SOLACE POV
Kinabukasan ay alas diez na ako nagising, kaya naman hindi na ako nakapag jogging pa, matapos ko maligo at mag asikaso ay bumaba ako, para makapag breakfast na. Pagkarating ko sa dining area ay wala si mama, pero may nakita akong sticky notes sa ref.
Mag breakfast ka na. Solace, i-microwave mo na lang kung tanghali ka magising, pumunta lang ako sa Tita Alice mo, dahil nagpapasama siya sa akin magpa massage.
Hindi na nga mainit ang hotdog at nuggets na breakfast ko kaya minocrowave ko 'yon, habang hinihintay 'yon ay biglang tumawag si Grey
"Oh, ang aga mo ata tumawag"
"Tanghali na. Solace, anong maaga?
"Oh, bakit ka nga napatawag?" tanong ko pa
"Ayon nga pupunta kami ni Nico mamayang lunch kala Kent"
"Bakit?"
"Inaapoy raw ng lagnat mula pa kagabi, tumawag ang kapatid ni Kent kay Nico, kaya ayon pupuntahan namin mamaya, sama ka ba?
"Hala anong nangyari?" tanong ko pa
"Inaapoy nga ng lagnat"
"Tss, sige sasama ako, nakaligo na rin naman ako at ito mag bbreakfast na, mag aayos na lang ako ng sarili after ko kumain"
"Bilisan mo kumilos ah, 11:30 susunduin ka na namin ni Nico"
"Si Ally ba makakasama?" tanong ko pa
"Hindi raw e, nagpapasama raw kasi mag pa check up mom niya"
"Ah ganon ba, sige sige" sabi ko at binabaan na siya ng tawag
Sakto rin naman na tapos na 'yung minicrowave ko, kaya nag simula na akong kumain, at matapos kong kumain ay nag asikaso na ako, dahil maya maya lang ay nandito na sila Grey. Matapos ko mag asikaso ay tumawag na ulit si Grey.
"Tapos ka na ba?" tanong niya agad pag sagot ko sa tawag
"Oo, okay na"
"Baka gusto mo na lumabas, kung ok ka na, nandito na kami sa tapat ng gate niyo"
"Sige, ito na" sabi ko pa at dali daling lumabas
"Kanina pa kayo?" tanong ko sa kanila nang makasakay ako sa back seat
"Sort of" sagot lang ni Nico
"Bakit tinrangkaso si Kent?" tanong ko kay Nico
"Ang sabi ni Alenie, gabing gabi na umuwi ang kuya niya at basang basa ng ulan, makikipagkita daw sana kay Colleen, mag papaalam siguro na aalis na siya mamaya, pero hindi sumipot si Colleen at ayon naabutan ng ulan si Kent, edi inapoy ng lagnat si loko" kwento ni Nico, na tumingin pa sa rear mirror para makita ako, at natahimik naman ako
Bigla naman akong nasaktan, nasasaktan para sa taong mahal ko, na nag hahabol sa taong mahal niya, at nasasaktan din para sa sarili ko, dahil ang taong mahal ko, ay may hinahabol na iba.
Nang makarating kami sa bahay nila Kent ay namangha pa ako sa ganda at laki non, first time ko lang kasi makarating dito. Nag doorbell si Nico at lumabas naman ang mukhang helper nila Kent.
"Oh Nico, nandiyan ka pala, pasok ka, ay may kasama ka pala, halikayo at magsipasok"
"Salamat Ate Dina" sabi ni Nico at tuluyan na kaming pumasok
"Nasaan po ang pasaway na alaga niyo?" tanong pa ni Nico
"Ay nandoon sa kwarto niya at hindi pa makabangon, dahil siguro sa sakit ng ulo, mainit pa rin ang isang 'yon" sagot naman ni Ate Dina
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...