Solace POV
Isang linggo matapos ang birthday ni Nico, ay nabalitaan na lang namin na gumraduate na si Kent, dalawang araw bago ang graduation ni Grey, binati namin siya sa social media accounts niya, pero wala kaming natanggap na sagot, naisip ko na lang na busy siya, nandito sa bahay si Ally, sumunod din naman dito si Grey, matapos ko siyang papuntahin dito sa amin, nag reply rin sa akin si Kent kaya naman naisipan ko na umamin sa kaniya, dahil na rin pinilit ako ni Ally at Grey.
To: Kent Andrew Adler
Para sa'yo, Oo, sayo dahil matagal na kitang gusto, almost 4yrs na
"Burahin ko na kaya?" tanong ko pa kala Ally at Grey dahil hindi ako mapakali
"Na send mo na e macucurious pa 'yon, kapag nakitang may unsent message" sabi pa ni Ally
"Loko 'yon si Kent dinamay pa boyfriend ko" sabi ni Grey
"Wow feel na feel ang boyfriend" tukso naman ni Ally
"Siyempre" natatawang sagot ni Grey
Kent Andrew Adler typing...
"Hala, hindi mo na talaga mabubura dahil naseen niya na at ayan typing na ang lolo mo" sabi ni Grey na lalong nakapagdagdag sa kaba ko
1 new message
Kent Andrew Adler
Are you serious?
"Ano ba 'yan manhid ka ba o shonga shongahan ha" nagulat kami ng sabihin ni Grey 'yon matapos namin basahin ang message ni Kent
To: Kent Andrew Adler
Almost 4yrs na nga e kaya sigurado na ako, ano ka ba naman
"Ay ang lola mo nagalit na, siya lang naman 'tong umaamin" bulong ni Grey na narinig ko naman kaya inirapan ko siya
"Iyong kaba ko napalitan agad ng inis, kwestyunin daw ba kung seryoso ako o hindi e" inis talagang sabi ko
1 new message
Kent Andrew Adler
Thank you for liking me, Solace. I appreciate your feelings for me, but sorry, I'm in healing stage right now. I got rejected to the woman I like. I want to entertain your feelings for me but I'm afraid I might hurt you.
Kent Andrew Adler typing...
"Hala Solace" sabi ni Ally na yumakap pa sa akin
"Ayan typing ulit" sabi ni Grey na yumakap din sa akin
1 new message
Kent Andrew Adler
Let's stay friends for now, because I don't want to hurt you, that I might not reciprocate the way you feel for me. I hope you're ok. I will pray for you
Naramdaman kong lalong humigpit ang yakap sa akin ng dalawa kong kaibigan, kaya naman marahan kong inalis ang mga kamay nilang nakayakap sa akin.
"Sandali rereplyan ko siya" may pilit na ngiting sabi ko sa kanila
To: Kent Andrew Adler
I told you so you know, not to reciprocate my feelings for you. thank you for being honest, I hope you are ok too, I will also pray that you will heal.
Pag tapos ko siya replyan ay nag offline na ako, at doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan
"Bakit kahit hindi niya nasuklian 'yung nararamdaman ko, patuloy ko pa rin siyang ginugusto?" humihikbing sabi ko kaya naman yumakap muli 'yung dalawa sa akin
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...