Chapter 22

9 1 1
                                    

SOLACE POV

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si mama na nakaupo sa sofa at nag babasa ng libro

"Hi, mom" bati ko pa

"Oh akala ko ba kasama mo sila Grey at Ally?"

"May date po sila pareho with their boyfriends" pagkasabi ko non ay tumango lang si mama at muling nag basa

Uminom lang ako ng tubig at naupo na sa silya na nasa dining area, inopen ko ang phone ko tsaka ko lang naalala na nag deactivate nga pala ako sa lahat ng social media acc ko, kaya naman nag pahinga lang ako sandali at naligo na dahil napag pasyahan kong pumunta na lang sa mall at doon na mag lunch.

"Mom, pupunta po akong mall, do you want to come with me?"

"Hindi na baby, ikaw na lang at mas gusto ko matulog"

"Ipapabili po, wala?"

"Wala naman, doon ka na rin ba mag lunch?" tanong ni mama at tumango naman ako

"Opo mommy"

"Ok sige enjoy, mag me time ka muna" sabi niya at hinalikan ako sa pisnge, ngumiti naman ako at lumabas na

Hinihintay ko pa rin dito sa gate 'yung binook kong grab pero ang tagal, naiinip na ako sa kakahintay nang biglang tumawag si Grey

"Oh" sagot ko sa tawag niya

"Ay galit?" tanong naman niya

"Hindi ah, ano ba kasi 'yon?"

"Ay bawal na ba tawagan ang chikana kong kaibigan?" tanong niya na natatawa pa

"Oh ano nga 'yon?"

"Mamayang gabi pupunta kami ni Nico sa inyo"

"Bakit?"

"Bawal na rin?" tanong pa niya na natatawa sa kabilang linya

"Hindi naman, anong gagawin niyo sa bahay, e 'diba may date kayo?"

"Tatambay makikipag kwentuhan sa'yo" sabi lang niya

"Anong oras ba? Kasi pupunta akong mall ngayon, baka abutin ako ng gabi ro'n" sagot ko naman

"Wow pupunta ng mall, e 'diba ayaw mo sa mataong lugar"

"Wala naman kasi akong gagawin sa bahay, kung ano ano lang iisipin ko, baka mabaliw pa ako"

"Ayos 'yang coping mechanism mo ah, hindi masyadong emo" natatawang sabi niya

"Bahala ka, bye" sabi ko at binabaan siya ng tawag

Saktong pag baba ko ng tawag ay napansin ko na sa hindi kalayuan 'yung grab ni binook ko, kaya naman nang makarating siya mismo sa harap ko ay dali dali na akong sumakay

"Ano kayang showing ngayon sa cinema, para after lunch ay manood ako" bulong ko sa sarili ko

Pagkarating sa mall ay kakain na muna sana ako, pero may nahagip ang mata ko na kakilala.

"Si Youth Pastor Gab at Colleen ba 'yon?" bulong ko pa sa sarili ko at hindi ko namamalayan na sinundan ko na sila

Pumasok sila sa Starbucks at kahit hindi naman ako nagkakape ay pumasok pa rin ako roon dahil lang sa pagiging chismosa ko, naupo sila sa may tabi ng bintana at buti na lang ay may bakante sa 'di kalayuan sa kanila at binalak kong doon pumwesto pagkaorder ko, umorder muna ako para naman kung makita nila ako ay may maganda akong palusot

Youth CampWhere stories live. Discover now