Chapter 5

26 3 0
                                    

ALLYSON POV

Pag tapos ipaliwanag ni ate Janine ang activity na gagawin namin ay napag pasyahan din namin ng mga teammate ko na magpakilala sa isa't-isa, at doon ko napag alaman na Nicholas pala ang pangalan ng lalaki na nag bigay sa akin ng white flower kanina sa bus. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya nang itaas niya ang kamay niya

"I will draw our flag" suhestyon niya

"Sige sige tutulungan ka namin at ang mga girls naman ang gagawa ng chant natin" sabi ni Luke na sinang ayunan naman namin

Nang matapos namin magawa ang chant ay tinignan naman namin ang iginuguhin ni Nicholas, ang galing niya mag drawing, iginuhit niya ay mga kamay na patong patong at may iba iba ang kulay, may maitim, maputi at katamtaman na kulay lang.

"Bakit ganiyan ang idinrawing mo, Nico?" tanong ni Kyla sa kaniya.

Sa pagkakatanda ko si Kyla 'yung nakikipag kwentuhan sa attic na may gusto kay Nico so si Nicholas pala ang tinutukoy niya

"Because Shalom means peace" maiksing sagot naman ni Nicholas

"Ah oo nga naman, galing mo talaga mag drawing" nakangiti pang sabi nito kay Nicholas

"Thanks, Kyla" sagot naman nung isa

Sa 'di kalayuan nakita ko si Grey at Solace, mukhang tapos na sila sa chant nila maging sa flag nila dahil nakaupo na silang lahat, pero naagaw ang pansin ko ni Solace dahil titig na titig siya sa katabi nitong lalaki

"Allyson tara na magpapractice na tayo ng chant kasama sila Nico" tawag sa akin ni alyana

"Ah oo sige" sagot ko naman at tuluyan na akong nag punta sa kanila

"Grabe ang galing mag drawing ni Nico pati ba naman sa pag sayaw magaling din siya, ano kaya ang hindi niya kayang gawin?" rinig kong bulong ni kyla kay Allysa

"Masyado kang halata na gusto mo siya" irita namang bulong ni Allysa

"Bakit ikaw ba hindi mo siya gusto?" tanong pa ni Kyla

"Hindi, si Luke kasi ang gusto ko, sumuko na rin ako kay Kent kasi suplado 'yon" sagot naman ni Allysa

"Si Ella gustong gusto pa rin si Kent"

"Parang ikaw gustong gusto pa rin si Nico"

Hinayaan ko na sila at hindi pinakinggan, itinion ko na lang ang atensyon ko sa pag sasayaw ng aming chant.

"Okay, Campers. Time is up! Ngayon naman ay ipakita niyo na sa amin ang inyong chant pati na rin ang inyong flag at ipaliwanag kung bakit iyon ang inyong iginuhit" sabi ni ate Janine

"Okay ang mauunang team ay ang team Rapha" sabi naman ni kuya Alas na itinaas pa ang kamay

Mabili natapos sa pag sayaw at pag kanta ng chant nila ang team Rapha, tapos na rin nila ipaliwanag ang kanilang flag kaya naman muling nag salita si kuya Alas

"Mahusay team Rapha, next team naman ay ang team Nissi" magiliw pang sabi ni kuya Alas

"123, 123, 123 go, go, go team Nissi go, go, go team Nissi. We are, we are, we are Nissi, Nissi, Nissi THE GOD'S CHILDREEENNNNN" sigaw naman ng mga team Nissi at natawa naman kami sa kanila

Matapos non ay pinaliwanag na rin nila ang kanilang flag at sumunod na tinawag ay ang team na namin

"Next, team Shalom"

Emmanuel
Our God is with us
Prince of Peace, Mighty One
The ever living God
Emmanuel
Our God is with us
Prince of Peace, Mighty One
The ever living God
(Oh, we worship You)🎶

Youth CampWhere stories live. Discover now