Chapter 13

11 2 0
                                    

SOLACE POV

"Ano ba naman 'to si Ate Janine nang bibigla, hindi ako ready e" asar na sabi ni Grey na kararating lang kasama sila Kent

"Nico and I weren't ready either, pero tinawag kami bigla" sabat naman ni Kent na naupo pa sa tabi ko

"Kaya nga, bakit ka ba nag cocomplain e kumanta ka rin naman" sabi naman ni Nico

"Alangan naman tumanggi ako, baliw ka ba?" asar na sagot naman ni Grey

"Are you okay, Ally?" napatingn kami kay Ally nung tanungin siya ni Kent

"Oo naman, bakit naman hindi" nakangiting sagot naman ni Ally

"You're quiet" sagot lang ni Kent

"Kailan ba nag ingay si Ally?" natatawang tanong ko naman

"Kaya nga HAHAHHA, kung may dala lang libro 'yan dito, mas pipiliin pa niya mag basa kesa makasama tayo panigurado" natatawang sabi naman ni Grey

"Kent" napatingin kami sa likod ng may tumawag kay Kent

"Uy kuya Gab" sabi ni Kent na nakipag fist bump pa kay Youth Pastor Gab

"Kumusta? Oh Nico hi" sabi ni Pastor Gab na bumaling pa kay Nico

"I'm fine, kuya" nakangiting sagot ni Kent

"Yo, kuya Gab" sabi naman ni Nico na nakipag fist bump din kay Pastor Gab

"Ah kuya sila Ally, Solace at Grey nga pala" pakilala ni Nico at kinamaan naman namin siya

"Ikaw 'yung malakas ang boses kanina, right?" natatawang sabi ni Pastor Gab kay Grey at natawa rin naman kami

"Opo, ako 'yon, pasensya na hehe" nahihiyang sagot ni Grey

"It's ok. Btw you're cute" nagulat kami sa sinabing 'yon ni Pastor Gab

"Lahat kayo, actually" dagdag sabi niya pa

"Salamat po" sabi ni Grey at ngumiti naman sa kaniya si Pastor Gab

"Mauna na ako sa inyo, doon na muna ako sa pwesto namin" paalam pa ni Pastor Gab at tumango lang kami

"Aissksksksksks, sinabihan niya akong cuteeee" kinikilig pa na sabi ni Grey at mahinang hinampas ko naman siya

"Para kang baliw diyan, umayos ka nga" sabi ko pa

"Pati ba naman Pastor crush mo, Grey" natatawang sbai naman ni Ally

"Why not? Ang pogi kaya niya" irit na sabi pa ni Grey

"Ayaw non sa maingay" singit sa usapan ni Nico at natawa naman si Kent

"Papampam ka, kanina ka pa, bading" sagot naman ni Grey na umirap pa

"You like 23 yrs old, huh" sabat naman ni Kent

"Weh 23 na siya?" tanong ni Grey at tumango naman si Kent

"Okay lang, age doesn't matter tsaka 5yrs lang naman tanda niya e" sabi pa ni Grey na ikinangiwi ko

"Tumigil ka nga Grey, baka kapag nakatuluyan mo si Pastor Gab mapariwara 'yon" nang aasar na sabi ko

"Oo nga baka imbes bumait ka, e si Pastor Gab pa maimpluwensyahan mo" sabi naman ni Ally na natatawa pa

"Mga kontra naman 'to, nga pala last night na pala natin 'to rito no? Uuwi na pala bukas" malungkot na sabi ni Grey

Youth CampWhere stories live. Discover now