Chapter 33

348 8 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 33)

Zarniah's POV

Pareho kaming tumatakbo ni Ace pabalik ng classroom dahil siguradong late na kami.

Hinihingal kaming dalawa habang nakahinto sa entrance ng room.

Nagtinginan pa kaming dalawa at parehong natawa dahil pareho kaming pawis na pawis. Para kaming hinabol ng sampong aso.

Pagpasok namin sa room, pinag titinginan kami ng mga kaklase namin.

"O my gosh! Ok naba silang dalawa?" Narinig kung bulong ng isa kung kaklase sa katabi niya.

"Bakit late kayong dalawa?"

Seryosong tanong ni Clint.

Tiningnan ko siya at masama itong nakatingin sakin. Palihim naman akong napa irap. Ano? Siya lang ba yung pweding makipag entertain sa ex? Eh siya nga natulog pa sa condo ng ex niya eh.

"Nagpa hangin lang kami sa rooftop." Sagot ni Ace.

"Kapag Alam niyong malapit na yung 1st period class niyo, wag na kayong gumala pa kung saan-saan para hindi kayo ma late. Pwedi namang magpa hangin dito sa loob ng room bakit kailangan pang pumunta sa rooftop?"

Tsk! Ang daming satsat! Bakit hindi nalang siya mag turo?

"Eh mas gusto namin sa rooftop eh. Tsaka hindi kasi ako makaka langhap ng sariwang hangin dito dahil may nakapaligid dito sa room na mga plastic! Mahirap pa naman silang pakibagayan." Reklamo ko.

Napa tayo naman si Venus sa upoan niya.

"Pina patamaan mo ba kami Niah?"

Agad naman akong napa ngisi.

"Bakit? Natamaan ka ba?"

"Tsk! Kulang ka---"

"Enough! Sit down Venus!" Sigaw ni Clint.

Padabog namang umupo si Venus. Hindi ko naman alam na masasaktan pala yung ego niya.

Tiningnan pa ng masama ni Clint si Ace bago dumapo yung tingin nito sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Napa iling iling naman ito at nag umpisa na ulit siyang mag lecture.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin kami sa subject nato. Sa wakas!

Nakita kung papalapit si Clint sa pwesto ko kaya nagmamadaling sinukbit ko yung bag ko at mabilis na naglakad palabas ng room. Malapit na ako sa pintuan ng biglang may humablot ng kamay ko.

"Bitaw---"

"Sabay na tayong pumunta sa canteen." Nakangiting pag aya sakin ni Ace.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Clint dahil akala ko siya yung humablot sa kamay ko.

Psh! Hinarangan naman pala ni Venus.

Agad naman akong napa iwas ng tingin dahil biglang napatingin si Clint sakin.

"Sige. Tara na." Nakangiting pag payag ko din sa alok ni Ace.

Clint's POV:

"Sabay na tayong pumunta ng canteen Clint!" Excited na saad ni Venus. Nakuha pa nitong isukbit ang kamay niya sa braso ko.

Marahas ko namang inalis yung kamay niya.

"Ano ba?! Pwedi ba Venus? Lumayo kana sakin! Wag kang pa feeling close dahil hindi na babae yung tingin ko sayo! Napag away mo na nga kami ni Niah! Ano?! Hindi kapa ba masaya don?! Kulang pa ba Venus?!"

Agad namang nag bulong bulongan yung ibang students na hindi pa nakakalabas ng room. Wala na akong pakialam kung mapahiya si Venus. She deserves it!

"A-Ano kaba Clint. Wala akong alam sa sinasabi mo."

Sobrang nag init yung dugo ko sa sinabi niya. Marahas ko siyang hinila palabas ng room at dinala sa isang hallway kung saan bihira lang daanan ng mga students.

" A-Aray Clint! Nasasaktan ako!" Reklamo nito dahil sa sobrang higpit ng pagka hawak ko sa kamay niya.

Napatingin ako sa kamay niya at agad na nag igting ang panga ko sa galit dahil sa nakita ko.

"Tàngina Venus! Bakit nasayo yang ring na para kay Niah?! Ganyan kana ba ka walang respeto sa sarili mo?! Nakuha mo pang mag nakaw ng bagay na hindi naman sayo! At nag picture kapa talaga sa phone ko?! Para ano?! Para magalit si Niah? Para masira mo kami?"

"Pinakiusapan na kasi kita pe---"

"Galit na si Niah sakin Venus! Galit na galit! Ano? Masaya kana ba? Bakit Venus? Sa tingin mo ba, kapag nakuha mo na ulit ako kay Niah magiging masaya ka? Hindi Venus! Dahil ilang ulit ko ng sinabi sayo na wala na akong may nararamdaman sayo! Si Niah ang gusto ko! Bakit ba ang desperada mo? Ang daming lalaki sa mundo Venus! Hayaan mo naman akong sumaya!"

"Pano naman ako Clint?! Pano naman yung nararamdaman ko? Clint mahal pa kita! Bakit kasi hindi nalang ulit ako?!"

"Fvck that feelings of yours! Napaka selfish mo! Yung nararamdaman mo lang yung iniisip mo! Pano naman ako Venus?! Pano naman yung nararamdaman ko?! Alam mo? Nagsisi akong nakilala pa kita! Bakit kasi bumalik kapa dito sa Pilipinas? Sana nag stay ka nalang sa States! I'm so disappointed with your desperate attitude."

Tumalikod na ako sa kanya at nag umpisa ng maglakad when she run and hug me.

"Clint please! Choose me naman oh! Ako naman yung nauna eh!"

Inalis ko yung kamay niyang nakapulopot sa bewang ko.

"Kung may hiling man ako na sana ay matupad, yun ang hindi kana sana makita pa ulit Venus."

Umalis na ako palayo sa kanya at tinahak ang daan papunta sa canteen. Hinanap ng nga mata ko si Niah at nakita ko siyang tumatawang nakikipag usap sa ex niya. Lalapitan ko na sana sila ng biglang may tumapik sa balikat ko. Pag harap ko, seryosong mukha ni Blake ang bumungad sakin.

"Bro. Pwedi ba kitang maka usap?"

Tinanguan ko naman siya.

Dinala niya ako sa rooftop.

"I heard from Niah about what happened to the both of you." Pag uumpisa ni Blake.

"I'm sorry Blake. I made her cry again. Hindi ko natupad yung usapan natin na hindi ko na siya papaiyakin ulit."

"Bakit? Totoo ba lahat ng pinagbibintang ni Niah sayo?"

" Hindi ko naman magagawa sa kanya yun eh. Sinet up ako ni Venus. Sinamantala niya yung pagka lasing ko. Hindi ko alam na dadalhin niya ako sa condo niya. Sobrang lasing na kasi ako non. Tapos pag gising ko, wala na akong saplot at magkatabi na kami ni Venus sa isang kama. Ang malala pa, nag picture pa siya gamit yung phone ko."

"Tsk. Maypa inom inom kapa kasing nalalaman. So ano yung plano mo?"

"I want to win her back again. I want her to listen in my explanation pero kinain na kasi siya ng galit niya eh at ayaw ng makinig sakin."

"Don't worry Bro. Alam ko naman na hindi mo talaga gagawin yung mga pinagbibintang niya sayo kaya tutulongan kita sa kanya."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Salamat Blake."

"Tsk! Anong salamat? Bakit? Akala mo ba libre yun? Aba! Kapag bumalik na si Niah sayo, dapat bigyan mo naman ako ng chiks! Wala ng libre sa ngayon no!"

Napa iling nalang ako.

"Fine! I'll give you her sister."

"Sino? Si Zebby? Hindi nga ata ako type non eh!"

Natawa naman ako sa sinabi niya at pabirong sinuntok ko siya sa balikat niya at ganun din siya sakin at nagtawanan nalang kaming dalawa.

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now