SOLACE POV
"Your name really suits you, because you're my comfort, my assurance, my relief and my only Solace in exhausting world."
Muli kong inalala ang mga sinabi sa aking 'yon ni Kent, napangiti pa ako dahil do'n.
"Sabi na nga ba nandito ka e" nagulat ako nang sumulpot sa tabi ko si Grey kasama niya sila Nico, Ally at Emman
"Wala ka sa clinic mo, kaya alam naming nandito ka" sabi naman ni Ally
"I brought my guitar, tara kantahan tayo" suhestyon ni Nico
"Kantahin mo nga 'yung time machine" suggestion ni Emman
"Ang panget talaga ng taste mo, hon" inis na sabi ni Ally
"Hoy maganda kaya 'yon, diba?" tanong pa sa akin ni Emman at natawa naman ako
"Oo nga maganda 'yon" sabi ko
"Sige ako kakanta" masayang sabi ni Grey
"Lahat na tayo kumanta" nakangiting sabi ni Nico
"Wait lang ah, aralin ko lang chords nito" sabi ni Nico at tumango lang ako
"Miss na miss mo na siguro siya, kasi kahit kami miss na miss na rin namin siya e" malungkot na sabi ni Grey na yumakap pa sa akin
"Ano ba, Grey" suway ni Ally
"Sorry, love" sabi niya sa akin at ngumiti naman ako
"Miss na miss ko na talaga sobra sobra" nakangiting sabi ko pa at nakita ko naman si Nico na nakatitig sa akin
"Bakit?" tanong ko
"Sure kayong ito kakantahin?" tanong niya
"Oo nga" natatawang sabi ko at tumango naman siya at kumamot pa sa batok
Do you remember how it felt like?
I still remember how the days that end, the weeks and months
We were together for so long
I haven't noticed, that we're falling down too fast🎶Tahimik naman kaming nakatingin lang kay Nico at Grey na kumakanta.
If I could take it all back
I still want you by my side
If only I could bring you back to me
If I could go back in time
Promise we won't say goodbye
I never really moved on
No, not in time...🎶Sinabayan ko na sila sa pagkanta at napatingin naman silang lahat sa akin, seryoso silang nakatitig sa akin.
"Bakit, gandang ganda na ba talaga kayo sa boses ko?" natatawang tanong ko sa kanila
"Pshhh" singhal ni Grey at natawa naman kami sa kaniya
I wanna go back to the way we used to be
I wanna feel your skin, your lips so close to me
I wanna go back when I called you mine all the time
Every smile and every moment
If only I have (If only I have) a time machine🎶Nagulat ako ng hindi na ituloy ni Nico ang pag gitara niya, sumisinghot rin si Ally at Grey, habang tahimik naman si Emman.
"Ano ba kayo?" nakangiti pero naiiyak na rin na sabi ko
"Isang taon na ang nakakalipas pero ang sakit pa rin" umiiyak na sabi ni Grey
"Hindi pa rin ako makapaniwala" sabi ni Ally na yumakap pa kay Emman
"Ano ba naman kayo, kaya ayaw ko kayo isama rito e" natatawa pero lumuluhang sabi ko
Nagulat ako nang mahigpit na yakapin ako ni Grey at Ally, nakangiti naman akong niyakap sila pabalik, pagkalas nila sa yakap ko ay lumapit ako sa tahimik na si Nico, nagulat siya nang yakapin ko siya.
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...