PROLOGUE

153 4 2
                                    

Si Solace ay hindi mapakali sa pagtitipa sa kaniyang cellphone nang mapansin ito ni Allyson

"Solace, ano ba 'yan kanina ka pa hindi mapakali, mag tatype ka sabay buburahin din" inis na sabi ni Ally sa kaniyang kaibigan na si Solace

"Kasi naman hindi ko alam kung dapat na ba akong mag confess kay Kent" gulat naman na napabangon si Ally mula sa pagkakahiga sa sofa dahil sa sinabing 'yon ni Solace

"Omg girl bakit ka naman aamin sa kaniya?" Tanong pa nito kay Solace

"Kasi curious siya kung sino ang gusto ko" sabi ni Solace na ikinakunot naman ng noo ni Ally

"Baka naman alam na niya at ramdam ka na niya kinukumpirma lang" animo nag iisip pa na sabi ni Ally

"Ewan ko, ally hindi ko alam, wait nga ichachat ko si Grey na pumunta rito"

"Edi lalo ka nalito sa magiging desisyon mo kapag nandito si Grey alam mo namang red flag enjoyer ang kaibigan natin na 'yon" natatawa pang sabi ni Ally

Pero pinagpatuloy lang ni Solace ang pag chat sa kaibigan niya at iniimbitahan na tumambay sa kanila, maya maya lang ay nakarating na rin si Grey na may dala pang pizza

"Nag dala na ako ng meryenda mukha namang may mahaba habang chika ang ating kaibigan na chikana" natatawa pang sabi ni Grey nang makapasok sa bahay nila Solace

"Nako 'yang kaibigan natin balak na mag confess kay Kent" nakairap pang sabi ni Ally kay Grey

"Hala siya seryoso ka ba, te" tanong naman niyo kay Solace na tumango lang sa kaniya

"Aba bakit ngayon lang? Akala ko nga nakaamin ka na sa kaniya kaya kahit mag puyat ka basta makausap siya e ayos na ayos ka"

"Hindi pa ako nakakaamin natatakot akong masira friendship namin" sabi naman ni Solace

"Mas mahirap naman kung ipagpapatuloy mo ang nararamdaman mo sa kaniya na akala niya kaibigan lang turing mo sa kaniya" singit sa usapan ni Allyson

"Alam mo, Solace. umamin na ka na nga sa kaniya para naman malaman mo kung pareho ba kayo ng nararamdaman o hindi, girl almost 4 yrs mo na siyang gusto kaya umamin ka na" sabi naman ni Grey

"Paano akong aamin e natatakot at nahihiya ako"

"diba ginawan mo siya ng tula?" tumango naman si Solace "edi ayon isend mo sa kaniya, hindi naman siya bobo para hindi magets 'yon e" dagdag sabi pa ni Grey

"Oo nga naman Solace, nakapaloob naman sa tula na 'yon lahat ng nararamdaman mo para kay Kent edi ayon na lang isend mo" pag sang ayon naman ni Ally

"Bahala na kung paano akong aamin basta kapag nag reply siya ngayon aamin na ako" sabi naman ni Solace sa dalawa niyang kaibigan

Nagulat naman si Solace sa biglaang pag vibrate ng phone niya napatingin naman ang dalawang kaibigan niya sa kaniya at pinakita niya naman sa dalawa na may message si Kent sa kaniya

1 new message

Kent Andrew Adler

Hi, Solace. Slr galing pa kasi akong school may inasikaso lang. Ano nga pala 'yung sasabihin mo sa akin kanina?

Pagkatapos basahin ni Solace ang message na 'yon ni Kent ay napatingin pa siya sa dalawa niyang kaibigan na nakibasa rin ng mensahe na ipinadala ni kent

"Ano sasabihin ko na ba sa kaniya na matagal ko na siyang gusto?" tanong ni Solace sa mga kaibigan niya

"Oo at kapag nireject ka sabihin mo joke lang o kaya survey lang 'yon para naman hindi masaktan ang pride mo" sagot naman ni grey na ikinangiwi ni solace at Ally

Youth CampWhere stories live. Discover now