SOLACE POV
Nag lalakasang alarm clock na naman ang gumising sa akin, pag tingin ko kay Grey gising na rin siya pero nakakunot ang noo, tinignan ko rin si Ally sa pwesto niya at nakita kong gising na rin siya at humihikab pa
"Tara na Solace, para makaligo na tayo" sabi ni Grey na hawak pa ang mga susuotin niya at toiletries niya
"Oo nga Solace, baka maunahan pa tayo" sabi rin ni Ally
"Teka, hindi pa ako nakakapag pray" sabi ko naman
"Kanina ka pa gising, hindi ka pa nakakapag pray? Baka pati kagabi hindi ka rin nakapag pray ah" tanong naman ni Grey at tumango lang ako
"O siya sige bilisan mo" sabi niya pa at nag simula naman na ako mag pray
"Mag ppray pa muna raw siya" dinig kong sabi ni Grey kay Ally
"Tara na, tapos na ako" sabi ko naman sa kanila
"Kanina ka pa tulala, hindi ka pa pala nakakapag pray non" sabi ni Ally sa akin
"Ah naisip ko kasi kanina na anong sasabihin ko kay Nico" sabi ko sa kanila na ikinakunot ng noo nila pareho
"Ano namang meron kay Nico?" tanong pa ni Ally
"E 'diba nga naheart ko 'yung photo niya" sagot ko naman
"Ay oo nga pala, shongaks ka e" natatawa pang sabi ni Ally
"Hayaan niyo 'yon si Nico, paniguradong inistalk rin naman kayo non" natatawang sabi naman ni Grey
"Love, ipupusod mo pa rin ba ang buhok mo o ilulugay mo na?" tanong ko naman sa kaniya
"Ipupusod, bakit?" tanong naman niya
"Mas maganda ka kasi kapag nakalugay e" sabi ko naman
"Kaya nga magpupusod ako e, para hindi ko masapawan ang mga ganda niyo" natatawang sabi niya na ikinangiwi namin ni Ally
"Pero mag memake up ka ba ngayon?" tanong naman ni Ally
"Aba oo siyempre, mag liliquid eyeliner din ako today, para pang malakasan" sabi pa niya at nag punta na sa restroom
Bago kami lumabas ng restroom ay hindi ako mapakali kung itatuck in ko ba ang tshirt ko o hahayaan ko na lang na nakaladlad, nakita ko naman na binuhol ni Grey sa banding gilid ang tshirt niya, nakita ko naman si Ally na naka tucked in kaya ginaya ko na lang siya. Color white ang tshirt namin na may bible verse sa harap at may maliit na pangalan namin sa bandang taas ng likod.
"Medyo kapalan natin ng konti eye shadow niyo ngayon" sabi ni Grey habang palabas kami ng restroom
"Hindi ba kami mag mukhang bakla non?" tanong naman ni Ally
"Bakit mukha ba akong bakla?" sagot naman ni Grey at umiling lang si Ally
"Hindi naman sobrang kapal e, para lang magkabuhay ang mga mata niyo, ayaw niyo kasi mag liquid eyeliner e, kaya idadaan ko na lang sa eye shadow para pakak" sabi ni Grey at tuluyan na kaming naupo sa lapag at sinimulan na ni Grey layan ng make up si Ally
"Ang ganda ganda mo Ally, tara ikulot ko buhok mo, mahaba pa naman oras e" sabi ni Grey kay Ally
"May dala kang pang kulot?" tanong naman namin pareho ni Ally
"Oo, maliit lang naman 'yon kasyang kasya sa bag" sagot naman ni Grey na sinaksak na ang pang kulot niya
"May pang kulot ka? e lagi ka naman nakapusod" sabi ko naman
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...