Chapter 1

41 2 0
                                    

SOLACE POV

"Excited na ako sa camp bukas" nakangiting sabi ni Ally

"Lalo naman ako, dahil first time ko lang din makakapag camp" usal naman ni Grey

"Nako sinasabi ko sa inyo napakasaya mag camp, oh ikaw, Solace. Excited ka na rin ba?" tanong pa ni Ally

"Excited pero kinakabahan din" sagot ko naman

"Oh e bakit ka naman kinakabahan" sabay na tanong pa nila

"Siyempre hindi lang naman tayo tayo ang nasa camp na 'yon, 'diba? Meron pang galing ibang churches"

"Oh e ayaw mo non makakapag boy hunting tayo" animong kinikilig na sabi pa ni Grey

"Hoy sinasabi ko sa'yo kung lalaki lang din ang ipupunta mo sa camp huwag ka na sumama, Grey" pairap na sabi pa ni Ally

"Ikaw talaga puro ka kalokohan, Grey. Pupunta tayo roon para mag palakasan" sabi ko naman

"Oo nga mag palakasan sa pag hahanap ng lalaki" natatawang sabi niya pa at binatukan ko naman siya na ikinagulat niya

"Alam mo kailangan mo talagang makapag camp para makarinig ng salita ng Diyos para magkaroon ka naman ng character development" asar na sabi ni Ally

"Masyado kayong seryoso, joke lang naman e. tss" usal pa ni Grey

Totoong masaya ako na this year makakasama na ako sa camp, last year kasi hindi ako pinayagan ni mama kasi bago pa lang ako sa church na pinag aattendan ko.

"Solace, ayos na ba lahat ng gamit mo para bukas?" Dinunggol pa ni Grey ang balikat ko ng itanong niya 'yon

"Ayos naman na"

"Edi p'wede mo na pala ako tulungan sa pag aayos ng gamit ko?" Tanong pa niya

"Ikaw ang excited tapos hindi pa pala ayos ang gamit mo, puro kasi lalaki nasa isip mo e" natatawa pang sabi ko at sinimangutan naman niya ako

"Tulungan mo na lang ako dali, ayaw kasi ako tulungan ni Allyson e"

Dahil sa kakakulit niya ay tinulungan ko na lang siya na mag ayos ng mga gamit na dadalhin niya para bukas, para sa tatatlong araw na camp napakarami naman niyang dala na akala mo mag tatravel sa ibang bansa.

"Thank you sa pag tulong mag ayos ng mga gamit ko, Claire. I love you" sabi ni Grey matapos namin ayusin ang mga gamit niya

"Tigilan mo nga kakatawag sa akin ng Claire" asar na sabi ko naman

"E bakit ba pangalan mo rin naman 'yon"

"Grey, p'wede ba kahit saglit lang itikom mo 'yang malaki mong bibig" singit naman ni Ally na kagagaling lang sa kusina

"Alam mo Ally kailangan mo talaga makapag camp para magkaroon ka naman ng character development" natatawang pang-aasar pa ni Grey

"Aba't nang gagaya ka ng linya ah" natatawa ring sabi ni Ally

"Kung wala na kayong gagawin p'wede bang matulog na tayo? Para naman maaga tayong magising bukas at hindi malate, kasi nakakahiya naman kala ate Janine kung hanggang sa camp ba naman malelate pa tayo" inaantok na sabi ko

"Excited lang 'yan e" dinig kong bulong ni Grey kay Ally

11pm na at natulog na kaming tatlo dahil ayaw namin malate pare pareho, dito nga pala kami sa bahay nila Allyson natulog kasi mas malapit 'to sa church namin at doon ang meeting place namin para bukas.

Youth CampWhere stories live. Discover now