SOLACE POV
"Solace, hingiin mo 'yung team id ni Kent, para may remebrance ka" bulong sa akin ni Ally na sinang ayunan ni Grey
"Nahihiya ako, paano kung hindi ibigay?" tanong ko pa sa kanilang dalawa
"Ganito na lang, kapag binigay niya 'yon, ibig sabihin gusto ka niya, at kapag hindi niya binigay edi hindi ka niya gusto" sabi naman ni Grey na ikinairap ko
"Huwag mo nga dinadaan daan sa ganiyan ang nararamdaman ng isang tao" sagot ko naman
"Sige na Solace, hingiin mo na" utos pa ni Ally at lumapit naman ako kay Kent na nasa swing
"Kent, p'wede ko ba mahingi 'yung id mo?" nahihiyang tanong ko at tumingin naman siya sa akin
"Why?" tanong pa niya
"Para lang remembrance" nahihiya pang sabi ko
"Sorry Solace, but I'm collecting my IDs, because it's also a remembrance of the youth camp I attended" sabi naman niya at napatango lang ako
"I'm sorry" sabi niya pa ulit
"It's ok" nakangiti ko pang sabi at lumapit kala Ally at Grey
"Oh ano, binigay ba?" tanong ni Grey
"Nasaan, binigay ba niya?" tanong din ni Ally
"Hindi nga e, kasi kinokolekta niya raw mga id niya, para rin may remebrance siya ng youth camp" malungkot pa na sabi ko
"Ay nako Solace, hindi ka niya gusto" nang aasar pa na sabi ni Grey
"Pake ko sa kaniya, tss" nakangusong sabi ko naman
"Si Kent oh kasama 'yung maputing pinagseselosan mo" biglang sabi ni Grey
Napatingin naman kami ni Ally sa itinuro ni Grey, doon ko nga nakita na magkausap si Kent at 'yung babaeng maputi, kunot ang noo nung babaeng kausap niya habang siya naman ay ngiting ngiti rito
"Wala palang pakialam ah" pang aasar ni Ally
"Paul, pahiram nga ako niyang gitara mo na 'yan" napatingin kami kay Grey matapos niyang hiramin ang gitara ni Paul
"Huwag mo sirain ah" sabi ni Paul habang binibigay kay Grey ang gitara niya
"Kaya kitang ibili nito kahit tatlo pa, basta siguradong maipupukol ko muna 'to sa ulo mo" natatawang sagot naman ni Grey
"Huwag ka na nga manghiram, akin na 'yan" bawi ni Paul sa gitara niya
"Joke lang e, doon ka na, ibabalik ko na lang pag tapos ko gamitin" sabi pa ni Grey at inuutusan na umalis na si Paul
Bigla namang nag strumming si Grey sa gitara at tatawa tawang tumingin sa akin, kaya inirapan ko na lang siya
"Anong trip mo?" tanong ko pa sa kaniya
Walang iba pang shoshonga, kay Solace na tropa namin🎶
Mabagal iyong kinanta ni Grey at natawa naman si Allyson at umirap lang ako
Kahit walang karapatan siya ay nag seselos pa lagi🎶
Natatawa pa siya habang kumakanta
Minsan nga rin, gusto ko na siyang mabatukan
Mag advice ka man, hindi ka rin pakikinggan🎶Bigay todong kanta pa niya na ikinainis ko
Ang shonga shonga lang ahhh🎶
Nagulat ako na sumabay pa si Ally sa pag kanta non, kaya naman mahina ko silang binatukan
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...