SOLACE POV
Agad akong napabangon ganon din si Grey, dahil sa sabay sabay at malalakas na tunog ng alarm ng mga kasama namin.
"Ayos lang pala na hindi tayo nag alarm e, kasi magigising pala tayo sa alarm ng iba" paos pang sabi ni Grey
"Oo nga, grabe ang sakit sa tenga sabay sabay pa talaga oras na inalarm nila" kukusot kusot sa matang sabi ko naman
"Si Ally ang tinde, hindi natinag, aba tulog na tulog pa"
Napatingin naman ako kay Ally at tama nga si Grey tulog na tulog pa si Ally habang nakatigild
"Gisingin ko na muna 'yon, para makaligo na at marami pang maliligo" paos na sabi ni Grey at pinuntahan na nga si Ally
"Solace gusto niyo mauna maligo ni Grey?"tanong pa ni alyana
"Ah mauna na kayo, sabay sabay na lang kaming tatlo nila Grey at Ally" nakangiting sagot ko
"Sige, sabay din kasi kami ni Allysa, pag tapos namin kayo na" sagot niya at tinanguan ko naman siya
"Solace, sabay sabay na tayo maligo" biglang sabi ni Ally
"Ang bilis mo naman magising, oo sinabi ko na rin kala Alyana, next tayo sa kanila"
"Paanong hindi bibilis magising e hinampas ni Grey 'yung p'wet ko nang malakas"
"Siyempre tulog mantika ka" sabi naman ni Grey
"Wow nakakahiya naman sa'yo" sagot naman ni Ally na inirapan pa si Grey
"Ayusin ko lang toiletries ko" sabi ni Grey at inayos nga ito
"Bakit naman ngayon mo lang aayusin?" tanong ko pa
"Inayos na natin 'to bago umalis, ikaw pa nga katulong ko 'diba? Checheck ko lang baka may nakalimutan ako" sagot naman niya
"Solace, kayo na" sabi ni Alyana na kalalabas lang ng cr
"Oh ano Grey hindi ka pa ba tapos mag check?" tanong ko pa
"Hala girl, hindi ako nakapag dala ng conditioner"
"Bibigyan na lang kita, malaki naman 'tong dala ko e, tara na baka maunahan pa tayo ng iba" sabi ni Ally na nag tungo na sa cr at sumunod naman kami sa kaniya
"Ano ba Ally, huwag mo ako basain" inis na sabi ko
"Anong huwag basain e maliligo naman tayo" sabi pa niya na nakakunot ang noo
"Ayan ang trip Solace Claire HAHHAHAHA" malakas na tawa naman ni Grey
"Bilisan niyo na nga riyan" inis naman na sabi ko
"Hoy babaita, ikaw ang hindi pa kumikilos diyan, kaya dapat sarili mo ang pinag mamadali mo" sabi ni Grey na binuhusan pa ako ng tubig
Nang matapos kaming maligo ay kaniya kaniyang ayos na kami ng mga itsura namin bago bumaba
"Solace, tara beh, lagyan kita ng konting eye shadow dali" tawag pa sa akin ni Grey
"Ayoko nga" sagot ko naman
"Dali na, konti lang naman e para lang magkabuhay 'yang mata mo"
"Ayoko nga kulit"
"Dali na lalagyan ko rin si Ally at pumayag siya" doon naman ako nagulat
"Mag papalagay ka ng eye shadow, Ally?"kinokompirma ko pa kay Ally
"Oo. Konti lang naman e, manipis lang" sagot naman niya
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...