SOLACE POV
Nang makarating kami sa penthouse na tutuluyan namin tsaka lang nagising si Kent. Siguro nga ay pagod na pagod talaga siya sa pag-aasikaso, siyempre dahil bukod sa gusto niya maging konportable kami pare pareho ay birthday celebration din 'to ng kapatid niyang si Alenie.
"Wow ang ganda rito" sabi ni Ally na iginagala ang mata sa tanawin sa bintana
"Grabe 'yung hamog ang kapal, parang mukha ni Nico" natatawang pang-aasar ni Grey sa boyfriend niya
"The fog is cold, parang ikaw" tinuktukan pa ni Nico ang noo ni Grey matapos sabihin 'yon
Pare pareho na lang kami natawa sa dalawa, sanay na kami sa kanilang dalawa, parang aso't pusa pero makikita mo maya maya sila na 'yung nagkkwentuhan na parang walang nangyari.
"Did you like it here?" tanong ni Kent at tumango naman ako
"Gustong gusto" nakangiting sagot ko
"What about me" tanong pa niya
"Ha?" nagtataka kong tanong
"Nevermind, slow" nakangiting sabi lang niya
"Where is Alenie, dude?" tanong ni Nico kay Kent
"I don't know either, baka may binili lang" sagot ni Kent
"Mag ayos na tayo para pagdating niya party party na" excited na sabi ni Nico
"Yes. let's fix what needs to be done, balloons and so on" sabi ni Kent
Nagpresinta kami nila Ally at Grey na kami na ang mag dedecorate, si Ally ay inaayos ang curtain, habang si Grey naman ay inaayos ang happy birthday na ididikit namin sa curtain para maging background mamaya sa pagpipicture, at ako ito inaayos ang mga lobo.
Simple celebration lang ang gusto ni Alenie, kaya kami kami lang din ang nandito, ang dalawang bestfriend din daw kasi niya ay parehong nasa Japan kaya nag celebrate na lang siya na kami ang kasama.
Dumating na nga ang mga pagkain na inorder ni Kent, masyadong marami 'yon para sa aming walo, pero sabi niya ay sakto lang 'yon, hindi rin daw siya umorder ng mga madadaling mapanis. Nandito na rin si Lennox at Alenie na bumili lang pala ng cake, hindi pa nga nila inaasahan na makikita na nila kami kasi akala nila ay hindi pa kami nakakarating, mas lalong hindi inaasahan ni Alenie na may decoration pa kaya naman tatawa tawa siya nung makapasok, ang corny raw ng kuya niya.
"Happy Birthday" bati namin ni Ally, Grey at Emman na inabot pa namin ang mga regalo namin sa kaniya
"Thanks" nakangiting sabi ni Alenie na niyakap pa kami isa-isa
"Happy Birthday, baby girl" bati ni Nico na hinalikan pa sa noo ang pinsan niya
"I told you, I'm not baby girl anymore" nakangusong sabi ni Alenie pero yumakap kay Nico
"Happy Birthday, not baby girl anymore" natatawang bati ni Kent sa kapatid at kumunot noo naman si Alenie at ngumiwi
"Simula ng maging kayo ni Ate Solace, lalong pumanget mga joke mo" sabi ni Alenie na umirap sa kuya niya
Napatingin naman silang lahat sa akin maliban kay Kent na hindi malaman ang gagawin, kaya naman pinamulahan ako ng pisnge sa kakahiyan dahil sa sinabing 'yon ni Alenie, hindi ko alam na alam na pala niyang kami na ng kuya niya.
"Shut up, and give me a hug" sabi lang ni Kent na pinapalapit si Alenie sa kaniya
Lumapit si Alenie sa kaniya at yumakap nang mahigpit, hinalikan naman siya sa pisnge ni Kent.
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...