SOLACE POV
Nandito kami ngayon sa Discovery Hotel sa Ortigas kung saan gaganapin ang simple birthday celebration ni Kent. Kasama namin ang barkada maging si Alenie at Lennox.
"Solace, tulala ka na naman" sabi ni Ally na inaabot sa akin ang isang lobo
"Aba dalian mo para pagdating ni Kent dito ay tapos na tayo mag decorate, aasikasuhin pa natin 'yung mga foods oh" sabi rin ni Grey na nag aayos ng mga dinedecorate namin
"Oho ito na nga oh" sabi ko na astang lalagyan ng hangin ang lobo ng biglang magsalita si Nico
"Seryoso ba Alenie?" malaks na sabi ni Nico na tipong lahat kami napatingin sa kaniya
"Yes, nandito sa pinas si kuya Bright" sagot lang ni Alenie
"Sinong Bright 'yan?" sabat ni Grey
"Pinsan nila Kent" sagot lang ng boyfriend niya
"Oh edi pinsan mo rin?" taas kilay na tanong pa ni Grey
"No, pinsan siya nila Kent sa father side, pero pinsan na rin turing namin sa isa't-isa" nakangiting sagot ni Nico
"Okay" sagot lang na ni Grey at pinagpatuloy na ang ginagawa
"Kailan pala siya umuwi rito?" dinig naming tanong pa ni Nico
"Nung nakaraan pa raw, but he's staying at hotel" walang ganang sagot ni Alenie
"Nasaan siya ngayon?" makulit na tanong pa ni Nico
"He is in kuya Kent's office, maybe kuya will take him here when he finishes his work" sagot ni Alenie
"Nice makakabonding natin ulit siya" masayang sabi pa ni Nico at napailing naman si Grey
After namin mag decorate at iprepare ang mga pagkain, ay nagpahinga lang kami saglit at muling nag-ayos ng mga sarili, nagladlad ng buhok si Grey, at kinulot naman niya ang dulong bahagi ng buhok ni Ally, at ang sa akin naman ay pinakulot ko lahat sa kaniya, pare pareho kaming apat nila Grey, Ally, Alenie at ako na mga naka white dress, habang naka brown polo naman si Nico, Emman at Lennox, sa pagkakaalam ko ay binigyan din nila ng polo na katulad sa kanila, tumanggi nga raw ito nung una pero banafang huli ay napilit din nila.
Habang nagtatawanan kami dahil sa pare-parehong suot namin ay siyang pag dating ni Kent at ng isang lalaki, tulad nila Nico ag naka brown nga rin si Kent maging ang kasama nito na familiar sa akin.
"Ikaw? You?" parehong sabi namin nung lalaki ng makita namin ang isa't-isa
"Hi. Ms taken" mapang-asar na sabi nito
"You know each other?" takang tanong ni Kent
"Slightly" 'yung lalaki ulit ang sumagot at napairap naman ako
"Hey, dude. I miss you" biglang sabi ni Nico at niyakap 'yung lalaki
Pinakilala ni Kent ang bawat isa sa amin doon sa pinsan pala niya, at ganon din pinakilala niya ito sa amin.
Siya lang naman 'yung lalaki na nakita ko sa Okada, yung lalaki na bigla bigla akong kinakausap, at malakas mang-asar.
"Ang ganda ng girlfriend mo, Nico" sabi ni Bright
"Thanks" sagot ni Grey
"Don't compliment her, baka lumaki ulo" parinig ni Nico at mahinang tinadyakan naman siya ni Grey kaya natawa ang lahat sa kanilang dalawa
"Why are you silent. Ms taken?" biglang tanong nito sa akin
"P'wede ba? My name is Solace" inis na sabi ko
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...