SOLACE POV
"Aishhh" inis na sabi ni Kent
"Hala! Sorry" naaaligagang sabi ko
"Oh ow" dinig kong sabi ng kasama niyang naka blue shirt
Tinignan naman ako ni Kent at hindi ko naman malaman ang gagawin dahil sa sobrang kahihiyan
"Sorry talaga" sabi ko pa
"It's ok, tumingin ka na lang sa dinadaanan mo sa susunod" sabi niya habang papalayo sa amin
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo, Taylor" nakangising pang aasar ng kaibigan niya
"Hoy, Kent. Anong ok lang sinabi mo ro'n kay Taylor, e ang init init nung kape mo" rinig naming sigaw pa nung kaibigan ni Kent habang hinahabol siya
"Mainit nga 'yung kape non, tignan niyo natalsikan ako nung nabangga siya ni Solace" biglang sabi ni Grey na pinapakita pa sa amin na natalsikan nga siya sa braso
"Hala ang dami kong kahihiyan ngayong araw" mangiyak ngiyak na sabi ko
"Baka nalapnos pa 'yung dibdib non, sa dami ba naman ng mainit na kape na natapon sa kaniya" sabi pa ni Grey
"Grabe naman sa nalapnos, ok nga lang daw e" sabi naman ni Ally
"Malamang sasabihin non na ok lang dahil magiguilty lang si Solace kung hindi siya ok e" sabi ni Grey na tinignan pa ako "napangiwi nga siya nung natapunan mo siya e" dagdag pa ni Grey na tinignan pa ako
"E anong gagawin ko? Sabi naman niya ok lang siya" tanong ko naman sa kanila
"Bigyan mo ointment siguradong namula 'yung natapunan ng kape, tsaka para masimulan na love story niyo" natatawang suhestyon ni Grey
"Baliw ka" sabi ko na natatawa pa
"Hala siya, Solace kinokontra mo ako kapag ganon sinasabi ko, ano't natatawa ka pa ngayon. Hmm" nang aalaskang sabi pa niya
"Nako hindi ka ganiyan Solace, hindi ikaw 'yan" gatong naman ni Ally
Hindi ko naman sila pinansin at nag tuloy na sa pag lakad, narinig ko naman sila na pinag uusapan pa ako at inaasar pero hinayaan ko na lang sila.
"Hala wala naman akong ointment e" bulong ko pa sa sraili ko nung makaakyat ako sa attic
"Hingi tayo kay ate Janine paniguradong meron silang first aid kit" nagulat naman ako sa biglaang pag bulong non ni Grey
"Ano ka ba nakakagulat ka naman e"
"Hala naging nerbyosa hindi naman siya nagkakape" sabi pa niya kay Ally na nakitawa lang
"E bigla bigla kang bumubulong diyan e"
"Ang arte palibhasa nag dadalaga" natatawa pang sabi niya
"Tara na hingi na tayo ointment bago matulog sila ate Janine" sabat naman ni Ally
"Oo nga at baka maabutan pa tayo ng alas dies, mapapagalitan tayo kapag nakitang gising pa tayo" sabi naman ni Grey na hinila pa ako pababa
"Aray ko naman dahan dahan naman sa pag baba ng hagdan" inis kong sabi kay Grey na inagaw pa ang braso ko sa pagkakahawak niya
"HAHAHAHA pabebe neto e" pang iinis niya sa akin
Habang nag lalakad papunta sa kwarto nila ate Janine ay bigla naman bumukas ang kwarto nila kuya Alas at iba pang mga lalaking organizer
"Oh bakit nasa labas pa kayo, anong oras na ah" tinignan pa ni kuya Alas ang relo niya matapos sabihin 'yon
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...