GREY POV
"Baby, bilisan mo naman mag-ayos ng mga gamit mo, maya-maya lang pupunta na tayo kala Solace" sabi sa akin ni Nico sa kabilang linya
"Panay ka naman madali e, naaaligaga tuloy ako" singhal ko sa kaniya
"Kasi dapat kanina ka pa nag-ayos e" inis na sabi niya sa akin
"Hoy Nicholas, pumunta ka na kaya rito sa bahay at tulungan mo ako mag-ayos, puro ka na lang reklamo e" asar na talagang sabi ko
"Wait, kunin ko lang maleta ko" sabi niya pa
"Maleta pala dadalhin mo sana sinama mo na mga gamit ko sa'yo"
"Maliit lang 'to, kasya lang sa gamit ko, ikaw napakarami mong dala"
"Oh edi ikaw mag buhat nitong tatlong bag ko" sabi ko at binabaan siya nang tawag
Habang nag-aayos ako ng mga gamit na dadalhin ay may tumawag na naman sa akin, asar akong kinuha ang cellphone ko at nakitang si Solace iyon.
"Oh bakit babaita?" tanong ko habang sinasara ang zipper ng bag ko
"Nasaan na kayo ni Nico?" tanong niya
"Nasa bahay pa ako, hinihintay ko na lang si Nico, nandiyan na ba sila Ally?" tanong ko
"Si Ally at Emman, nandito na, ikaw, si Nico, Alenie, Lennox at Kent wala pa" sabi ni Solace
"Parating na kami, malapit na 'yon si Nico" sagot ko at binabaan na siya ng tawag
Habang hinihintay ang magaling kong boyfriend ay nag tingin tingin ako sa social media ng mga magagandang spot sa sagada, ngayong araw kasi ay mag babonding kami ng barkada sa sagada, sayang lang at umuwi na si Bright, dahil need na raw siya sa company nila kaya hindi siya makakasama.
Nagulat ako sa biglaang pag pasok ni Nico sa kwarto ko at kunot na kunot ang noo niya.
"Ilagay mo na rito mga gamit mo" sabi niya na tinuro pa ang malaking maleta na hawak niya
"Oh akala ko ba maliit dala mo?" natatawang sabi ko
"Malaki na dinala ko, ayoko magbuhat ng isang maleta at tatlong bag" sabi niya
Thank you, baby" malambing na sabi ko
"Thank you lang?" nakangising sabi niya
"I love you" sabi ko
"Tss, manhid" bulong niya kaya naman hinalikan ko siya sa pisnge na ikinangiti niya
Nang makarating kami kala Solace ay doon ko itinuloy ang pag sesearch ko, gaya ko ay tumitingin tingin din Ally sa phone ng magagandang spot.
"Where are the others?" tanong ni Nico
"Ang init naman ata ng ulo ng jowa mo" bulong sa akin ni Ally
"May period ata" bulong ko pabalik at nagtawanan kami
"Sabi ni Kent, malapit na siya, pero sila Alenie raw medyo mahuhuli kasi may binili pa" sagot lang ni Solace
"Ang ganda mo naman ngayon, love" papuri ko kay Solace
"Matagal na" natatawnag sagot lang niya
"Kanina pa kayo rito, dude?" mahinahon na tanong na ni Nico kay Emman
"Kanina pa, akala nga ni Ally late na kami e" natatawnag sagot ni Emman
"Ikaw nga ang nagmamadali diyan, hon e" singit sa usapan ni Ally
"Mga excited pala kayo e" natatawang sabi ni Solace
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...