Chapter 25

11 2 0
                                    

SOLACE POV

FIGUEROA, SOLACE CLAIRE A.
CUMLAUDE

Nang tawagin na ang pangalan ko, nag ngitian muna kami ni mama at dad, bago umakyat ng stage.

"I'm so proud of you, anak" sabi ni dad na hinalikan pa ang noo ko pagkababa namin

"So do I, darling. Very much proud of you" sabi din ni mom na humalik naman sa pisnge ko, at bumalik na kami sa kaniya kaniya naming pwesto

Nagpatuloy ang ceremony at hindi ko naman mapigilan ang halo halong pakiramdam, nandoon ang saya kasi nakapag tapos na ako, pero may lungkot dahil mamimiss ko ang mga kaklase ko, mga prof, maging ang University of Santo Tomas, ang aking Alma Mater, kinakabahan din ako para sa bagong journey na kahaharapin ko. Sabay nga pala ang graduation namin ni Ally, kahit pa Nursing siya at Psychology ang course ko, kasama niya ang mom at dad niya pati na rin ang parents ni Emman na gumraduate rin ngayon, habang ako ay kasama ko naman si mom and dad pati si Grey.

GARCIA, ALLYSON D.
MAGNA CUMLAUDE

Nang marinig kong tinawag na ang pangalan ni Ally ay napatingin pa ako sa stage, sobrang ganda ni Ally habang sinusukbit sa mom niya ang nakuhang medalya, sobrang proud ako kay Ally, dahil gaya ko ay nakapag tapos na rin siya.

"Congratsss. Solaceeeee, my loveeee" sigaw ni Ally na papalapit sa akin, nung matapos ang Graduation Ceremony

"Congrats din, loveeee" sabi ko na yumakap pa sa kaniya

"Tara labas na tayo, magkakasama na sila mom at tita" sabi niya at nag punta na nga kami sa labas

"Congratssssss, mga mahalllll kooo" mahabang sabi ni Grey na niyakap pa kami pareho ni Ally

"Ang higpit mo lagi yumakap nakakasakal" sabi ko nung kumalas na kami sa yakap

"Kaya nga, kung yumakap pa ay sa leeg, parang gusto pumatay" reklamo rin ni Ally

"Ah ganon, kampihan na naman kayo? Pasalamat kayo Graduation niyo kaya hindi ko kayo papatulan" inis na sabi ni Grey at natawa naman kaming lahat sa kaniya

"Saan kayo magcecelebrate niyan, Shyra" tanong ng mom ni Ally sa mom ko

"Pupunta kami sa MOA, baka kumain na lang kami sa vikings, kayo ba. Annalyn, saan?" balik tanong ni mom sa mom ni Ally

"Doon na lang din siguro, hindi na rin kasi kami nagpaparty dahil ayaw ni Allyson" nakangiting sagot ni tita

"Ganon din si Solace, gusto niya lang kumain sa labas kasama kami ng dad niya" sagot ni mama

"Sasama po si Nico, wait po natin siya, papunta na rin po siya rito" singit sa usapan ni Grey

"Sinong Nico naman 'yon?" tanong ni Tita Annalyn

"Ah boyfriend ko po, tita" nahihiyang sagot ni Grey

"Weh, ikaw ba ay hindi nag aassume lang" pang aasar ni tita at natawa naman kami

"Tita, sabay po nang pag graduate ko sa pag-aaral, ang pag graduate ko bilang delulu" sabi ni Grey

"Oh ayan na pala si Nico e" sabi ko nung makita si Nico na papalapit sa amin

"Goodmorning po" magalang na bati ni Nico sa parents namin ni Ally

"Ikaw ba ang boyfriend nitong si Grey Ann?" tanong ng mom ko

"Yes po, tita" nakangiting sagot ni Nico

"Hindi ba sumasakit ang ulo mo sa batang 'yan? Sakit ng ulo namin 'yan e" pang-aasar ni Tita Annalyn at sumiring lang si Grey

Youth CampWhere stories live. Discover now