Chapter 32

354 7 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 32)

Zarniah's POV:

Dinala ako ni Ace sa roof top. Sa roof top nanaman. Kung saan siya nakipag hiwalay sakin. Kung saan nakita ko sila ni Aika na  nag hahalikan. Kung saan sinundan ako ni Clint para eh comfort ng mga panahong pinag iinitan ako ni Ace at Aika. Kung saan umiyak ako sa harap ni Clint. Haistt. Andami namang nakitang pangyayari ng roof top nato.

"Niah." Tawag sakin ni Ace.

Naputol yung pag iisip ko dahil sa pag tawag niya sakin.

Tiningnan ko naman siya at napatingin ako sa kamay kong hawak niya parin. Napatingin din siya don at agad na napa bitaw sa kamay ko.

Pumikit nalang ako at lumanghap ng fresh na hangin.

"Sorry."

Napa mulat naman ako at napatingin kay Ace.

"Sorry sa lahat ng ginawa ko sayo Niah."

Tumingin din siya sakin.

"Sana mapatawad mo pa ako. Nagsisi ako sa mga ginawa ko sayo. Kung pwedi ko lang ibalik ang oras Niah."

Napangiti naman ako.

"Sana nga Ace. Sana nga pwedi mo pang ibalik ang oras para hindi ko nalang sana nakilala si Clint."

"Don't say that Niah. Si Clint kaya yung tumulong sayo noong mga panahong inapi api ka namin ni Aika. Siya yung nandiyan sa tabi mo."

Napa yuko naman ako.

"Hindi mo naman kasi alam yung nangyayari samin Ace eh. Kung ikaw yung nasa position ko, siguro sasabihin mo rin yan."

"Hindi rin."

Napatingin ulit ako sa kanya. Naka ngiti na siya ngayon sakin.

"Bakit hindi mo kasi hayaang makapag explain siya sayo? Trust him Niah. Mag tiwala ka lang sa kanya. Alam ko sa mga nangyayari sayo, nahihirapan ka ng mag tiwala. Pero kung talagang mahal mo si Clint, magtitiwala ka sa kanya."

"Pero sobra kasi yun---"

"Mahal mo ba si Clint?"

Natahimik ako sa tanong niya.

Tama siya. Si Clint yung nandiyan kapag malungkot ako. Si Clint din ang dahilan ng mga pag tawa ko.

"Mahal mo naman si Clint diba?" Tanong niya ulit.

Napa tango naman ako.

"Then trust him. Listen to his explanation."

Tinitigan ko si Ace habang nakatingin siya sa malayo.

"Bakit mo ginagawa to?"

Nabaling yung tingin niya sakin.

"Gusto kung bumawi sayo. Sa lahat ng mga nagawa ko sayo."

Napa buntong hininga ako. Hindi naman siguro masamang mag patawad diba?

"Pinapatawad na kita."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako.

"Bakit? Ayaw mo? Edi wa---"

"Gusto ko!" Agad na pag putol niya sakin.

Napatawa naman ako at nagulat din sa sunod niyang ginawa.

Niyakap niya ako. Sobrang sarap pala sa pakiramdam mag patawad. Niyakap ko din siya.

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now