SOLACE POV
FOUR YEARS LATER
Apat na taon na ang lumipas ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko kay Kent. Si Ally ay 2yrs in a relationship na with Emmanuel, her classmate. Si Grey naman ay puro pag-aaral lang ang inaatupag, nireject niya si Nico nung nag confess 'to sa kaniya, pero ang sabi ni Nico ay hihintayin niya si Grey hanggang sa maging ready na 'to. Habang ako ito sinusubsob ang sarili sa pag-aaral dahil last sem na at malapit na akong gumraduate.
"Girls, sa tingin niyo pupunta na si Kent this time?" tanong ni Ally at nag kibit balikat naman kami ni Grey
"Ilang beses na ba natin siya ininvite, pero hindi siya nag papakita? Oo alam natin na busy siya sa pag-aaral, ganon din naman tayo ah, pero bakit hindi niya mabigyan ng konting oras ang pagkikita kita nating lima. tss" inis na sagot ni Grey
"E kasi nga 'diba hindi kaya ng sched niya? Super hectic daw ng sched niya, ayon ang sabi sa atin ni Nico" sagot ko naman at umirap lang si Grey
After 4 yrs kasi madalang na namin makasama si Kent tuwing magkikita kita kami, lagi niyang reason ay busy siya sa acads o 'di kaya ay hindi kaya ng sched niya, at iniintindi na lang namin 'yon, dahil may isang beses siyang pumunta e halatang puyat naman siya kaya ang ending ay nakatulog lang siya sa kalagitnaan ng pag momovie marathon namin, may isang beses naman na pumunta rin siya pero umuwi rin agad dahil tatapusin daw niya ang thesis niya, after non hindi na siya sumama sa amin.
"Hindi na ako nag eexpect na pupunta siya, pero kung makakarating siya ay mas masaya" sabi ni Grey at nag simula na naman gawin ang activity niya sa laptop niya
"Pero sana pumunta siya kasi birthday ng pinsan niya 'yon, ni Nico" sabi naman ni Ally at nag simula na rin mag kalikot sa laptop niya
"Sana nga dumating siya, imemessage ko na lang siya, mamaya" sabi ko pa at napatingin naman sila sa akin
"Hindi ka pa rin nawawalan ng pag-asa sa kaniya e no, hindi ka nag sasawang imessage siya kahit walang kasiguraduhan kung makakapunta siya" biglang sabi ni Grey at tinignan ko lang siya
"Mamaya mo na siya imessage Solace, tapusin mo muna mga dapat mong gawin" sabi ni Ally at sinunod ko naman siya
Nandito kami ngayon sa bahay namin, napag pasyahan namin sabay sabay na namin gawin ang Activity namin sa school, para mamayang gabi sa party ni Nico ay sabay sabay rin kaming pumunta
"Oo, nag hihintay na lang kami ng grab, wala kasing maghahatid sa amin papunta riyan, ha, asa ka, sige na babye. Happy birthday, bading" dinig naming sabi ni Grey habang may katawagan sa phone
"Hindi makapag hintay si bading na makita ang mga ganda natin for tonight's videowww" sabi niya matapos namin siya tignan
"Hindi ba talaga tayo masusundo ni Emmanuel at hindi rin ba talaga siya makakasama?" tanong ko kay Ally
"May biglaan kasi silang Activity na kanina lang ibinigay kaya hindi siya makakasama, nasabi ko na rin naman kay Nico na hindi makakasama si Emman" sabi naman ni Ally
"Ito nakapag book na ako ng grab" biglang sabi naman ni Grey
"Ang daming arte kasi ni bading e, akala mo debut niya may paparty pa, e bente dos naman na siya" singhal pa ni Grey
"Ikaw ba, wala pang balak sagutin si Nico? ok naman na ako ah, nasa healthy relationship na nga ako e" natatawang sabi ni Ally at ngumiwi naman si Grey
"Sasagutin ko siya after graduation, para naman kahit ipakilala ko siya kay daddy, e wala na siyang palag dahil tapos na ako ng college" natatawang sabi ni Grey na ikinatawa rin namin
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...