Chapter 22

378 9 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 22)

Zarniah's POV

"What's wrong mare?" Nag aalalang tanong ni Tita Ciara sa kanya.

Umiling naman si Mommy at agad namang ngumiti.

"Naalala ko lang si Zebby. Kung nandito siya siguro may pamilya na rin siya." Nakangiti si Mommy pero makikita mo parin ang kalungkotan na bumabalot sa kanyang mga mata.

Hinagod naman ni Tita Ciara ang likod ni Mommy ng mag simula na 'tong umiyak.

Naaawa ako kay Mommy. Nakita ko na si Ate Zebby pero galit naman siya sa parents namin. Dapat ko bang sabihin na nakita ko na si Ate Zebby?

Nabigla naman ako ng hawakan ni Clint yung kamay ko at pinisil yun kaya napatingin ako sa kanya.

Tinanguan niya ako na para bang sinasabi nito na dapat kung sabihin ang nalalaman ko.

Napatingin ulit ako kay Mommy. Pilit niyang pinipigilan ang pag iyak niya pero may luha paring kumakawala sa kanyang mga mata.

"M-Mom." Pag sisimula ko.

Lahat ng atensiyon nila ay bumaling sakin.

"Yes baby?" Naka ngiting saad ni Mommy habang naiiyak parin.

"N-Nakita kona po si Ate Zebby." Saad ko.

Nanlaki naman ang mga mata nila maliban kay Clint.

"Where? Saan natin siya mahahanap baby? Kamusta na siya? Ok lang ba siya? Kamukha niya ba ako? Yung Daddy mo?" Sunod sunod na tanong ni Mommy.

"Yung totoo po niyan Mom, nasa iisang campus lang kami."

"Talaga? Kung ganun kunin natin siya." Masayang saad ni Mommy.

Napa iling ako kaya napa kunot yung noo nila.

"G-Galit po siya satin Mom." Malungkot na saad ko.

Bigla namang tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ko.

"Ako na po ang bahala Mom, Dad. Pangako ko po na ibabalik ko si Ate Zebby." Pag papa gaan ko ng loob nila.

Ngumiti naman si Mommy at si Daddy naman ay naiiyak narin dahil sa natuklasan ko.

Kailangan kung maibalik si Ate Zebby samin. Matagal ng naulila sina Mommy at Daddy sa presensiya ni Ate Zebby kaya tama na 'to. Dapat na silang maging masaya.

_______________________________________________

Kinaumagahan ay maaga kaming pumasok ni Clint sa school. Gaya ng inaasahan ay marami nanamang mga students ang nag aabang samin sa gate.

Nang bumaba na kami ay nag simula na silang mag tilian.

"KYAHHHHH! THE SC COUPLEEE!"

SC? Ano yun?

Nag palinga linga ako sa paligid para hanapin si Ate Zebby. Napatigil ako sa gawi ni Blake. Naka ngiti 'tong naka tingin sakin kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti.

Agad din naman siyang kumaway sign na aalis na siya kaya tinanguan ko siya.

Tumaas naman ang balahibo ko sa batok ng biglang bumulong si Clint sa tenga ko.

"Don't smile to other guy. Nag seselos ako. Your smile is mine. Only mine." Bulong niya sakin na siyang mas ikina lakas ng hiwayan ng mga students na nanonood samin.

Namula naman ang pisnge ko dahil sa ginawa niya at nag simula naring kumabog ng malakas si heart na akala mo naman ay nagkaka rera.

Hinawakan niya agad yung kamay ko at hinila na papaalis dun sa mga nag kukumpulang mga tao.

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now