Chapter 32

9 1 0
                                    

SOLACE POV

Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming nagpaalam ni Grey kay Nico, at sigurado akong pupuntahan naman ni Nico ang pinsan niya para itanong ito at kausapin sa nangyari sa pagitan naming dalawa.

"Ano ba kasing nangyari, bakit biglang may ganong eksena?" tanong ni Grey matapos maupo sa sofa

"Hindi ko alam" walang ganang sagot ko

"Ha? Ang labo mo naman e, paanong hindi mo alam?" tanong pa niya

Nagulat naman kami nang biglang may mag doorbell, naisip na lang namin na si Nico 'yon at may nakalimutan lang sabihin, pero nang buksan ni Grey ang pinto ay tumambad sa amin si Allyson.

"I'm here to gossip, so, what happened Solace?" tanong niya na naupo na rin sa sofa

"Nako, hindi nga raw niya alam, parang timang" sagot naman ni Grey

"Mag kwento ka kasi, ano ba talaga nangyari?" tanong ulit ni Ally

"Nakita ko si Colleen at Kent na magkayakap" sabi ko naman

"Omg, bakit?" tanong pa ni Ally nag kibit balikat naman ako

"Magkayakap lang?" tanong din ni Grey

"Anong lang pinagsasabi mo Grey? Alam mo naman na may feelings dati si Kent kay Colleen nakakaselos 'yon, ivalidate mo naman nararamdaman ng kaibigan natin" singhal ni Allyson sa kaniya

"Ikaw na nga nagsabi na DATI, kaya ano pinuputok ng butchi mo, Ally? And FYI vinavalidate ko nararamdaman ni Solace pero ayoko agad mag conclude dahil kung paano ko vinavalidate nararamdaman ni Solace ay ganoon ko rin vinavalidate nararamdaman ni Kent, hindi nga nakapagpaliwanag 'yung tao dahil binirahan agad natin nang alis" ubos pasensyang sagot naman ni Grey

Pare parehong kaming nagulat ng mag ring ang phone ko, at nakita ko ang pangalan ni Kent na tumatawag, nakisilip din ang dalawang kaibigan ko, wala akong balak sagutin 'yon.

"Sagutin mo na para makapag usap kayo at makapag paliwanag siya" sabi ni Ally

"Sagutin mo na Solace, para magkaunawaan kayong dalawa at maayis niyo na 'yan" sabi naman ni Grey

"Ayoko, nakapag usap na kami, sabi ko sa kaniya na siguraduhin niya muna ang nararamdaman niya sa akin" sagot ko lang sa kanilang dalawa

"Pero Solace hindi manghuhula ang boyfriend mo para malaman niya 'yang dahilan nang biglaang pag-alis mo" sabi pa ni Ally

"Pero kasi nasasaktan talaga ako Ally" naiiyak nang sabi ko kay Ally

"Mas masasaktan ka kapag sinukuan ka niyan" sabi ni Grey na nakapagpakaba sa akin

"Huwag mo palalalain ang isang sitwasyon na kaya niyo naman pag-usapan agad" dagdag sabi pa ni Grey

"Sagutin mo na, love" pamimilit ni Ally kaya naman sinagot ko na ang tawag

"Loud speaker mo, love" sabi naman ni Grey at ginawa ko nga 'yon

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo pipilitin kong magbago
Pangako sa iyo sorry na
Nakikinig ka ba
Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito
Na ayaw magpatalo at parang sirang tambutso na hindi humihinto🎶

Nagulat kaming tatlo nang biglang kumanta si Kent sa kabilang linya

"Pffttt" pigil ni Grey sa tawa niya

"Yieee" mahinang impit naman ni Ally, halatang kinikilig

Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit sorry na talaga
Sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo sorry na
Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Ang ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan🎶

Youth CampWhere stories live. Discover now