tinanguan ko lang siya at nag lakad na siya paalis.
Ang weird ng mga tao ngayon.
Pagkarating ko sa rooftop ay nadatnan ko si Venus.
"Venus?"
"Oh. Hi Blake!"
"Bakit ka nandito?"
"May kinausap lang."
"Ahh. I see."
"I'm going to leave na Blake. Bye!" She said while smiling widely.
Tinanguan ko nalang din siya.
May kinausap? Si Clint ba yun? Agad namang may namuong katanungan sa isip ko. Yung lalaking nakasalubong ko! Ang sabi niya may nag aaway. Is he pertaining to Clint and Venus?
I shook my head. Hindi ko na dapat iniisip yun. May tiwala naman ako kay Clint.
I open my arms and feel the fresh air na dumadampi sa balat ko.
Zarniah's POV:
Nag hahanda ako ng dinner namin ni Clint dahil nag shoshower pa naman siya.
This time, nag luto ako ng menudo at ginalingan ko na talaga. Hindi kagaya nong dati na sobrang tamis. Napa iling nalang ako ng maisip ko yung kapal-pakan ko dati.
Tiningnan ko isa isa ang naka hain sa mesa para masuri kung may kulang pa ba ng biglang tumunog yung phone ko sa bulsa ng apron.
Agad ko namang tiningnan yun and an unknown person message me.
Sino nanaman kaya to?
'I have something to send you. I hope your still ok if you already see it.'
Agad naman akong nag taka.
Nag send siya ng mga pictures.
Nang makita yun, agad akong nang hina. Pictures ni Clint at Venus in one bed. Wtf?!
Hindi to totoo! Baka edited pictures lang to! Baka may gustong sumira samin kaya nag edit siya ng ganito!
I type a message para eh send sa kung sino man to.
'Who are you?! And why are you sending those fake pictures?!'
'C'mon girl. Hindi mo magugustohan kapag nalaman mo pa kung sino ako. And it's not fake. Why don't you check your boyfriend cellphone and check his gallery?'
YOU ARE READING
The New Hot Professor Is My Future Husband
RomantikZarniah is a sweet best friend and a loving partner to his boyfriend. She didn't know that her best friend and his boyfriend is just using her. One day, she found out that her best friend and his boyfriend cheated on her. Her heart was so broken on...