SOLACE POV
"Isang magandang umaga, mga anak. Ako nga pala si Pastor Roland Sarmiento, at ako ang mag hahatid sa inyo ngayon ng salita ng ating Panginoon" nakangiting sabi pa ng Pastor
"Bago ang lahat. Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo at samahan ako sa panalangin" matapos niyang sabihin 'yon ay tumayo naman kami
"Makapangyarihang Diyos, na may gawa ng langit at lupa, magandang umaga po sa inyo aming Ama. Kami ay nag papasalamat at nagkasama sama kami upang magkaroon ng ganitong gawain, kung saan ikaw ay aming napapapurihan, napapasalamatan, sinasamba at higit sa lahat ay nakakapag aral ng inyong mga salita. Dalangin namin sa inyo Ama na nawa'y tumimo sa aming isip maging sa aming puso ang lahat ng aming mapag aaralan sa mga oras na ito, at ang mga batang ito ay maging lingkod mo sa darating na panahon. Ito ang aming nagkakaisang panalangin sa tanging matamis na pangalan ni Hesus na inyong anak at aming tagapag ligtas. Amen" mahabang panalangin pa ng Pastor
Matapos manalangin ay naupo na kaming lahat, inilabas naman namin ni Grey ang maliit na notebook namin para isulat ang mapag aaralan sa oras na ito.
"Naniniwala ba kayo sa love is blind? Sino rito ang naniniwala sa love is blind?" Nakangiting tanong ng Pastor at may mangilan ngilan naman na nag taas ng kamay
"Mukhang marami rami ah, sino naman dito ang hindi naniniwala na ang pag-ibig ay bulag?" Nag taasan naman ng kamay ang iba pa ganon din si Grey at Kent
"Kakaunti lamang, e 'yung iba ano tingin niyo, bakit hindi nag tataas? Undecided?" nakangiti muling tanong ni Pastor
"Maging ako ay hindi naniniwala sa love is blind, mga anak. Dahil para sa akin Love is not blind. Bakit? Kasi It sees but it does not mind. Love sees more, Love enables you to see your loved ones in a way that nobody else can. Love sees everything, the good, the bad, the strengths and the flaws yet you still chooses to love." Mahabang paliwanag ni Pastor at nagets ko naman siya
"At ganoon din ang Diyos Ama sa atin, kahit alam niyang makasalanan tayo ay patuloy niya tayong minamahal kung kaya't ibinigay niya sa atin ang kaniyang kaisa isang bugtong na anak para matubos tayo sa kasalanan na makikita natin sa John 3:16" nakangiti pang dagdag niya
Natapos na ang preaching ni Pastor Roland, at natutuwa ako dahil hindi siya nakakaantok mag preach. Napakarami kong natutunan sa araw na ito.
"Tunay nga na nakakabless kapag nakakarinig ng salita ng Panginoon, ngayon naman ay manananghalian na tayo, at pag tapos ng ating pananghalian ay may 2 hours kayo para mag siyesta bago tayo tumuloy sa susunod na activity at 'yon ay ang ating team building. Sige na pumila na ang bawat team para kuhanin ang inyong pananghalian" nakangiting sabi ni ate Janine
Nag tungo na nga kami sa aming mga table at sinimulang kumain, si Grey ang nag pray para sa aming pananghalian, at hindi ko na sila pinansin at sinimulan ko ng kumain nang kumain, dahil talagang nagutom ako"
"Solace, Grey. Mag iikot ba kayo rito sa camp site? 2 hours ang siyesta natin" sabi ni Allyson matapos sumulpot sa gawi namin ni Grey habang nag liligpit kami ng kinainan namin
"Sa akin ok lang naman, kahapon ko pa gusto mag ikot, ewan ko lang diyan kay Solace" sagot naman ni Grey
"Inaantok ako e, gusto ko rin mag pahinga para may lakas ako mamaya sa team building" walang ganang sagot ko naman
"Inaantok ka rin naman kahapon, pero mas pinili mo makipag kwentuhan sa amin, tara na ikot ikot muna tayo, mahaba naman ang oras nv siyesta e, makakatulog ka pa" pamimilit pa ni Ally
"Hays, sige na, sige na" walang nagawa kong sagot
Habang naglalakad, may nakita kaming duyan sa hindi kalayuan, kaya napag pasyahan naming doon muna tumambay, pero nang makalapit kami ay nakita namin si Nico at Kent na nandoon sa gilid ng swing, akmang hihilahin ko na si Grey at Ally paalis, pero bigla kaming nakita ni Nico.
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...