Chapter 35

7 1 0
                                    

SOLACE POV

Nandito kami sa mall ni Allyson ngayon at hinihintay si Grey na nasa work pa, sabi niya ay mag half day lang siya sa work para makasama kami ni Ally mamili ng susuotin namin para mamaya sa dinner sa bahay nila Kent, kinakabahan ako pero excited at the same time.

"Ito love, bagay na bagay sa'yo ang pink dress" sabi ni Ally na nilagay pa sa harapan ko ang pink na dress

"Ayoko ng pink, Ally" reklamo ko naman

"Bakit naman?"

"Babaeng babae ako tignan diyan, hindi naman ako sobrang kikay" sabi ko pa

"Sige 'yung yellow na lang, huwag ka na umarte dahil favorite color mo naman 'yon" sabi niya pa na kinuha ang dress na 'yon

Habang hinihintay si Ally ay tumawag si Grey

"Nasaan na kayo? Kanina pa ako tumatawag" bungad ni Grey sa kabilang linya

"Nandito kami sa Uniqlo, sa 3rd floor, ikaw ang nasaan na?" balik tanong ko sa kaniya

"Sige pupunta na ako riyan" sabi lang niya ag binabaan pa ako nang tawag

"Sino 'yon? Si Kent?" tanong ni Ally

"Si Grey, nandito na ata siya, papunta na" hindi rin siguradong sagot ko

"Nakakaloka, kanina pa ako rito sa mall, nandito lang pala kayo" sabi ni Grey matapos kaming makita

"E bakit kasi hindi ka tumawag agad" sabi naman ni Ally

"Baka ilang beses ko na kayo tinawagan at kayo itong hindi sumasagot" asar na sabi ni Grey

"Shala nakapili na kayo ng dress matchy matchy pa kayo ah" natatawang sabi pa ni Grey

"Kinuhanan ka na rin namin kulay gray sa'yo" natatawang sabi ni Ally na inabot ang dress kay Grey

"Ayoko ng kulay gray pang patay na kulay" reklamo ni Grey

"Anong pang patay, ang ganda kaya" sabi ko naman

"Oh edi hindi na pang patay, pero kasi ang kukulay ng inyo tapos akin ganito, yellow sa'yo at pink kay Ally, 'yung blue na lang akin or green" sabi niya na kumuha pa ng ibang kulay na dress pero gaya ng design ng sa amin

"Hindi ka hinatid ni Nico rito? Nag grab ka lang, love?" tanong ni Ally kay Grey

"Hinatid niya ako pero umalis din, may aasikasuhin daw siya sa office, dahil may bago na naman siyang project, alam niyo na mayabang ang mga engineer" natatawang sabi ni Grey

"Bakit ba kasi hindi mo pa gamitin ang sasakyan mo Grey, may lisensya ka naman na, magaling ka pa mag drive" sabi ko naman kay Grey habang naglalakad papuntang restaurant

"Gusto kasi ni Nico na ihatid sundo niya ako, naaawa na nga ako roon kasi inuuna niya pa ako ihatid at kahit pagod siya sa work sinusundo pa ako, kaso makulit 'yung bading ko na 'yon, ayon na lang daw ang bonding namin, kaya hinahayaan ko na siya sa gusto niya" paliwanag ni Grey

"Ganon din si Emman sa akin, wala e ang gaganda natin kaya hatid sundo tayo ng mga boyfriend natin" natatawang sabi ni Ally

"Ikaw Solace kahit huwag mo na sabihin dahilan mo, dahil alam na alam na namin, wala kang license dahil tamad ka kumuha, at hindi ka marunong mag park" natatawang pang-aasar sa akin ni Grey at Ally

"Edi kayo na magaling mag drive, tss" asar na sabi ko na lalong ikinatawa nila

Kumain kami sa mall at nag libot libot ulit, panay tingin kami sa mga botique na nakikita namin, siyempre ang dalawang kasama ko ay mahilig sa shopping kaya ayan lahat ng mapasukan namin ay lalabas silang may binili mula sa shop na 'yon.

Youth CampWhere stories live. Discover now