Chapter 33

9 1 0
                                    

SOLACE POV

Maaga akong nagising dahil ang sabi ni mom ay maaga silang darating, dahil ayaw na nilang sunduin ko sila ay ipagluluto ko na lang sila ng breakfast, nakaligo at nakaayos na ako, plano ko na sanang bumaba ng biglang mag ring ang phone ko.

"Good morning" sabi ni Kent sa kabilang linya

"Good morning din" nakangiting sabi ko kahit hindi niya naman ako nakikita

"Napatawag ka, maaga pa ah" dagdag sabi ko pa

"I just want to let you know that we are going on a picnic date later with our friends"

"Okay, ipapakilala na rin kita kala mom kapag sinundo mo ako"

"Sure" maikling sagot niya

"Sige na, may gagawin pa ako e, see you later" sabi ko lang at binabaan siya nang tawag

Bumaba na nga ako at nagsimulang magluto, magluluto lang ako ng carbonara, pesto pasta sana ang lulutuin ko kaso kulang naman sa ingredients dahil hindi ako nakabili kagabi, kaya ito na lang paborito rin naman ni dad 'to.

Matapos ko magluto ay nag pahinga lang ako at muling naligo at nag-ayos, ilang minuto lang ay dumating na sila mama at tuwang tuwa na may nakahain sa mesa.

"Buti na lang hindi kami nag breakfast ni dad at dumiretso na rito sa bahay" nakangiting sabi ni mama habang nagsasandok ng carbonara

"Kumusta ka rito, anak?" tanong naman ni papa

"Ayos lang po dad" nakangiting sagot ko

"Ah mom, dad may ipapakilala po ako sa inyo mamaya" kinakabahang sabi ko sa parents ko

"Sure, new friends ba 'yan?" nakangiting tanong ni mama

"Sige, kailan ba?" tanong ni papa

"Pinsan po ni Nico ang ipapakilala ko sa inyo" sagot ko lang

"'yung Nico ay 'yong boyfriend ni Grey Ann, tama ba?" tanong ni dad

"Opo, dad"

"Friends niyo rin pala ang pinsan niya, sige gusto namin siyang makilala ng mom mo" nakangiting sabi ni papa

Sasabihin ko na sanang boyfriend ko si Kent, kasi biglang may nag doorbell, si mama ang nag bukas ng pinto at sinabing ipagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Tumambad sa amin ang buong barkada kasama rin si Lennox at Alenie, hindi ko alam na ngayong oras din pala ang picnic na sinasabi ni Kent.

Ang gwapo niya sa suot niya ngayon, nakasimpleng pantalon lang naman siya at polo pero napakalakas ng dating niya, naaabot din ng pang-amoy ko ang pabango niya kahit hindi naman siya malapit sa akin.

"Tita, tito nakauwi na po pala kayo" sabi ni Ally na yumakap at humalik sa pisnge mg parents ko

"Titaaaa, titoooo namiss ko po kayo" sigaw naman ni Grey na tulad ni Ally ay yumakap at humalik din sa parents ko

"You're so hyper, Grey Ann" natatawang sabi ni dad

"Na-miss kita tito e" sabi lang ni Grey

"So sila pala ang ipapakilala mo sa amin, anak" nakangiting sabi ni mama na nakatingin kay Kent, Alenie at Lennox

"Ah opo" kakamot kamot sa batok na sabi ko pa

"Maupo kayo at samahan kaming kumain, si Claire ang nagluto nito" anyaya sa kanila ni dad

Buti nagkasya kami sa table kahit napakarami namin, nag dagdag na lang kami ng ilan pang bangko para makaupo lahat.

Youth CampWhere stories live. Discover now